LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°
Napabuntong hininga nalang ako at pinatuloy siya sa aking bahay. Tila lumakas ang buhos ng ulan kaya wala na akong nagawa pa.Nang makapasok kami sala ay agad ko siyang pinaupo. Iniwan ko siya doon at minabuti kong magbihis muna saglit.
Pagkalabas ko ay nakita kong nakapirming nakahiga na sa sofa si Jeremy habang nakaunan ang magkabila niyang kamay.
Nakapikit ang mga mata nito at natigil ako sandali. Napako ang aking tingin sa aking nasaksihan. Tila parang ibinalik nito ako sa panahong ka-kam-kami pa dati.
Napapikit nalang ako at napakuyom. Itinuon ang tingin patungo sa kusina. Uminom ako ng tubig para kalmahin ang aking sarili.
Napukaw nalang ang aking diwa nang tumunog ang ringtone ng aking phone. Dali-dali akong pumunta kay Jeremy dahil nasa kanya pa ito.
Tiningnan niya nang maigi ang tumawag saka niya sinagot. Napatakip ako nang aking bibig sa kanyang ginawa.
Bago pa siya makapagsalita ay dali-dali kong hinablot ang phone ko at tiningnan siya nang masama.
"Hello?" Mahinahon kong bungad sa kabilang linya.
"Hello Papa, what time ka po uwi?" Napangiti ako sa tumugon sa akin. Na-miss ko kaagad ang big boy ko.
"Big boy, bukas pa eh. May binalikan lang ako sa bahay tas ayon umulan. Sleep ka na ba?"
"Oo papa, matutulog na po ako. Sige papa." Ani niya at rinig ko ang hikab niya na inaantok na ito.
"Sige big boy, sleep we'll."
Nang matapos ang tawag ay agad namang pumasok sa aking isipan na naiwan ko pala sa parking lot ng restaurant ang aking motor scooter.
Shete! Bakit ngayon ko lang ito naalala?
Napasapo ako ng aking noo sa katangahan. Tiningnan ko ulit nang masama si Jeremy na parang umaapoy ang aking mata.
Subalit nag-iba agad ang timpla ng mukha ko. Kita ng aking mata na siya ay nakasando na lamang.
"Your house is quite small." Nagsalubong bigla ang aking kilay sa sinabi niya.
"Dalawa lang kaming nakatira rito Mr. Tamala." Irita kong sabi sa kanya.
"Paghumupa na ang ulan, uwi ka ha." Tiningnan lang niya ako nang blanko na tila binabalewala lang ang sinabi ko.
Napabuntong hininga na lamang ako. Bukas ko nalang ata babalikan ang motor scooter since alas nuwebe na ng gabi.
Ilang mga oras ang lumipas ay dismayado ako. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Napabuga nalang ako ng hangin at tila nawalan ng pag-asa.
"Dito ka nalang magpalipas ng gabi. Delikado kapag umuwi kapa." Mahina kong ani habang busy siya sa kanyang pagtitipa sa phone niya.
Iniwan ko siya at pumasok sa kwarto dahil napakapit ako sa aking balikat. Dama kong mas lumamig ang gabi kaya nagsuot ako ng jacket. Binigyan ko rin naman si Jeremy ng pinakamaluwang na jacket ko.
Nagsimula na rin akong magprepara sa kwarto ng aking anak dahil doon muna matutulog si Jeremy.
Pagkabalik ko sa sala ay nadatnan kong mahimbing nang nakatulog si Jeremy.
Hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil ngayon ko lang siya natitigan nang matagal sa tagal nang panahon.
"Enjoying?" Nagulat ako at napabalik sa huwisyo. Lumapit ako sa kanya at sumilay ang kaunting ngiti sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)
RomanceBxB | MPREG Ang kwentong ito ay umiikot sa buhay ni Yam. Siya'y isang tao na may malalim na pinagdaanan sa nakaraan. Karanasang nakaukit pa rin sa kanyang puso't isipan hanggang ngayon. Kamusta na kaya ang buhay niya ngayon? Aayon na kaya sa kanya a...