LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Alas singko palang ng umaga ay inabala ko na ang aking sarili."Hey," napatingin ako sa lalaking gumambala sa akin sa pagdidilig ng mga pananim ko.
"Good morning." Bati ko at ibinalik ang tingin sa aking ginagawa.
"Good morning, Yam." Dama ko namang kumuha rin siya ng regadera at tinulungan ako. Pinabayaan ko siya sa gusto niyang gawin.
Mga ilang minuto rin kami sa ginagawa namin hanggang sumilay sa amin ang pagsikat ng araw.
Namamangha pa rin ako sa ganda nito. Sinabayan pa ng paunti-unting ihip ng hangin na napakapresko.
Natulala nalang ako nang hubarin ni Jeremy ang sando na suot niya.
Ipinunas niya ito sa mumunting pawis sa mukha niya. Tila na estatwa ako sa kanyang ginawa.
Kasulukuyan akong nakaupo sa pahabang upuan na kahoy. Siya naman ay nasa aking harapan na tila inaakit ako.
Nang mahuli niyang nakatingin ako ay agad naman siyang kumindat na ikinapula ng aking mukha.
Napatingin ako sa ibang deriksyon.
Nagulat nalang ako nang tumabi siya akin at umakbay.
Wala siyang suot na pang-itaas.
Napalunok ako ng wala sa oras.
Hindi dapat ako maaapektuhan sa mga ganito. Ganito rin naman siya dati.
Kaya pumikit ako sandali at nagpakawala at huminga nang malalim para kumalma.
"Pasok na ako, Yam." Mahinahon niyang sabi saka ginulo ang buhok ko.
"Sige mauna kana." Tugon ko at sinundan siya nang tingin papasok sa bahay.
Nang tuloyang nakapasok na siya ay napabalik ako sa pagtingin sa kalangitan.
"Sana tuloy-tuloy na itong kasayahan na natatamasa namin ng anak ko." Bulong ko sa kawalan.
Nang nakapagpahinga ako nang maayos ay bumalik na ako sa loob at naglinis ng katawan.
Sumunod ay pumunta ako sa kusina. Nagulat ako nang nagluluto ng agahan si Jeremy.
Pansin kong basa ang buhok niya. Tanging nakatabon sa upper body niya ay apron lang at naka-boxer shorts lang din.
Umupo nalang ako sa upuan habang iginugol ang oras na nakamasid sa kanya.
"You're here na pala, Yam." Bungad niya at napabalik ako sa aking huwisyo. Napangiti nalang ako bilang tugon.
"Gising na ba si Vitto?"
"Hindi pa." Tugon ko.
Hinubad niya ang apron at tumambad na naman sa aking harapan ang kanyang katawan.
Naapektuhan na naman ako pero minabuti kong hindi niya mapansin.
"Got it. Gisingin ko lang." Pinigilan ko siya at ako'y tumayo.
"Ako na, Jeremy." Napatango siya na ikinangiti ko.
Pagkapasok ko ay naabutan ko ang aking anak na inaayos na ang kanyang kwarto na nagpangiti sa akin.
Matapos niyon ay niyakap ako ng aking big boy.
"Good morning papa." Bungad niya sa akin.
"Good morning big boy. How is your sleep?" Kuminang ang kanyang mata at sumilay rin ang ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...