LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
"Fvck! I don't want to lose you again. Not this time. Never again. Please give me one more chance, Yam."Dahan-dahan kong niyakap pabalik si Jeremy nang mahigpit, pahiwatig na sumang-ayon ako.
Alam kong malaki itong sugal. Alam ko rin na marupok ako.
Pero pumasok sa aking isipan ang wish ng anak ko. Ang makilala ang kanyang ama.
Bukod pa roon ay muling umusbong ang aking pangarap na magkaroon kami ng kompletong pamilya.
"Jeremy? 'Wag mong sayangin ang chance na ito ha." Madamdamin kong ani sa kanya. Dama kong mas humigpit ang kanyang pagkayakap sa narinig niya.
"So this means..." Tumingin ako sa kanya at napatango.
"Oh Fvck! I will never waste this opportunity. Thank you Yam for giving this jerk a chance."
Kumalas siya sa pagyakap at nagulantang nalang ako nang ilagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa mukha ko.
Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha na nagpatulala sa akin. Randam ko ang mainit niyang hininga na nagpanginig sa katawan ko.
Nang malapit nang dumako ang kanyang labi ay mabilis kong isinangga ang aking hintuturo.
"Mr. Tamala!" Diin ko at napaurong siya at napangisi. Napakamot rin siya sa kanyang batok.
"Sorry, I didn't mean to..."
"Sinasagot na ba kita?" Tanong ko sa kanya. Napatawa ako sa aking isipan sa naging reaksyon niya.
"Not yet, but soon. Doon din naman ito papunta." Kompiyansa niyang tugon at kumindat pa na ikinailing ko.
"Hmm let's see." Tugon ko sa kanya.
Ibinalik ko ang aking tingin sa itaas at napangiti sa mga bituin.
Paunti-unting gumaan ang aking pakiramdam.
"Jeremy?" Napalingon siya sa akin at kita ko ang ngiti sa kanyang labi.
"Why? May sasabihin ka Yam?" Mahinahong tugon niya na masarap sa pandinig ko.
"Meron, naalala ko lang. Diba galit ka sa akin? Galit ka pa rin ba hanggang ngayon?"
Napabuntong hininga siya.
"I admit. I was really mad. Galit na galit ako Yam. Pero ikaw pa rin kasi laman nito." Turo niya sa kanyang dibdib.
"You know what... Simula noong binantaan at pinaalis mo ako sa pamamahay mo, laki ng pagsisi ko sa nagawa ko Yam. Because of that pinabayaan ko na ang aking sarili. I am so fvcking wasted until mom told me a fucking secret. Sa pagbabanta niya sayo na hiwalayan ako. Everything. Lahat-lahat para magkahiwalay tayo noon.
"Fvck! I'm such a jerk! Napakagago ko para 'di ko iyon mapansin. Hiyang-hiya na ako sa sarili sa nagawa ko sayo Yam."
"Kaya noong nagkita tayo ulit sa mall. Bumalik ang kompiyansa ko. I asked for your forgiveness. I knew I don't deserve it kaya binantaan mo ako na huwag na ulit magpakita. Tangina! Sinubukan ko Yam! To prove na totoo ang sinasabi ko para mapatawad mo. Even if it hurts."
"Unexpectedly, nagkita na naman tayo sa party ni Kirk. Nabuhayan ako ng pag-asa but it really hurts na makita kung gaano kayo ka close sa isa't isa. How I fvcking wish na ganoon tayo sa isa't isa. Pero tangina, tama nga ako ng hinala na may gusto si pareng Kirk sa'yo. He even declared a fvcking competition."
"I tried na makipagkompetensiya, pero fvck nawalan ako ng pag-asa nang masaksihan ko kayong magkayakap ni Kirk."
"But that night nang marinig kong mahal mo pa rin ako kahit you were so drunk. Alam kong ako at ako pa rin ang pipiliin mo. Wala rin akong pinagsisihan sa nagawa natin nang gabing iyon at hindi ko iyon makakalimutan." Dagdag pa niya na labis kong ikinagulat sa nalaman. Kusa nalang tumulo ang aking luha at mabilis kong niyakap si Jeremy.
"J-je-jeremy, I forgive you." Randam ko ang mahigpit rin niyang pagyakap at dama ng aking balikat ang kanyang luha.
"Oh goodness! Thank you Yam."
"Ahh ehh hindi ako makahinga Jeremy." Inda ko nang higpitan niya ang pagkayakap.
Nakahinga ako nang maluwag nang kumalas kami. Napabalik rin siya sa pagtanaw sa itaas. Ganoon din ako habang pinupunasan ko ang aking luha.
"Jeremy? May icecream ba kayo? Pahingi ako kanina pa ako takam na takam." Hiling ko na ikanagulat ko rin.
"Fvck! Naubusan kami ng stock. Bibili lang ako saglit. This will be fast."
"Salamat." Marahan akong humakbang pabalik sa kwarto tila sinukluban ako ng hiya.
Ewan basta kanina ko pa iyon gustong kainin.
Pinanlakihan ako nang mata nang buhatin ako ni Jeremy papasok sa kwarto at inilagay pabalik sa kama.
"Fvck! Masakit pa ba ang pang-upo mo?" Suri niya na ikinatango ko.
"Papa?" Napabalik ako sa aking huwisyo nang tawagin ako ng aking anak.
Isang week na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makakalimutan ang tagpong iyon na naging marupok ako.
"Andiyan ka na pala anak. Hmm, mabango naba ang big boy ko?" Tanong ko rito. Kakatapos lang nito maligo at bilib ako na marunong na itong magbihis ng damit.
"Yes yes yes, papa." Masigla niyang tugon na ikinangiti ko. Sarap kurutin ng pisngi. Nang makita kong magulo pa ang buhok nito ay marahan kong sinuklay.
"Oh ayan, pogi ng big boy ko hah." Magiliw kong sabi at mabilis akong niyakap ng aking anak.
Hindi ko naman maitatangging namana ni Vitto ang kapogian ni Jeremy.
"Thank you po papa."
"Welcome big boy."
"Papa bakit po hindi kapa nagbibihis. Why po ako lang?" Kita ko ako ang nagtatakang tingin ng aking anak na ikinangiti ko.
"Mukhang nandiyan na sila. Labas na tayo anak." Tumango ang aking anak at lumabas na kami sa bahay.
Pagkabukas ng pinto ay sumalubong sa amin ang preskong hangin.
"Zei!"
"Tito Jeremy!"
Mabilis na tumakbo ang aking anak para makipag-fist bomb kay Zei at pagkatapos niyon ay binuhat naman siya ni Jeremy.
"Tito Jeremy, bakit po kayo napabisita?" Inosenteng tanong ng aking anak.
"Mag-play po ba tayo?" Tila excited na ani nito.
"Yes, big boy." Ginulo ni Jeremy ang kanyang buhok na ikinasaya ng aking puso.
"Alis na kami Yam."
"Sige mag-ingat kayo. Enjoy!" Paalam ko nang umalis na sila. Ang sabi sa akin ni Jeremy ay mag-bonding daw sila at nakakasigurado akong kukunin niya ang loob ng big boy ko este namin.
Napakapit ako sa aking dibdib dahil para akong maiiyak sa sobrang ligaya.
Hindi ako makapaniwala sa sobrang bilis ng mga pangyayari.
"Vitto, malapit na matupad ang wish mo. Kaunti nalang."
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...