Habang nagku-kwento si Elise tungkol sa bata, iginagala ni Gia ang kanyang mata sa loob ng bahay.
May pakiramdam siyang may iba pang nakapaligid sa kanila.
At may isang bagay nga ang pumukaw sa kanyang atensiyon.
Parang may kung anumang nagtutulak sa kanya para alamin kung ano ang bagay na iyon.
Hiniram niya ang lampara at tinungo ito.
Kasunod sila Ned at Elise.
Sa isang panig ng bahay malapit sa may pintuan, may isang kwadradong nakasabit sa dingding.
Isang malaking oil painting ng isang pamilya.
Napanganga si Ned.
Habang minamasdan ang kwadrado.
"Paano 'to nangyari?" Bulalas niya.
Napatingin sa kanya si Gia.
At si Elise, nasa oil painting pa rin ang atensiyon.
"Ano yun Ned?" Tanong ni Gia.
"Ang kwadradong iyan, kanina lang nasa bodega. Bakit nakasabit na ngayon diyan?" Ani Ned.
"Baka kapareho lang, baka dalawang kopya iyan." Sabi ni Gia gayung kahit siya ay di sigurado sa sinabi.
Alam kasi niyang wala naman yan nung makapasok sila.
Gaya ng orasang bigla na lang sumulpot.
Habang nakatitig sa kwadrado, ramdam ni Gia ang pananayo ng mga balahibo.
Ayan na naman ang takot na sumasalakay sa kanya.
Ang mga nasa larawan, parang nakikipaglabanan sa kanila ng titigan.
"Sigurado akong iyan yung nasa bodega. Ayan oh, may basag. Nahulog kasi yan nang masagi ni Hiro." Paniniyak ni Ned.
Hinawakan ni Elise ang larawan.
"Ouch!" Biglang bawi sa kamay.
Inilawan agad ni Gia ang kamay ni Elise.
May tumutulong dugo mula sa hinlalaking daliri niya.
May sugat.
Ipinahid niya ang dugo sa damit.
"Hindi ko naman hinawakan sa may lamat paano akong masusugatan?" Naitanong niya.
Walang sumagot.
"Gia, siya yung bata kanina sa may stairs. If they were the owner of this house, then Sheila is right. That boy is a..." bulalas ni Elise.
"What?" Tanong ni Gia.
"A ghost. OMG!" Napapatakip sa bibig si Elise.
Napailing si Gia.
Tumingin kay Ned.
"Anong iniisip mo?" Tanong niya dito.
Hindi na kasi ito kumibo.
Nakatingin lang sa larawan.
"El, Gia kanina sa bodega, may nakita akong babaeng umiiyak.
Wala siyang mukha pero malakas ang kutob ko na ang babaeng nasa larawan at ang nasa bodega ay iisa." Kwento ni Ned.Magtatanong sana si Gia nang bigla itong mapasigaw.
"Ahhh!" Sigaw ni Ned nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...