S2 - Chapter 2: Sorpresa

196 10 2
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


"Are you okay, big boy?" Tanong ko sa aking anak.

"Yes papa. Sorry po." Lumuwag ang aking pakiramdam sa tugon ng aking anak.

Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay wala na ito roon.

Isinawalang bahala ko nalang iyon at tumungo na kami sa nagtitinda ng sorbetes. Nang makarating na kami roon ay abot langit ang ngiti ng aking big boy.

"Papa, pwede po dalawa ang akin?" Pakiusap niya sa akin na ikinangiti ko naman. Tutal special day naman ng anak ko'y aking pagbibigyan.

"Sure, big boy." Napatalon ang aking anak sa saya. Kaso saglit akong nabahala dahil baka matapon ang sorbetes na hawak ng kanang kamay niya.

Mabuti nalang hindi iyon nalaglag at nakahinga ako nang maluwag.

"Manong, pabili pa ng isa."

Nang matapos kaming bumuli ay pumunta na kami sa isang fountain dito sa parke. Humanap kami roon ng mauupuan at doon namin kinain ang sorbetes.

"Happy ka ba ngayon, big boy?" Malumanay kong tanong habang naka-upo sa aking lap ang anak ko.

Gumalaw ang ulo ng aking anak at tumingala sa akin. Kita ko ang ngiti sa labi. Pero napahagikhik nalang ako.

"Papa, bakit laugh ka sa akin?" Naguguluhang tanong sa akin ng aking anak pero panay akong naghagikhik.

"Happy lang ako big boy. Ehh ikaw?" Sagot ko pero hindi iyan ang totoong rason kung bakit ako napahagikhik. Ang cute kasi ng anak ko.

"Syempre, super happy ako, papa. Salamat po."

Agad nalang nahinto ako sa kakahagikhik at marahan kong niyakap nang mahigpit ang aking anak.

"Mabuti naman, anak. Oh sha, ibigay mo nga sa akin ang panyo mo."

Mabilis na sumunod ang aking anak na ikinangiti ko. Gamit ang kanan kong kamay ay marahan kong pinunasan ang nakakalat na sorbetes sa gilid ng labi ng anak ko.

"Okay na anak, malinis na ang mukha mo." Magiliw kong ani at agad kong ibinulsa ang panyo.

"Thanks po ulit papa. Saka papa, maraming salamat sa pag-care mo palagi sa akin. I love you so much." Madamdaming wika ng aking anak kaya agad akong napakuha sa panyo at pinunas iyon sa luhang pumatak sa aking mata.

"You are always welcome, anak. I love you so so so much, my Vitto."

Ilang minuto ang lumipas ay tumunog ang aking phone. Pagkatingin ko ay nag-text sa akin si Ate Jessie.

"Ready na ang lahat, Yam." Pagbasa ko nang tahimik. Napangiti ako sa aking nabasa at agad akong nag-reply ng okay kay ate.

"Big boy, let's go." Sabi ko at mabilis na kaming tumungo sa sasakyan namin na Kei truck. Isa itong mini pickup truck na bigay ni Tita Amanda sa akin noong lumipat ako ng bahay ilang taon na ang nakalipas. Malaking tulong ang sasakyan na ito lalong lalo na sa aking small business.

Nang masipat ko na ang tarangkahan ng bahay ay napangiti ako.

Miss na miss ko na itong bahay namin. Ilang taon na kaming hindi nakakadalaw rito. Huli kong pagkakaalala na bumisiti kami rito ay two years ago pa. Ang tagal na.

"Tara na anak pasok na tayo." Magiliw kong ani.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay sumalubong sa amin ang pagputok ng makukulay na confetti.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon