°•°•°•🌟•°•°•°
Pagkabukas ko palang ng pinto ay agad namang sumunod sa likuran ko si Sunshine. Ito kasi ang unang pagkakataon na makikita niya si Kirk.
Nang masipat ng aking mata si Kirk ay kumaway agad ito sa akin. Matamis akong ngumiti nang pabalik.
"Ahhh!" Impit na tili ko nang sinundot ni Sunshine ang kaliwang tagiliran ko. Mabilis naman akong napatakip ng aking bibig sa hiya.
"Taray! Ang gwapo friend." Bulong ng friend ko sa akin. Nagkasalubong ang aking kilay at agad ko siyang siniko nang mahina.
"Humanda ka talaga sa akin mamaya friend." Banta ko sa kanya at agad naman siyang nag-peace sign sa akin. Agad nalang akong napangiwi sa reaksyon niya.
Matapos niyon ay bumuntong hininga ako at iniba bigla ang nakaukit sa aking mukha.
Ngumiti ako nang ibalik ko ang aking tingin kay Kirk na nakangiting naglakad papalapit sa amin.
"Ang tangkad. In fairness, tisoy. Ganda ng pangangatawan. Sure na sure ako friend, jumbo hotdog ang sa kanya." Bulong pa sa akin ni Sunshine na ikinailing ko pero 'di ko na pinansin.
Nang nasa harap na namin si Kirk ay panay ang pagbubulong sa akin ni Sunshine na mas lalo kong ikinailing sa aking isipan.
"Hi! I'm Sunshine Flores, twenty-four. Philippines! And Yam's BFF." Napatakip agad ako sa aking bibig sa pagpapakilala ni friend. Nasilayan ko namang ngumisi si Kirk at agad naman niyang tinugon ang kamay ni friend. Nag-shake hands silang dalawa.
"Kirk. Nice to meet you, Sunshine." Tugon nito kay friend.
Nang matapos sila sa pag-shake hands ay kita ko namang napahawak si Sunshine sa isa niyang kamay.
"Laki ng kamay, maugat. Sure ako friend, maugat din ang sa kanya." Bulong pa niya sa akin na mas lalo kong ikinailing.
Shete! Tinatawagan ko ang lupa na lamunin ako. Ako pa yata ang nahiya sa binulong niya. Wish ko lang na hindi iyon narinig ni Kirk.
"Pasok ka muna, Kirk."
Iginaya namin siya papasok sa bahay papunta sa sala. Pinaupo ko siya sa sofa at nakiusap naman ako kay Sunshine na kunin ang inihanda ni Pepperony na pagkain. Para na rin malayo siya saglit sa akin sa kakabulong.
"Feel at home lang, Kirk." Mahinahong wika ko sa kanya. Agad naman siyang tumango sa akin at umupo na rin ako sa tabi niya.
"Napadalaw ka?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Nagtagpo ang aming tingin at agad na naman siyang natulala. Napangisi nalang ako nang saglit.
"I just want to ask your permission, Lee. Manunood kami ng anak ko sa sinehan mamaya since half day lang ang klase ng mga bata. Ken asked na isama si Vitto. Is it okay with you? And if you're free, sumama ka na rin. Please, Lee." Mahinahong paliwanag sa akin ni Kirk.
Magsasalita na sana ako nang bumungad sa amin si Sunshine dala-dala ang tray na may sandwiches at sumunod naman sa kanya si Pepperony na may dala-dalang baso at glass na pitsel na may lamang orange juice.
Ngumiti ako kay Sunshine at Pepperony pero hindi mawala-wala sa aking isipan ang kakaibang ngisi na ipinakita sa akin ni friend.
Nakahinga ako nang maluwag nang bumalik sina Sunshine at Pepperony sa kusina.
"Kain ka muna, Kirk." Ani ko sa kanya at siya'y ngumiti.
"About sa sinabi ko kanina, Lee. What's your answer?" Tanong niya sa akin at agad akong napahawak sa batok ko. Muntik ko nang makalimutan.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...