S2 - Chapter 13: Lagnat

123 5 1
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


Sobrang init ng panahon na tila sumabay ito sa aking nararamdaman kaya napabuntong hininga nalang ako dahil inaapoy ako ng lagnat.

Sumunod ay napanguso nalang ako habang nakahiga sa aking kama. Minabuti kong balutin ang katawan ko ng makakapal na kumot.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkalagnat. Sobrang ganda kaya ng pakiramdam ko kahapon. Siguro resulta ito ng stress na palaging gumugulo sa akin.

Napapikit nalang ako dahil dumayo na naman ito sa aking isipan. Masasabi kong sariwa pa rin ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Napapunas ako sa aking mumunting mata. Tumutulo pa rin ang aking luha kahit pilit kong nilalabanan ito. Pinilit kong patatagin ang aking sarili subalit nagkusa lang itong lumabas.

"Friend, I'm sorry talaga." Naiiyak na wika ni Sunshine nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari.

Sa kabilang banda, gumaan pansamantala ang aking pakiramdam dahil nailabas ko ito kay friend na ka-video call ko ngayon.

Napatingin ako sa aking bedside table dahil doon nakalagay ang aking phone.

"Friend, wala kang kasalanan noh. Na-appreciate ko ang intention mo. Ikaw kasi eh, hindi ka na naman nagpaalam sa amo mo. Ayan tuloy nahuli ka at grounded. Kaya ibang sorpresa ang nasaksihan ko." Mahinahong pagpahayag ko kaso mabagal ang aking delivery ng pagsasalita sa pagpapagaan ko kay Sunshine sa kabilang linya dahil sinisi kasi niya ang kanyang sarili sa sinapit ko.

Napatakip ako sa aking bibig at napa-ubo. "Tahan na friend, 'wag mo nang sisihin ang sarili mo." Nahihirapang sabi ko dahil sa ubo ko. Kaso nakatakip pa rin ang kanyang kamay sa mukha.

"Friend, it's not your fault." Pagpatuloy kong paliwanag sa kanya.

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang tumingin na sa akin si friend na nakanguso habang pinupunasan niya ang kanyang luha gamit ang tissue paper.

Ibinalik na kasi sa kanya ang kanyang phone kung kaya nakausap ko siya ngayon virtually. Wrong timing lang dahil nilalagnat ako kaya mas lalo niyang sinisi ang kanyang sarili.

Natawa ako nang mahina sa expresyon ng face niya kaya napasimangot siya sa akin. Kaso bigla akong inubo, kaya natawa siya nang mahina.

Nagantihan din ako kaagad.

"Salamat friend," ani niya habang inaayos ko ang aking pagkakahiga. Mabuti nalang bumaba nang kaunti ang init ng aking katawan.

Gusto sana akong puntahan ngayon ni Sunshine subalit pinigilan ko siya dahil alam ko kahit hindi niya sasabihin ay nakakasigurado akong tatakas siya.

I assured Sunshine na okay lang dahil nariyan naman si Pepperony.

Sinugurado ko rin ang health ng aking anak. Pinakuha ko naman ni kuya Francis si Vitto habang ako ay nagpapagaling.

"Friend, ano na ang gagawin mo ngayon? Ipapakilala mo pa ba kay Jeremy ang anak niyo?" Napaisip ako sa tanong ni Sunshine.

"Friend, gusto ko dahil wish 'yan ng anak ko na makita at makilala ang ama niya." Natahimik ako saglit at natulala.

"Ka-kaso friend, tinaboy ko na siya. Noong mga oras na iyon handang handa na akong sabihin sa kanya ang totoo. Lahat-lahat. Subalit hindi ko inaasahan ang lumabas sa kanyang bibig. Nasaktan ako nang sobra. Nawalan ako ng kumpyansa. Umibabaw ang aking emosyon, friend."

Nang tingnan ko si Sunshine ay nasilayan ko ang pag-alala niya sa mga binitawan kong salita.

"Hindi ko na alam kung matutupad ko pa iyon, friend. Sorry big boy ko. Sorry anak."

"Shhh. Siguro 'wag muna natin iyang isipin, friend. Magpagaling ka muna. Pasensiya talaga friend kung natanong ko iyan." Tumango ako sa tugon niya saka ngumiti.

Ipinikit ko ang aking mata. Tama si Sunshine, magpahinga muna ako. Hindi maganda na problemahin iyon habang ako ay may sakit. Kaya ini-relax ko ang aking sarili at hinayaang kainin ng antok.

Napamulat ang aking mata nang maalimpungatan ako sa tawanan doon sa kusina. Nang tingnan ko ang orasan sa wall ay saktong tanghalian na.

Ilang sandali ay bumukas ang pintuan. Tila lumaki ang aking mata sa pagkabigla sa pumasok ng kwarto ko.

"Kirk?" Mahinang ani ko nang masilayan ko siya dala ang food tray kasama si Pepperony.

"Lee, maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nag-alalang tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako para ipakita na bumababa na ang lagnat ko. Ilang saglit lang ay napatakip ako bigla ng aking bibig dahil napaubo ako.

"Here," tawag ni Kirk sa akin habang nakahawak na siya sa isang bowl na may lamang sopas. "Ahhhhhh. Open your mouth, Lee." Mabagal akong napailing sa ginawa niyang pagsubo. Kita ko namang napangisi si Pepperony sa nasaksihan.

"Kirk, you don't have to do this. Kaya ko naman. Baka mahawaan pa kita." Sabi ko sa kanya.

"You're not in good shape, Lee. So, please. Hayaan mo akong subuan kita nitong sopas na nilito ko for you." Nadali na naman ako sa sinabi ni Kirk. Napatango ako saka napanganga nalang.

"Salamat Kirk. I owe you a lot." Masayang sabi ko noong matapos na akong pakainin at painumin ng gamot.

"Ikaw pa. You're always welcome, Lee."

"Teka, paano mo nalamang nilalagnat ako?" Takang tanong ko dahil kanina ko pa ito iniisip.

"I received a text message from Pepperony. Kaya nagmadali akong pumunta rito." Napatango ako sa tugon niya.

"Sige Lee, I'll go now. Pinapunta na ako ng secretary ko sa aking opisina. Just rest and if you need help just call me. Bye." Paalam ni Kirk.

"Sige Kirk. Ingat ka." Ngumiti siya sa akin habang lumalabas ito sa aking kwarto. Nang ibaling ko ang tingin sa aking pinsan. Kita ko naman siyang malaki ang ngisi.

"Friend gora na kay Kirk." Napatingin nalang ako sa aking friend nagsasalita sa screen ng phone ni Pepperony. Hindi ko man lang namalayan ito.

"Alam ko iyang mga titig na iyan friend ha. Promise, kaibigan ko lang talaga siya." Tinawanan naman ako ng friend ko dahil defensive daw ako.

Really? Am I defensive?

Ewan ko sa friend kong ito. Nababaliw na naman yata.

"Sige na nga, baka apoyin kapa ng lagnat kapag tanong ako nang tanong sa'yo. Pero friend, bet ko siya para sa iyo kaysa sa gagong Jeremy. Byudo, gwapo, matangkad, tisoy, mabango, mataas ang sex appeal, at maalaga." Napailing ako sa sinabi niya. Tuluyan na yatang nabaliw si Sunshine.

"Sunshine!" Seryosong sita ko kaya nag-peace sign lang ito sa akin saka ngumiti nang napakalapad. Baliw talaga.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon