LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°Indayog sa kanan at giwang naman sa kaliwa ang paulit-ulit kong ginagawa habang sumasayaw nang mahina sa isang nakakasiglang musikang aking pinatugtog dito sa loob ng bahay.
Parang nakaugalian ko na rin itong gawin sa umaga habang ako ay naghuhugas sa pinagkainan o maglinis sa bahay.
Matapos kong hugasan at punasan ang mga gamit ay pumunta ako sa sala.
Doon ay ipinagpatuloy ko ang pagsasayaw kaso nahinto ako nang biglang umiba ang tunog ng musika sa speaker.
Umalingawngaw sa loob ng aking bahay ang malakas na pag-ring ng phone call.
Napatawa ako nang mahina sa aking sarili dahil bumalabog ito sa aking pagsayaw.
Patuloy pa rin ang pag-ring kaya pinuntahan ko ang cellphone ko na nakalagay sa table ng sala saka sinagot ang tawag.
"Friendddd!" Malakas na tili nito na para akong mabibingi. Napatakip ako kaagad sa aking tainga sa lakas ng sound ng tili ni Sunshine dahil naka-connect pa pala ang phone ko sa speaker.
Matapos ang ilang segundong pagtatakip ng aking tainga ay mabilis ko namang ini-off ang bluetooth.
Napakagat ako sa aking labi sa katangahan ko hanggang napatawa ako sa aking sarili.
"Friend, haha." Tawa pa rin ako nang tawa. Napakapit na rin ako sa aking tiyan dahil hirap ko nang mapigilan.
"Hahaha, pasensiya friend. Hindi ko mapigilan ang aking tawa. Hahaha." Patuloy kung pagtawa sa kabilang linya.
"Itawa mo pa 'yan friend. Para kang timang diyan ha." Tugon niya na tila nalilito kung bakit ako tumatawa. Kaya mas lalo akong natawa.
"Ilabas mo pa kaya iyan lahat, friend. Anyways, pakibigay nalang muna ng phone mo sa inaanak ko friend. Kakamustahin ko lang siya." Sinunod ko agad ang sinabi ni Sunshine. Habang ako ay naglalakad papunta sa kwarto ng aking anak ay para akong baliw sa kakatawa.
"Anak, gusto kang kausapin ng ninang Sunshine mo." Tawag ko sa aking anak nang nasa tapat na ako ng pintuin ng kanyang kwarto.
Mabuti nalang naka-recover na ako sa aking sarili. Napipigilan ko nang tumawa.
Pagkabukas ng pinto ay kita sa mukha ng big boy ko ang excitement. Pinindot ko muna ang loud speaker bago ko inabot ang phone sa aking anak.
"Hello," magiliw na wika ng aking anak. Ang cute lang nang pagkasabi ng big boy ko kaya hindi maitago ang ngiti sa aking labi.
"Hello inaanak ko. Kamusta na ang big boy namin." Nanabik na wika ni Sunshine sa kabilang linya.
"I'm fine po, ninang Sunshine. You po?" Nakangiting wika rin nang big boy ko. Sarap kurutin nang mahina ang cheeks.
"I'm also fine, thank you. Nakaka-touch naman big boy, kinukumusta mo rin ako." Emosyonal na tugon ng friend ko at ako rin napangiti sa aking anak. Kaya agad kong niyakap at kinarga ang pinakamamahal kong big boy.
"Very good boy, kaya pagnakapunta ako riyan ulit sa bahay niyo bibigyan kita ng maraming gift kasi pinaiyak mo si ninang ngayon dahil sa saya." Dagdag na wika ni Sunshine. Rinig na rinig din namin ang pagpunas ng kanyang luha.
"Yey," madali kong ibinaba ang big boy ko kasi tumatalon ito sa tuwa.
"Thank you ninang. I love you po," magiliw na ani pa ng aking anak.
Tiyak akong naluluha na naman si Sunshine. Masarap sa pakiramdam ang masabihan ng ganyan sa taong importante sayo.
"I love you too big boy. I'm so lucky na naging inaanak kita kaya super favorite talaga kita. Sige na big boy, bigay mo na sa papa mo ang phone mo." Nang ibigay na sa akin ng anak ko ang phone ay ini-off ko na ang loud speaker baka makarinig ng hindi kaayang ayang word ang aking anak. Madali kasing natuto ang mga bata.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...