S2 - Chapter 23: Kirk's Visit

112 7 3
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°



"Ingat kayo." Wika ko sa kanila saka umandar na ang sasakyan.

Maigi akong nakatingin sa sasakyan na papalayo at pumasok sa aking isipan ang pagpumilit ni Jeremy na gusto niyang sunduin simula ngayon ang aking anak pasabay papunta sa school.

Medyo tutol ang aking isipan dahil ang layo ng sa kanila at napaka-hassle.

Gayon pa man, hindi na ako tumutol sa kanya at pinabayaan siya sa kanyang nais. Para na rin sa kabutihan ng aking anak.

Anak din naman ni Jeremy si Vitto at responsibilidad niya rin naman iyon bilang ama.

Napangiti nalang ako sa kawalan at nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ay minabuti kong bumalik doon sa loob ng aking tindahan.

Napansin ko rin na maaliwalas ang sikat ng araw ngayong umaga.

Bukod pa roon ay mas gumanda ang araw ko ngayon dahil
umagang-umaga palang ay may iilan nang bumili sa akin na lubos kong ikinagalak.

Napukaw ang aking atensyon nang may humintong sasakyan harap ng pwesto ng aking tindahan.

Pagkabukas nito ay bumungad sa akin ang isang lalaking naka-corporate attire. Hapit na hapit ang suot.

Pero mas natuon ang aking pokus sa dala-dala nito.

"Hey!" Tawag nito sa akin at ako naman ay kumaway pabalik.

"Good morning, Lee." Bati niya na ikinangiti ko.

"Good morning din sa'yo, Kirk. Pogi natin ngayon ha." Maligaya kong tugon na ikinangisi niya.

Kita ko rin ang abot langit niyang ngiti sa pagpuri ko sa looks niya ngayon.

Masisi niyo ba ako na ganyan naman talaga siya palagi.

"Thanks! Good to hear lalong lalo na galing sayo Lee. Hmmm here, para sa'yo." Abot niya sa akin ng sisidlan na dala niya.

Namilog ang aking mata nang tingnan ko ang laman nito.

"Woah, salamat. Tagal ko na ring hindi nakakain nitong mga dala mo Kirk."

"Also here. Para kay Vitto." Tinanggap ko rin iyon saka inilagay sa lamesa katabi ng binigay niya kanina.

"Salamat talaga Kirk tiyak akong matutuwa nito si Vitto." Kita ko ang ligaya niya nang magustohan ko ang kanyang binigay.

"No problem, Lee. Basta ikaw. Lakas mo kaya sa akin." Hirit niya at kumindat pa na ikinangisi ko.

"Can I join you?" Nabigla ako sandali sa winika niya.

"O-oo, hali ka rito, Kirk." Pinapasok at pinaupo ko siya rito sa tabi ko.

"Hmm, okay lang ba? Baka magusot lang suot mo. Mukhang papasok ka ata sa company mo." Sabi ko sa kanya.

"No worries, Lee. Maaga pa naman. Saka sinadya ko talagang dalawin ka. I just miss you so much. Damn, that one week business trip." Natigil ako sandali sa aking narinig.

"Lee? Are you alright?" Napabalik ako sa aking wisyo.

"Sorry may naalala lang ako. Saka welcome back. I really appreciate it."

"Do you miss me too?" Malambing niyang tanong na ikinabigla ko. Sandali akong pinanlakihan ng mata at hindi ko alam ang tamang isasagot kay Kirk.

Imbes na tumugon ay tumango at ngumiti lamang ako.

Hindi ko mawari kung nahiya ako o kung ano.

Nalipat sandali ang atensyon ko nang makita ko si Aling Mella.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon