LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Kung patapusin niyo muna ako sa pagkuwento," mahinahong sabi ko sa kanila matapos ang kanilang reaksyon.
"Yam, later nalang dahil mag-pre-prepare pa tayo dahil may pupuntahan tayo mamaya roon sa camp site na medyo malapit lang dito. Excited pa naman akong dalhin kayo roon," tugon ni Garey na labis kong naintindihan at tumango nalang.
"Really? Magka-camping tayo?" Pagsingit ni Sunshine na labis niyang ikinatuwa.
"Yes, para sulit naman ang reunion natin. Sunshine, walang mga boys doon. Tayo-tayo lang." Paliwanag ni Garey at bigla nalang nalungkot si Sunshine.
"Awww." Tanging nabigkas niya na ikinatawa naming lahat.
"Wala kaming dalang tent?" Sabi ni Miggy na ikinatango naman namin.
"Ano ba kayo, meron kaming mga tent dito. Iyon nalang ang gagamitin natin. So, maghanda na tayo." Napangiti kaming lahat sa sinabi ni Garey. Bigla nalang akong nanginig nang sabuyan kami ni Sunshine ng tubig.
"Excited na ako!" Sigaw ni Sunshine habang patuloy na sumasaboy sa amin kaya gumanti rin kami sa kanya. Isa laban sa aming tatlo.
Alas kwatro ng hapon nang magsimula kaming maglakad papunta sa camp site at katabi lang nito ang maikling talon.
Pagkarating mamin ay itinayo namin agad ang dalawang malalaking tent. Tig-dalawahan sa bawat tent. Ako at si Miggy ang magkasama habang sa kabila naman ay sina Garey at Sunshine.
Dapit-hapon na kami natapos kaya nagpahinga muna kami saglit. Pagkatapos naming magpahinga ay nag-ihaw kami ng isda para sa aming hapunan. Gumawa na rin kami ng bonfire para maging ilaw namin sa gabi.
"Gusto niyo na bang ituloy ko ang kinukuwento ko kanina?" Umiling si Sunshine.
"Wag muna friend, hintayin muna natin si Garey. May kinukuha pa siya." Tumango ako sa sinabi ni Sunshine at tumitig nalang muna sa bonfire na pinalilibutan namin. Tapos na rin kasi naming ihawin ang isda.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na si Garey dala ang box na may lamang flavored can beer na malamig.
"Seryoso?" Tanong ko sa kanila dahil mapapasubo yata ako ngayong gabi.
"Yes, paminsan minsan na nga lang ito." Sagot ni Garey kaya napatango nalang ako.
"Friend, hindi ako makakasali sa inyo." Sabi agad ni Miggy at kita ko ang pagtaas ng kilay nina Garey at Sunshine.
"Bakit naman?" Tanong kaagad ni Garey.
"Magagalit ang boyfriend ko, bawal akong uminom ng ganyan." Paliwanag ni Miggy na ikinailing ni Garey at Sunshine.
"Kill joy mo naman, hindi naman niya iyan malalaman." Sita agad ni Sunshine at naawa naman ako kay Miggy.
"Pero..."
"Please, kahit isang can lang, Miggy." Pakiusap ni Garey.
"Sige na nga." Napilitang wika ni Miggy kaya tinapik-tapik ko nalang ang likod niya.
"Yey, let's party!" Sigaw ni Sunshine at agad ini-on ang dala naming speaker.
Nagsimula na rin kaming uminom ng can beer at paminsan-minsang kumakain ng inihaw na isda at iba pang dala naming pagkain.
"Magkukuwento na ako ha." Sabi ko sa kanila habang hindi pa ako lasing.
"Sige go friend!" Malakas na sigaw nila na ikinailing ko. Tinamaan na yata sila. Pinatay ko kaagad ang speaker. Pagkatapos bumuntong hininga muna saka nagsimula.

BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...