°•°•°•🌟•°•°•°
Napukaw ang atensiyon ng isang lalaki nang makita niyang may isang bata na umiiyak dito sa loob ng toy section ng mall.
Balak niya sanang hindi ito lapitan dahil wala siyang pakialam at nagmamadali rin siya dahil may bibisitahin pa siya ngayong araw.
Ang isinadya niya lamang dito sa toy section ng mall ay bumili ng laruan sa bata na bibigyan niya ng pasalubong.
Subalit kumuha ito sa kanyang atensyon kaya napilitan siyang lapitan ito kahit labag ito sa kanyang kalooban.
"Little kid, why are you crying?" Sabi niya sa bata pero sa kaloob-looban ng kanyang isipan ay tila tumaas bigla ang dugo niya dahil bakit pinabaayan ng magulang nito ang bata.
Iyak pa rin ito nang iyak kaya, lumuhod siya para magkalebel ang kanilang tangkad.
"Kid... Kid?" Ulit niya at sa wakas napatingin ito sa kanya at kitang-kita niya ang daming luha na umaagos sa mukha ng bata.
Imbis na pabayaan lang ito ay nakitaan naman niya ito ng awa.
"Just this time." Bulong niya at napabuntong hininga.
"B1tch! Mali-late na ako." Saad niya sa kanyang isipan nang hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak.
Kaya inalagay niya ang kanyang magkabilang kamay sa balikat ng bata. "Don't cry na little kid." Pagpapakalma niya sa bata.
"Manong, big boy na po ako. Di na po ako little kid." Imbis na manggigil sa bata dahil mali-late na siya ay napatawa siya nang saglit sa reaksyon nito.
Subalit nainis siya nang tinawag siyang manong.
"B1tch, anong manong ka riyan. Itong mukhang fresh na'to." Mura niya sa kanyang isipan.
Napabuga nalang siya ng hangin at ikinalma ang sarili baka tumaas ang dugo niya pagnagkataon.
"If you're a big boy, bakit ka nag-cry?" Balik niyang tugon sa bata.
Natahimik ang bata at tila natauhan. Tumigil na rin ito sa pag-iyak. Medyo nandiri siya nang kaunti sa dungis ng mukha nito.
"Oo nga po pala." Tugon ng bata na nagpatawa sa kanya. Pero naalala niyang mali-late na siya kaya napapailing nalang kung bakit niya ini-entertain ito.
"Nasaan ang parent mo, big boy?"
"Kasama ko po si Ninong Miggy pero na lost po ako." Madamdamin nitong sabi at umiyak naman ulit kaya naiiling nalang siya.
Kung kanina medyo natuwa pa siya pero ngayon sinukluban na siya ng inis.
Gayon pa man, may katiting pa siyang awa kaya agad siyang kumuha ng wet wipes sa bag na kanyang dala.
Habang pinupunsan niya ang luhang kumakawala ay napapabuntong hininga siya. Gusto na niyang lumisan dahil nakapili na siya ng present at ready to go na.
"Lagot sa akin mamaya 'yang Ninong Miggy nayan." Diin niyang bulong na tanging siya lang ang nakakarinig.
Tila umaapoy na rin ang kanyang mata sa inis. Gusto niyang sabunutan ito mamaya pagnagharap na sila pero huwag nalang, masasayang lang oras niya.
"You want? Hanapin natin siya." Kuminang nang kaunti ang mata ng bata at tila nabuhayan ito.
"Yes po please, salamat po manong." Ngumiti lang siya kahit sa kaloob-looban ay gigil na gigil na siya sa pagtawag sa kanya ng manong.
"Ano po name niyo manong?" Tanong ng bata na ikinailing niya.
"Just call me Timothy. Not manong, okay?" Pag-emphasize niya sa kanyang pangalan.
"How about you big boy?"
"Vitto po. Name po ng papa ko rin ay Yam po." Napatango siya at nang marinig niya iyon ay parang may bumalik sa kanyang alalala sa pangalan na iyon sa nakaraan.
Subalit isinawalang bahala nalang niya iyon dahil ang nasa naisip niya ay ang makaalis na dito sa mall dahil mali-late na siya.
Medyo may padabog nang kaunti ang kanyang paglakad nang magsimulang maghanap sila.
Pero kahit ganoon ang ugali niya, hindi niya magawang saktan ang bata.
Ilang minuto na silang palibot-libot sa toy section pero hindi nila nahanap ang kasama nito na si Ninong Miggy kung tawagin ng bata.
Tila umuusok na ang kanyang tainga dahil late na late na siya sa kanyang pupuntahan.
Toda-max na ang patience na kanyang inilaan sa kanyang sarili, baka atakahin nalang siya sa puso nang wala sa oras.
Nag-extend pa siya ng ilang minuto na sa paghahanap at napapabuntong hininga siya ulit dahil hindi pa rin nila mahanap ang Ninong Miggy nito sa lawak nitong toy section.
Kaya dinala niya ito pabalik doon sa puwesto kung naasan niya nakita ang bata. Saka kumuha siya ng isa pang laruan.
"This is for you Vitto."
"Salamat po."
Pagkatapos ay pumunta sila sa cashier at doon nagbayad. Nagtanong na rin sila doon at sa mga sales lady, cashier, at guard at mabuti nalang may nakalap silang impormasyon at iginaya sila papunta doon sa Customer Service.
Sa kabilang banda.
Pinamutlaan si Miggy nang mabuti dahil nawala sa kanyang paningin si Vitto. Nakapokos kasi siya sa paghahanap ng magandang laruan.
Hanggang nalibang siya sa paghahanap at hindi na niya namalayang wala na sa kanyang tabi ang bata.
Kaya sa mga oras na ito ay para na siyang mababaliw kakahanap kay Vitto.
Ginalugad na niya ang buong area ng toy section subalit hindi niya ito makita. Kaya napapabuntong hininga nalang siya.
Pero bago nangyari ang pagkawala ni Vitto.
Insaktong tanghali na silang pumunta rito sa mall. Naisip kasi niya at ni Garey na ipasyal ang inaanak nila pati na rin ang kanilang friend.
Kumain muna sila sa isang fast food na love na love ng mga bata sa para sa kanilang lunch. Matapos nilang kumain ay sabay silang tumungo sa toy section.
Subalit habang patungo sila doon ay napanpansin ni Miggy na hindi maganda ang pakiramdam ni Yam. Kaya bumalik si Yam at Garey sa ilalim na floor para doon mag-cr.
Kaya siya ang nakatuka sa pagbabantay kay Vitto. Nagtanong-tanong siya doon pero wala talaga siyang makalap na impormasyon kaya pumunta siya sa Customer Service.
Nawawalan na siya nang pag-asa habang naghihitay doon sa waiting area.
Na-contact na rin niya si Garey para kamustahin ang lagay ni Yam.
Ang sabi ni Garey ay naduduwal at nasusuka pa rin ito. Kaya hindi nalang niya sinabing nawawala ang bata.
Napakapit siya ng kanyang dibdib at nakahinga nang maluwag nang may dumating. Si Vitto iyon pero pinanlakihan siya nang mata sa kasama nito. Hindi siya makapaniwala sa taong nakahawak sa kamay ni Vitto.
"Ninong Miggy." Niyakap siya nang bata nang tumakbo ito papunta sa kanya at mabilis niyang kinarga. Saka niyakap nang mahigpit.
"Pinakaba mo ako, Vitto." Madamdaming sabi niya sa bata.
"S-so-sorry po Ni-ninong Miggy. H-hi-hindi na po ito mauulit." Mangiyak-ngiyak na sabi ng bata at humagulgol ito. Kaya labis ang pagpapatahan niya sa bata.
Nang magtama ang mata niya at ng taong naghatid kay Vitto ay parang natutunaw siya sa talim ng tingin nito sa kanya.
"Salamat." Pagbigay niya ng utang loob kahit ilang na ilang na siya.
"Next time bantayan nang maiigi ang bata!" Diin nitong sabi at tinaasan pa siya ng kilay.
"And to you Vitto. Be a good boy. Bye." Paalam nito sa bata.
"Bye po manong Timothy. Thank you po." Kita ni Miggy ang pag-iling nito sa tugon ng bata bago nag-walk out nang padabog at mabilis.
![](https://img.wattpad.com/cover/250568028-288-k496712.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...