LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Dumapo ang may kalamigang hangin na umihip sa akin pagkalabas ko sa sasakyan dito sa parking lot ng grocery store.
Napayapos ang aking magkabilang kamay sa katawan ko dahil sa preskong hangin na aking naramdaman.
Such a refreshing morning.
Hindi nakakapaso ang sikat ng haring araw indikasyon din ng isang magandang panahon ngayong araw ng Linggo.
I am happy and blessed today dahil kagagaling din namin magsimba kanina kasama ang aking anak at malapit na kaibigan.
Kami ay nagsalo-salo rin sa isang sikat na fast food chain na love na love ng mga bata bago pumunta ang mga bata sa parke habang ako naman ay tumungo muna dito sa grocery store.
Kasama naman ng mga bata si ate Sherry kaya panatag ako habang sila ay nagsasaya sa parke.
Napatingin ako sa aking likuran nang maramdaman kong pinatungan ang aking magkabilang balikat ng isang leather jacket. Tila naibsan ang lamig na aking nadama at nakapagdulot ito ng init sa aking katawan.
Napakapit ang kanang kamay ko sa leather jacket habang dinadama ito. "Salamat," ang tanging wika ko habang sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Walang anuman, Lee." Tugon ng isang lalaking nagpumilit na samahan ako dito sa grocery store.
Kaso sa pagpasok namin sa loob ng store ay tila nahihiya na ako sa lalaking kasama ko ngayon.
"Kirk, please." Ngumuso ako habang ako'y nagmamakaawa sa kanya dito sa loob habang maiigi kong hinahawakan ang cart na kinuha ko galing sa kanya.
Kakapasok palang namin ay agawan na agad kami sa isang cart kung sino ang magdadala.
Sinukluban na kasi ang aking isipan ng pagkahiya sa kadahilanang marami na ang naitulong sa akin si Kirk. Na parang sumusobra na ako. Kaya nakapagdesisyon na ako dapat ang magdala ng cart.
"No, Lee. Ako na." Seryosong tugon niya sa akin using his baritone voice.
Kasunod niyon ay mabilis niyang hinila gamit ang malalakas niyang magkabilang kamay ang cart kaya nakuha niya iyon mula sa akin.
Napakamot nalang ako sa aking ulo. Itong lalaki talaga! Ayaw paawat naman.
"Ehh, nakakahiya na kasi sa'yo Kirk." Pagkuha ko sa cart pabalik sa akin kaso itong si Kirk talaga. Sobrang firm pa sa bato kaya hindi ko magawang makuha.
Sobrang kahiyaan na talaga ang lumukob sa akin simula pa kanina noong siya ang nagbayad sa kinain namin, hinatid pa niya ako rito, at tutulungan pa niya ako ngayon na alam kong kayang kaya ko naman dahil sanay na sanay na ako nito.
"Let me, Lee. Kaya ko na ito. Please." Napabuntong hininga nalang ako sa kanyang sinabi saka tumango na rin sa pagpresenta niya.
Suko na ako, mukhang wala na rin akong magagawa pa kun'di pabayaan siya sa kanyang nais gawin.
Nagsimula na rin kaming maglakad habang hawak ko ang listahan ng mga bibilhin ko.
Habang tinutungo ang spices section ay bigla akong napatigil at napatingin nang maigi sa kaliwang bahagi sa pagtawag sa akin ng taong hindi ko naman kilala.
"Ang swerte mo naman sa jowa mo, mars?" Sabi ng taong iyon na masasabi kong isang ka uri ko rin.
Hindi ko alam kung anong itutugon ko kaya napatawa nalang ako sa biro niya.
Kaso uminit ang pisngi ko nang maramdaman kong ipinatong ni Kirk ang kanang braso niya sa kanang balikat ko. Mahinang tumawa rin si Kirk kaya tumaas ang aking kanang kilay kaya napatingin ako nang masama sa kanya pero kinindatan lang ako.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
Storie d'amoreBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...