Lujille
Tinulak ko siya palayo.
"Ano ba'ng problema mo?" sigaw ko.
Boses ko ang nagpatahimik sa buong auditorium. Parang eksena sa pelikula ang nangyayari.
"Lujille, I-"
"I came here for business tapos lalandiin mo lang pala ako?! If that's what you want then I'm freaking done!"
Lumakad ako palayo pero nahagip niya ang braso ko. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap kami sa mga tao.
"Bitiwan mo nga 'ko! Ano ba?!" sabi ko habang pinipilit kumawala sa hawak niya. Mahigpit ang kamay niya sa kamay ko.
"Ladies and gentlemen, the words you just heard a while ago were from my wife. My beautiful and loving wife."
Narinig ko ang pagkadismaya ng mga estudyante sa sinabi ni Arleigh. I'm surprised sa dami ng fan girls niya dito sa UST. Aaminin ko, in his mid-thirties, malakas pa rin ang appeal niya sa mga babae. At aaminin ko ulit, lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
"Sana marami kayong natutunan sa kanya. But for now, we have to go."
Hindi niya ako pinakinggan habang hinahatak niya ako pababa ng stage kahit anong reklamo ko. Sa sobrang bilis ng paglalakad namin, makailang ulit na akong muntikang matapilok.Palabas na kami ng auditorium nang marinig ko ang isang baklang estudyante na sumigaw.
"Okay lang, sir Arleigh! Crush pa rin kita!"
At sinundan iyon ng isang high-pitched na tili.Tawanan na lang ang narinig ko and the next thing I know, kinakaladkad niya ako sa hallway.
"Bitawan mo ko, pwede?"
Bumitaw siya at tumingin sa akin.
"Arleigh, itigil mo na 'to. Wala naman tayong mapapala nito eh."
"Seryoso ako. I'm gonna win you back no matter what."
Kita ko ang sincerity sa mga mata niya. Pero hindi ko kailangang magpadala. Para na rin ito sa ikakabuti naming dalawa.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko at iniwan siya.
Nabigla ako nang mabali ang taking ng kaliwang sapatos ko.Pinipigil niya ang pagtawa. Pinandilatan ko siya.
"Ihatid mo ko pauwi." sabi ko.
Ngumisi siya, kinarga ako at tinanggal ang kanang sapatos ko.
Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Malakas pa rin ang pintig nito kahit kanina pa niya ako hinalikan. After all this time, ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Oh my god. Hindi ko maitanggi sa sarili kong mahal ko pa rin siya.
Humiga ako sa kama at natulog.
Buhos ang oras ko kay Charleigh at sa coffee shop. Pumupunta din si Ate Nida sa coffee shop para tumulong pero madalas sa gabi na. Ako ang nag-aalaga kay Charleigh 'pag gabi at hindi ako natutulog hangga't hindi dumarating si Ate Nida.
"Ate, may lalakarin ako ngayon. Baka gabihin ako o bukas na ako makauwi. Ikaw muna bahala dito ha?" sabi ko sa kanya.
"Sige, hija. Ako na'ng magsasabi sa anak mo."
"Salamat ate." sagot ko at umalis na.
"Hi." malamig kong sabi nang binuksan ni Arleigh ang pinto ng condo unit niya. Ngumiti lang siya na para bang ako lang ang nagpagaan ng mood niya buong araw.
BINABASA MO ANG
Shotgun Wedding
RomanceOne wedding changes the lives of Arleigh Llamanzares and Lujille Valderama for the sake of business. Now on their late twenties, and Manila's top two business tycoons, they must face the charade their parents brought them in, and the consequences of...