S2 - Chapter 1: Big Boy

229 8 4
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

"Woahhh. Ang ganda po rito, papa." Wika ng aking anak nang makarating kami sa parke.

"Yes, baby. Maganda talaga rito."

Naalala ko tuloy 'yong mga magagandang alaala ko rito sa parke hanggang napapikit nalang ako ng aking mata nang saglit dahil dumaan sa amin ang malamig na simoy ng hangin.

Ang sarap sa pakiramdam, ang lamig ng umaga.

Pagbukas ng aking mata ay hindi pa rin napawi ang aking ngiti sa labi.

Hindi ko rin maiwasang mamangha nang mamangha rito sa mga tanawin ng parke na parang kailan lang. Swak na swak talaga ang pagpunta namin dito matapos naming magsimba.

"Papa naman," bigla akong napatingin sa aking anak at kita kong nagkasalubong ang kanyang kilay.

"Huh, bakit baby ko?" Wika ko at bigla nalang ngumuso ang aking anak.

Ang cute. Manang-mana talaga sa akin.

"Ehhh papa, di na po ako baby. Big boy na po ako." Nagulat ako sa aking narinig at napatawa nalang nang mahina.

"Papa naman. Bakit po kayo laugh sa akin?" Tanong sa akin ng aking anak kaya mas lalo akong natawa. Naging bad tuloy ako.

Sorry anak, masaya lang si papa.

"Ehh kasi anak. Baby kaya kita."

"Papa..." Agad nag-puppy eyes ang baby ko hanggang bigla nalang kumalas sa pagkakahawak niya sa kanang kamay ko.

"Look po, big boy na po ako." Nag pogi sign ang aking anak at natawa ako kaso pinipigilan ko nalang.

Ang mean ko na yata pagnagkataon.

Hindi ko nalang pinalagpas ang moment at agad kong kinuha ang aking phone. Mabilis ko itong kinunan ng larawan.

"Pogi ba papa. Patingin." Napangiti ako sa sinabi ng aking anak. Ibang klase din itong anak ko.

"Oo naman baby. Mana kaya sa akin." Ginulo ko ang kanyang buhok at ipinakita ang picture.

"Papa naman". Biglang nawala ang kanyang ngiti na ikinangisi ko.

"Biro lang, big boy." Kita kong agad bumalik ang ngiti niya na ikinangiti ko rin.

"Yey." Agad akong niyakap nang mahigpit ang big boy ko hanggang naramdaman ko nalang na magpapabuhat ito. Kaya wala akong inaksayang oras at agad na binuhat ito para na rin mayakap ko ang aking big boy nang mahigpit.

"Papa, I love you so much." Sabi ng big boy ko na lubos ikinasaya ng aking puso. Hindi rin maiwasang may mumunting luha ang umagos sa mata ko.

"I love you so much my big boy." Mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa mahal na mahal kong anak.

"Baby este big boy gusto mo bang kumain ng sorbetes?" Lumawak ang ngiti ng anak ko pagkarinig niyon.

"Yes, yes, yes." Magiliw na wika ng big boy ko at mabilis na bumaba. Napatakip nalang ako sa aking labi sa gulat sa nasaksihan kong pagtalon-talon ng anak ko sa sobrang saya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago iyon natapos saka kami nagsimulang maglakad.

Nang papalapit na kami sa nagtitinda ng sorbetes ay nabigla nalang ako nang kumaripas ng takbo ang anak ko papalapit doon. Hindi talaga maitatangging paborito niya talaga iyon.

Favorite ko rin naman 'yon. Manang-mana talaga sa akin ang anak ko.

Napasugod ako agad doon nang may nabunggo ang anak ko kakamadali.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon