LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Napangiti ako habang tinatanaw sa malayo ang aking big boy na magiliw na nakakandong kay Jeremy habang sila ay nanunuod ng TV.Napakapit din ako sa aking dibdib sa sobrang ligaya na aking nadarama.
Kitang-kita ng aking mata kung gaano na ka komportable ang aking anak kay Jeremy.
Kung titingnan nang mas mabuti ay parang mag-ama na sila kung tingnan.
Inaamin kong nagtagumpay itong kunin ang loob ni Vitto which is pabor naman sa kanya dahil naturingan na ito ng aking anak na hero.
Napabalik ako sa aking huwisyo at minabuting tumabi sa kanila. Itinuon ko rin ang aking pokus sa palabas na Spiderman Movie na favorite ng aking anak.
Inilagay ko rin sa maliit na table ang pop corn na aking niluto.
Napatingin ako kay Jeremy at nang mapansin niya ako ay inakbayan ako nito na hinayaan ko naman.
Hindi ko maipaliwanag pero simula nang bigyan ko ng chance si Jeremy ay nasosorpresa ako sa mga kilos niya.
"Tito dad. Paabot po ng pop corn." Pakiusap ng aking anak.
Nabibigla pa rin ako kapag tinatawag niya ng ganyan si Jeremy. Noong una ko itong marinig ay gulat na gulat ako dahil hindi ko naman tinuruan si Vitto na tawagin ng ganoon siya.
Imbis na iabot ni Jeremy ang pagkain ay siya na mismo ang nagpakain. Lubos naman itong ikinatuwa ng aking anak.
Naging emosyonal ako sandali dahil sa buong buhay ng aking anak ngayon niya lang ito natamasa.
Naalala ko pa ang sabi ni Vitto noong nakaraang araw na gustong-gusto niya na maging daddy si Jeremy at saka maging kapatid si Zei.
Hindi ako nakasagot niyon. Napangiti lang ako saka pinipisil ang cute niyang pisngi.
Soon anak. Mukhang matutupad din iyon.
Nakuha ang atensiyon ko nang tumunog ang aking phone na nanggaling sa aking kwarto.
Tumayo ako at iniwan sila.
Nang tingnan ko ang aking phone ay tumawag si Miggy via video call.
Napangiti ako at nang sinagot ko ito ay ini-add rin niya si Garey. Lubos ang aking pagkagalak kasi ngayon lang kami nagkausap ulit after ng reunion.
"Hello friend!" Bati nila nang magkasabay.
"Hello Miggy at Garey." Inilagay ko ang aking phone sa table saka isinandal ito sa vase.
"Kamusta kayo?" Tanong ko.
Sobra kong na-miss ang dalawang ito. Buti nalang tumawag sila dahil may sasabihin din ako.
"We're good naman. Eh ikaw Yam?" Tugon ni Miggy habang nag-thumbs up naman si Garey.
"Maayos rin naman ang buhay ko." Hindi ko maitago ang aking ngiti nang tanungin nila iyon.
"We smell something. Iba yang ngiti na iyan ha." Mabilis na puna ni Garey.
"I agree." Pagsang-ayon rin ni Miggy at napansin kong madalas itong ngumingisi sa akin na tila may pinapahiwatig.
Ang obvious ko pala.
Ewan. Pero sa mga nagdaang araw tila napapansin kong bumabalik na ang saya sa aking puso.
Kaya napakagat nalang ako ng aking labi.
"Anong pinagsasabi niyo? Maganda lang araw ko ngayon ha." Palusot ko at sana kumagat.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...