Gia's POV
Totoo ba ang aking nakikita?
O bahagi lamang ng aking kathang isip at mapaglarong imahinasyon?
Pumikit ako..
Dumilat..
Muling pumikit..
At muling dumilat..
Pero walang nagbabago!
"Ngayon mo sabihing walang basehan ang aking sinasabi sa inyo." mahina lang ang pagkakasabi ni Sheila pero tila ume-echo pa sa aking pandinig.
Tumingin ako sa kanya.
"Pero paanong napunta diyan ang sasakyan eh sa banda doon namin yan iniwan." Turo ko sa may di kalayuang kalsada.
Ang van.. nasa tapat ng white house!
Nangunot ang noo ni Sheila.
"Baka may ibang gumamit diyan, at dahil sira malamang naaksidente at nagkataong napatapat dito." Sabi ko.
"Hindi amin yan eh, baka kapareho lang ng sasakyan namin." pilit kong itinatanggi na hindi amin ang van pero ayun ang plate number!
Hindi maaaring kapareho din ng plate number ng van na nakabaligtad sa tapat.
"Huh, hindi niyo maaaring ibahin ang nangyari na!" makahulugang sabi niya.
Muli akong napatingin sa kanya. Seryosong seryoso siya.
"Ano bang nalalaman mo ha?" nakakaramdam na talaga ako ng pagkaasar sa babaeng ito!
"Nagtatalo ba kayo?" Nakahalata siguro si Nexor kaya lumapit na sa amin.
"Nex, I just wanna be sure. Anong plate number ng van?" tanong ko kay Nexor.
"UNY 814"
Parang biglang nanlaki ang ulo ko.
"Why Gia?" may pagtataka sa mukha ni Nexor.
Sa halip na sumagot, itinuro ko ang sasakyan sa labas.
Parang slow motion lang, ang paglapit niyang mabuti sa bintana, ang pagsilip sa sasakyan, ang reaction niya, ang panlalaki ng kanyang mga mata, at ang kanyang pagmumura.
"Sh*t! Sinong g*g* ang gumawa niyan?"
"Bakit brad?" Papalapit na tanong ni Ned.
"Brad yung van, nakabaligtad at yuping yupi." Naiiyak at galit na galit si Nexor.
Agad silang naglapitan sa may bintana.
Pare-pareho ang kanilang reaction.
Shocked!
Speechless!
Scared!
"Grabe naman. Yung plaka na lang halos ang buo!" Komento ni Hiro.
"What the F. Who did that?" sabi naman ni Ned.
"Paanong napunta yan diyan?" tanong din ni Shane.
"Hindi kaya may gustong i-karnap yan but unfortunately dahil may sira eh sumemplang na lang?" Ani Elise.
"Paano napaandar eh ayaw nga mag-start?" kontra ni Hiro.
"Anything is possible sa isang carnapper." saad ni Shane.
Na sinangayunan ng lahat maliban kay Sheila.
Tahimik lang itong nakamasid sa kanila.
"So where is the carnapper? Is there any possible na mabuhay pa siya diyan? I doubt it." Napapailing na sabi ni Elise.
Wasak na wasak kasi ang sasakyan.
Tumawa ng pagak si Sheila kaya napatingin kami sa kanya.
"Oh di ba himala na lang mabuhay pa ang nakasakay diyan?" Aniya at nakatingin kay Elise.
"Now you're making sense. But its impossible. We are here, alived and kicking." Hindi na ako nakatiis.
"Hey, I dont get it. are you arguing? Kanina pa kayo tila nagsasagutan." Puna ni Shane.
"Sobra naman yatang nagka-amnesia kayong lahat dahil sa aksidenteng tinamo niyo." Sarkastikong sabi ni Sheila.
"You're crazy girl!" Biglang napikon si Ned.
" Tena sa baba, baka sakaling pwede nang mabuksan ang pinto." Yaya ko sa kanila.
Baka kung saan pa mauwi ang sagutan nila.
Nagsunuran sila sa akin pababa.
Sinubukan naming buksan ang pinto pero ayaw.
Sinubukang balyahin ng mga lalaki pero ayaw pa rin bumukas.
Kanya kanyang diskarte. Nagtulong- tulong pa kaming binuhat ang may kabigatang lamesita para pambalya pero sadyang matibay ang pagkakayari sa pinto kaya ang ending kinapos kami ng lakas.
Nagsisalampak kami sa sahig.
Nang makita ko ang bintana.
Naisip ko na baka pwedeng doon dumaan.
Pero puro grills. Hindi kami kakasya kung dito kami dadaan.
Wala akong magawa.
Sabi na kasi eh, may kakaiba sa bahay na ito.
Para akong manghihina sa mga kaganapan.
Nang mapatingin ako sa labas.
Sa sasakyang nakasemplang sa harap.
Teka, may nakalaylay na katawan sa may bintana.
Halatang wala ng buhay dahil hindi na gumagalaw at may tumutulong dugo mula sa ulo.
Nakakadiri dahil halatang basag ang bungo.
Ito na ba ang carnapper?
But wait, its a girl.
Parang...
Parang si...
"Gia, ano bang tinitingnan mo diyan? Tulala ka 'te?" Yugyog ni Alaine sa aking balikat.
Napatili ako pagbaling ko sa kanya.
Halos lumuwa ang kanyang mga mata.
At masaganang tumutulo ang dugo mula sa kanyang ulo.
"Gia!" sigaw niya.
Lalo akong napatili.
Isang malakas na sampal ang tinanggap ko mula sa kanya.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
DiversosSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...