S2 - Chapter 15: Pagkabahala

173 7 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°



"Papa," tawag sa akin ng anak ko habang ako ay nagdidilig ng mga pananim rito sa aking taniman.

Napapikit ako saka huminga nang malalim. Nilingon ko ang aking anak at ngumiti nang bahagya.

"Papa, may sasabihin po ako." Magiliw na sabi niya na ikinatango ko.

"Ano iyon, big boy?" Mahinahong tugon ko. Ibinaba ko na rin ang regadera na ginamit ko sa pandidilig. Marahang lumapit at tumabing umupo sa mahabang upuang gawa sa kahoy.

"Papa, inimbita po ako nina Ken at Zei na manuod ng sine bukas po sa mall." Tila sumingkit ang mata ng anak ko habang nakangiti sa akin.

"Pwede po ba akong sumama?" Tanong niya habang ipinapakita ang nangungusap niyang mata na siya'y payagan ko. Mabilis namang lumambot ang aking puso sa mga tingin niya.

"Gusto ko pong sumama, papa. Please po." Kumapit ang kanang kamay ko sa baba ko na tila seryosong nag-iisip.

"Please po, papa." Ngumuso na sa akin ang big boy ko kaya bigla akong napangiti.

"Vitt–" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil agad kumandong sa akin ang anak ko.

"May ibang lakad po ba tayo tomorrow papa?" Tanong niya at napansin kong na tila isang kalabit lang ay iiyak na ang big boy ko. Naramdaman ko ring agad yumakap ang anak ko.

"Bakit mo naman natanong, anak?" Tanong ko at inayos ang nagulo niyang buhok.

"Kasi po sa tuwing nagpapaalam ako sa inyo papa na makipag-play ako kina Ken at Zei o inimbita nila ako ay palaging may lakad po tayo." Natahimik ako sa paliwanag ng anak ko at marahan ko siyang niyakap pabalik.

"Kaya po papa, sana payagan niyo po ako. Please." Napapikit ako nang makita ko ang kanyang mata na may kaunting luhang pumatak. Kumirot bigla ang puso ko.

Nang ibukas ko ang aking mata ay marahan kong pinahid ang luha niya at mahinang pinisil ang pisngi.

"Tahan na, big boy. Pinapayagan na kita. Are you happy?" Mas humigpit ang yakap ng anak ko at sumilay ang malapad na ngiti.

"Salamat papa. So happy and I love you po." Ngumiti ako nang malapad at hinagkan ang noo niya.

"I love you too, anak." Malumanay kong tugon at niyakap nang mahigpit.

"Sige Vitto, pumasok ka na sa bahay. Nagsisiliparan na ang mga lamok." Nakangiting tumango ang big boy ko at agad sumunod sa aking sinabi.

Nang makalayo ang anak ko ay agad akong napayuko at napatakip ang mukha sa palad ko.

I'm so unfair. Hindi ko man lang naramdaman na tila napapansin na pala ito ng anak ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

Pinagkakaitan ko na ng kasiyahan ang aking anak. Minsan ay palihim kong hindi pinapayagan ang pakiusap at paalam niya sa pamamagitan ng pag-iisip ng ibang lakad para hindi makapunta o makasama ang anak ko sa kanyang kaibigan lalong lalo na kapag kasama niya si Zei.

Hindi ko naman hate si Zei. Natutuwa nga ako sa cute ng face niya. Pero, apo siya ni madam at anak siya ni Jeremy which is okay naman sana dahil may dugong Tamala ang big boy ko.

Pero nababahala pa rin ako dahil mas lalong napapalapit si Vitto at ako sa kanila.

Alam kong dapat mag-think positive at magpakatatag palagi pero hindi ko maiwasang mabahala simula noong araw na inihatid nila si Vitto. Na kahit maganda ang pakikitungo ni madam sa anak ko ay hindi ako makakampante.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon