LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°"Ano pong sa atin, aling Luz?" Mahinahon kong tanong sa aking suki na kakarating lang dito sa tindahan. Napapunas pa ito sa pawis ng kanyang noo dahil mainit talaga ang panahon.
Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Heto at ito. Saka isang kilo ng ampalaya, Yam." Turo niya sa kanyang mga bibilhin. Mabilis kong kinuha ang mga tinuro niya at tinimbang ito base sa klase. Ibinigay din niya sa akin ang basket na lalagyan ko ng mga pinamili niya.
"Ninety seven pesos po lahat." Kalkula ko sa kabuuang presyo ng pinamili niya.
"Wala bang tawad diyan, Yam?" Nahihiyang ani niya sa akin kaya napangiti ako.
"Siyempre meron, aling Luz. Matagal na kaya kayong suki rito sa tindahan ko. Ninety pesos nalang po." Mahinahon kong tugon saka inabot ang basket na ang laman ay ang mga pinamili niya.
"Salamat Yam," masayang ani sa akin ni aling Luz. Ibinigay niya rin ang kanyang bayad.
"Walang anu man po. Ingat kayo sa pag-uwi." Sumilay ang malawak na ngiti ni Aling Luz saka siya nagsimulang maglakad paalis.
Tatlong araw na ang nakalipas noong umayos na ang aking pakiramdam. Wala ng ubo at lagnat. Malakas na rin ang aking pangangatawan. Laki ang pasasalamat ko na gumaling na ako. Kaya simula noong gumaling ako ay iniiwasan ko na talagang magkasakit ulit.
Napapaypay ako sa aking kanang kamay sa init ng panahon. Tumutulo na rin ang aking pawis sa aking noo.
Dali-dali kong kinuha ang aking mini fan. Ini-on ang switch at itinutok doon sa aking mukha pababa sa aking leeg.
Alas dos nang hapon noong tingnan ko ang orasan na nakakabit sa wall ng aking tindahan. Pero para yatang tanghali pa sa init na ipinapadama ng haring araw. Kaya, uminom din ako ng isang basong tubig para hindi ma-dehydrate.
Sa mga lumipas na minuto ay naging busy na ako dahil dumadagsa ang mamimili. Hindi ko na rin namalayan ang oras.
Pasado alas tres din ako naka-upo sa aking upoan nang maayos. Kaya ipinahinga ko muna ang aking sarili dahil mahirap ng magkasakit muli. Huwag naman sana.
Napukaw ang aking diwa habang ako ay nagpapahinga noong may pumaradang kotse sa tapat ng tindahan ko.
Tumayo ako at inayos ang aking sarili. Hinihintay ang costumer na lumabas sa sasakyan. Sinuri ko rin ang pagkakaayos ng aking paninda.
Ngumiti ako nang bumukas na ang pinto sa kotse. Pero, biglang umiba ang ekspresyon ng aking mukha. Pinanlakihan ako ng mata sa batang lumabas.
"Papa," maligayang tawag ng aking big boy nang masilayan ako.
Bumakas sa akin ang pagkabigla, pagtataka, at pagkabahala dahil alas kwatro pa naman ang kanilang uwian.
Tila napaaga siya ng dating sakay ang hindi ko kilalang sasakyan. Parang may namumuong dismaya at galit sa aking puso. Pero pinipigalan ko muna ang aking nararamdaman dahil baka mali ang aking akala.
Hindi ko ito ipinahalata at ngumiti sa aking anak. Itinaas ko rin ang aking kanang kamay at iniwagayway.
Huminga muna ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili dahil nakauwi naman nang maayos ang aking anak.
Sumunod ay lumabas na ako sa aking tindahan at sinalubong ang aking anak.
Yumakap naman kaagad sa akin ang aking anak at ginulo ko ang buhok nito.
"Mars, hello!" Bati ni Mandy sa akin. Napatingin agad ako sa kanyang kinatatayuan na kakalabas din ng sasakyan.
Napaawang ang aking labi sa pagkabigla. Seeing her and sa mga nalaman ko sa mga lumipas na araw. Hindi ko maiwasang mailang sa kanya. Lalong lalo na may koneksyon siya sa mga Tamala.
"Hello Mandy," malumanay kong tugon kahit may kaunting kaba akong nararamdaman. Pinapasok ko na rin ang aking anak sa tindahan. "Teka mars, napaaga yata ang pag-uwi nila." Dagdag kong wika sa kanya.
"Mars, maaga silang pinauwi ng kanilang teacher dahil sila ay may general meeting. Hindi mo ba iyon nabasa sa text ng guro ng anak mo?" Tanong niya sa akin.
"Hindi, mars. Hindi ko dala ang cellphone ko rito. Iniwan kong naka-charge doon sa bahay." Paliwanag ko sa kanya. Tila nahiya ako dahil hindi ko napansin iyon at hindi ko rin nasundo ang aking anak. Tsaka sila pa ang naghatid.
"Ahh, kaya pala. Pasensiya mars, kung hinatid namin ang anak mo nang hindi mo nalalaman. Nag-alala kasi si Zei na wala pang sumusundo sa friend niya habang naglalaro sila sa lobby ng school. Kaya, pinakausapan niya kami at umuo naman ang aking amo sa kanyang apo na ihatid namin ang anak mo dito. Mabuti nalang nakalagay sa school ID niya ang address niyo." Mahabang paliwanag niya sa akin.
Napangiti ako nang kaunti sa aking narinig pero hindi ko maiwasang mapaawang ang aking labi sa nalaman ko.
Hearing that to her ay sinukluban ako ng kaba dahil tila nabanggit niya ang kanyang amo. Nakakasigurado akong si madam iyon.
Hindi lang ako sure kung kasama ba nila ngayon o hindi. Hoping na hindi at wala sa loob ng sasakyan si madam. Napakagat ako ng aking labi at tila pinagpawisan ang aking noo sa aking iniisip.
Kalma Yam, think positive lang.
"Maraming salamat talaga sa inyo sa paghatid ng aking anak." Pagtanaw ko ng utang na loob.
"Pasok muna kayo sa bahay, para mag-miryinda." Paanyaya ko sa kanya at ngumiti sa akin si Mandy.
"Mandy, uuwi na tayo. Get inside the car." Napatingin agad ako sa deriksyon ng nagsalita. Nakaawang na ang mirror ng kotse. Napabalik ako ng tingin kay Mandy at napakapit ako sa aking dibdib sa narinig na boses na tinatawag si Mandy.
I am really sure na si madam iyon. Nagulat at kinabahan ako saglit. Kumakabog nang malakas ang aking puso. Subalit nilalabanan ko iyon dahil hindi dapat ako matakot at maduduwag. Mabuti nalang nakatingin si Mandy doon sa kotse kaya hindi niya nakita ang reaksyon ko.
"Sa susunod nalang, mars. Sige, mauuna na kami." Paalam niya at agad na pumasok sa sasakyan.
Napako ako sa aking kinatatayuan nang nakaalis ang sasakyan. Tila napapaisip sa mga pangyayari.
"Papa, okay lang po kayo?" Napabalik ako sa aking wisyo nang tawagin ako ng aking anak. Tumango ako sa kanya saka pumasok sa tindahan.
"Vitto, anak?" Mahinahon kong tawag sa aking anak. Magiliw ang big boy ko habang nanood ng cartoons pagkatapos kumain ng hapunan. Kakarating ko rin dito sa sala noong natapos kong linisin ang pinagkainan namin.
Nakangiti itong nakatingin sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik. Pinahina ko rin ang volume ng TV dahil may sasabihin ako sa aking anak.
"Sorry anak. Patawarin mo ang papa mo na hindi ka niya na sundo kanina." Madamdamin kong paghingi ng tawad.
Totoo nga ang sinabi ni Mandy kanina na maaga silang pinauwi ng kanilang guro noong i-check ko ang cellphone pagkapasok namin dito sa bahay. Nakita ko ang isang text at missed calls na galing sa kanilang guro. Kaya lubos ang aking dismaya sa aking sarili.
Nadagdagan pa kanina na tila napapalapit na ang aking anak sa mga Tamala.
Gayon pa man, hinahanda ko na ang aking sarili sa mga posibleng mangyari.
Gumaan ang aking loob at pakiramdam nang yumakap ang aking anak.
"Naiintindihan ko po kayo, papa. Busy po kayo sa tindahan natin. 'Wag na po kayo sad." Pahayag ng aking anak na kumiliti sa puso ko. Kaya hinigpitan ko rin ang aking pagyakap.
"Salamat, Vitto."
"Big boy, maayos lang ba ang pakikitungo sa'yo ng grandma ni Zei?" Tanong na kanina ko pa gustong itanong sa aking anak. Ngayon lang ako nilakasan ng loob na tangunin ito.
"Yes papa. After kong magbless sa Lola ni Zei ay nag-smile po siya sa akin at ginulo ang hair ko." Masayang tugon ng anak ko. Pinanlakihan ako ng mata dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ng anak ko.
Ginawa talaga iyon ni madam?
Hirap paniwalaan pero naniniwala naman akong nagsasabi ng totoo ang bata.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...