Ikaw Ang Aking Bituin
elssipearl°•°•°•🌟•°•°•°
"Sarap." Bulong ko habang ako'y nakahiga rito sa malaputing buhangin dito sa dalampasigan. Sarap na sarap ako habang nilalasap ko ang sinag ng haring araw na sinasabayan pa ng hagayhay ng hangin na tumama sa aking katawan.
Natuon rin ang aking pansin sa itaas kung saan nakikita ng mata ko ang napaka-clear na langit. Ito'y nagpapahiwatig na maganda ang panahon ngayong araw. Tamang-tama rin ito sa pagpunta namin dito sa isang beach resort.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil masaya lang ako. Masaya ako dahil pumunta kami rito sa isang paraiso.
"Lee?" Agad akong napabalik sa wisyo at napatingala sa lalaking tumawag sa akin.
"Hmm... Bakit Kirk?" Ani ko sa kanya.
"Let's swim. Kanina ka pa riyan." Wika niya habang siya ay nakatingin sa dagat. Samantalang ako ay patuloy pa ring nakahiga at nakatutok sa kanya.
"Hmmm, itayo mo muna ako." Mahina kong sabi sa kanya at ngumisi.
"Sure!" Marahan niya akong itinayo at hindi mawala-wala sa aking labi ang ngisi.
"Why are you smirking huh? Pasado na ba?" Bitaw niyang salita na ikinatawa ko.
"Anong sabi mo?" Tugon ko kaagad sa kanya at napakapit ako sa aking batok.
Alam ko ang ibig niyang ibig sabihin. Ako pa! Pinagdaan ko na iyan noon pa. Kaya wala ng epekto ang mga ganyan ng mga lalaki sa akin. Kaso, ayaw ko lang sirain ang moment. Inimbita lang kasi niya kami rito. Kaya ngayong araw pagbibigyan ko siya.
"Wala, Lee. Nevermind that." Sabi nalang niya sa akin at nasaksihan ko naman agad ang pagkapula ng kanyang tainga.
"Ito naman Mr. Alvarico. Hmm.. Sa tingin ko konti na lang. Malapit na." Agad akong kumindat at tumakbo papalayo sa kanya. Randam ko ring bigla siyang nabuhayan sa aking sinabi.
"Really?" Masigla niyang ani kaya napatangin ako sa kanya at tumango saglit. Segundo lang iyon at ibinalik ko ang aking tuon sa aking anak na papalapit sa akin.
"Papa," sigaw ng aking anak saka agad akong niyakap nang magtagpo kami.
"Papa, pwede po ba kaming makilaro doon?" Turo ng aking anak doon sa may mga batang kasing edad niya lamang na naglalaro di kalayuan dito sa kinakatayuan namin.
"Saka papa, babantayan po kami ni Ate Sherry. Please po." Pakiusap ng aking anak sa akin. Napatingin naman ako kaagad kay Kirk at sumang-ayon naman siya sa kanyang anak na si Ken.
"Yes, big boy. Basta magpakabait kayo doon. Ingat din."
"Yes, yes, yes. Thank you papa." Ani ng aking cute na anak saka pumunta na sila doon kasama na rin ang magbabantay sa kanila ang yaya ni Ken na si Sherry.
Nang makalayo na sila ay napabalik ang aking tingin sa nakangising lalaki.
"Napano ka Kirk?" Sita ko sa kanya.
"Did you really mean it?" Paninigurado niya na nagpatawa sa akin ng slight.
"Oo nga. Owhh, kinilig siya. Ikaw Kirk ha." Asar ko sa kanya kasi hindi na mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi.
"Kinilig si Ki–" Hindi ko na natapos ang aking pang-aasar sa kanya nang bigla niya akong buhatin nang pa-bridal style.
Pinanlakihan ako ng mata at natulala saglit sa biglaan niyang ginawa. Hindi ko talaga inasahan na gagawin niya iyon sa akin.
"Kirk? Bitawan mo ako. Inaasar lang kita hahaha." Sita ko sa kanya habang siya na ay naglalakad habang buhat-buhat ako patungo sa dagat.
"Nako! Kirk, please. Di na mauulit."
"Please..." Pakiusap ko pa sa kanya. Nakarandam na kasi ako ng hiya.
Paano nalang pagnakita ito ng aking anak? Ano na ang sasabihin ko sa kanya?
"Salamat." Maginhawa kong ani nang ibaba na niya ako. Mabuti nalang talaga may tumawag sa kanya. Save by the call.
Agad niyang kinuha ang kanyang phone doon sa kanyang bulsa. Napailing nalang ako kung bakit may dala-dala pa siyang phone hanggang na-reliaze ko waterproof pala iyon.
Baka mag-take siya ng picture kapag nandoon na kami. Kaya isinawalang bahala ko nalang iyon.
Itinuon ko nalang ang aking pansin sa kanang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kaliwang kamay ko.
Hays, wala pa ring kawala.
Nang matapos ang tawag ay agad naman kaming napalingon sa likuran namin.
"Pare!" Bati ng lalaki kay Kirk. Kita ko ring kakababa lang ng phone nito galing sa tainga nito. Nang kinuha nito ang sunglasses na suot nito ay napanganga nalang ako.
"Pare! Long time no see. Ba't ngayon kalang?"
"May emergency pare."
"I see. By the way pare. Si Lee nga pala."
"Lee?" Agad akong nabalik sa wisyo nang tawagin ako ni Kirk.
"Si Jeremy, my business partner."
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...