LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Napanginig ang aking katawan sa malamig na ihip ng hangin na gumambala sa aking mahimbing na pagtulog.
Tila nagising nito ang aking diwa sa ginaw na nadarama kaya napayapos ako sa mabigat na bagay na nakapulupot sa aking baywang.
Hanggang nagising ako nang buo sa isang malakas ihip ng hangin at randam kong mas humigpit ang nakapulupot sa aking katawan.
Gayon pa man, tila nakapagbigay ito ng init sa aking katawan na kinakailangan ko.
Habang dinadama ko iyon ay mas lalo akong nagtataka.
Kaya unti-unti kong inimulat ang aking mata at sa pagmulat nito ay bigla akong nakadama ng sakit sa ulo na tila pinipiga ang nasa loob nito.
Mahina akong napadaing at agad napahawak sa aking ulo.
Minabuti kong ipinikit muli ang aking mata sa sama ng aking pakiramdam. Para akong mahihilo. Nanghihina ang aking katawan na tila nanlalambot gaya ng isang lantang gulay.
Hindi ko mawari kung bakit pagod na pagod ang aking katawan at naghahabol ng hininga.
Sinubukan kong imulat muli ang aking mata ngunit malabo pa rin ang aking nakikita.
Hanggang lumipas ang ilang segundo ay medyo naaninag ko na ang kakasikat palang na araw.
Noong naging malinaw na ang paningin doon ko palang namalayan na bisig pala ng lalaki ang nakaakap sa katawan ko.
Namilog ang aking mata at nang maasiwa ko kung kanino ito ay lumakas bigla ang tibok ng aking puso.
Bigla nalang akong napa-aray sa aking pang-upo nang subukan kong kumalas at lumayo
Ang sakit. Ang hapdi ng pang-upo ko.
Tumindig ang balahibo ko sa pagkagulat. Naestatwa nalang ako nang namalayan kong wala akong suot na kahit anong damit.
Napakapit ako sa aking dibdib at dama kong mas lalong bumulis ang tibok ng aking puso.
Anong ginawa ko kagabi?
Tulala akong napatingin sa itaas sa pag-alala kung ano ang mga nangyari kagabi. Pero ni isa, wala talaga akong maalala.
Napatakip nalang ako sa aking bibig dahil para akong mababaliw sa kakaisip.
Kahit masama ang aking pakiramdam ay inilaban kong makawala sa pagkayakap.
Nakahinga ako nang malalim matapos kong makawala at nang may tsansa ay minabuti kong kapain ang aking pang-upo kung totoo nga bang may nangyari o wala dahil gusto ko lang makasigurado.
Sana hindi. Sana hindi totoo.
Napaigik nalang ako dahil totoong masakit nga ito. Kusa akong napaluha sa isang malaking pagkakamaling nagawa ko at idagdag pa na sumabay ang sakit ng aking ulo sa hangover.
Mas lalo akong nangimbal sa takot dahil may nahawakan akong malagkit sa pang-upo ko.
Wag naman sana.
Hindi ito maari!
Sinukluban na ako nang kaba.
Sumikip nang sumikip ang aking dibdib.
Hanggang paunti-unting kinakaain na ako ng dilim at nawalan ng malay.
Nagising ang aking diwa nang may naramdaman akong dumampi sa aking noo. Hindi ko maiwasang magtaka kaya dahan-dahan kong inimulat ang aking mata.
"Hhmm." Mahina kong ungol nang may naaninag akong pigura ng tao na nakatingin sa akin. Medyo malabo pa rin ang aking paningin dahil kakagising ko lang ngunit ang ipinagtataka ko kung sino ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...