Chapter 63

1.6K 46 7
                                    

GIA'S POV

Madilim.

Wala akong makita.

Nag-iisa na lang ako.

Hindi ko makita ang mommy ko.

Sila tita Tanya. Si father at ang dalawang matanda.

Gusto kong maging masaya dahil nagtagumpay ako.

Napalabas ko sila sa bahay na ito, pero ang kapalit ba ay ang pagkabilanggo ko dito?

Naririnig ko si tita Tanya.

Pinapabalik ako.

Ginigising.

Pero paano?

Sinubukan kong alalahanin ang sinabi ni Tita Tanya.

Kapag namatay ang kandila maliligaw ako.

At ang sinabi ni mommy, sundan ko daw ang puso ko. Ito ang magtuturo sa tamang daan.

Tama.

At ang sinasabi ng puso ko ay ang makabalik kina mommy.

Nangako akong babalikan si mommy.

"Gia, gumising ka anak. Mahal na mahal kita. Sundan mo ang tinig ko. At ang puso mo, makakauwi ka sa amin."

Napakislot ako.

Si mommy iyon.

Naririnig ko.

Sundan ko daw ang kanyang tinig.

Pero saan?

Paano? Wala akong makita.

"Lord pls. show me the way. Minsan mo na po akong niligtas, at hinihingi kong muli mo akong tulungan. Parang awa mo na panginoon. Ituro mo po ang daan palabas."

Malaki ang tiwala kong tutulungan ako ng Diyos.

"Anak, gising!"

Si mommy uli.

Humakbang ako kung saan ko ito narinig.

"Anak, bumalik ka na!"

Hayun doon.

Pinakinggan ko ang aking puso.

Na nagsasabing tama ang daang aking tinatahak patungo kay mommy.

Napahinto ako bigla.

May lumitaw na liwanag.

At sa loob ng liwanag, nakita ko si mommy.

Yakap-yakap ang aking katawan.

"Mommy!" Tawag ko.

"Gumising ka na." Bulong niya sa akin.

Lumapit ako sa liwanag at sinubukang hawakan ito.

"Ouch!"

Mainit..

Masakit..

Mahapdi..

Para akong masusunog..

Hindi ko kayang tumagos dito..

Nawawalan na ako pag-asa.

Baka nga tuluyan na akong hindi makalabas.

Kawawa naman si mommy.

Panay ang iyak.

Ngayon nauunawaan ko na ang damdamin ni Sheila.

Hindi ko rin kayang iwan ang mommy ko.

"Mom, i'm sorry I cant go back. I love you so much mom."

Tuluyan na akong nagpapaalam kay mommy.

"Pls.dont give up Gia. Alam ko hindi mo ako iiwan." Ang bulong ni Mommy sa tulog kong katawan.

Bumigay na ako pero hindi si mommy.

Naguilty ako.

At sinubukan muling hawakan ang liwanag.

Muli akong napaso.

Naiiyak na ako sa kawalan ng pag-asa.

Napatingin ako sa kandilang wala ng mitsa.

Saka ko napansin, may hawak pala akong agua bendita.

Makakatulong sayo yan.

Naalala kong sabi ni tita Tanya.

Paano ito makakatulong?

Paano ko ito gagamitin.

Binuksan ko ang maliit na botelya ng agua bendita.

"Mahal na panginoon, hindi ko po alam kung tama ba ang gagawin ko. Kayo na po ang bahala Diyos ko. Ipinagkakatiwala ko sa inyo ang lahat."

Nagdasal muna ako bago gawin ang isang bagay.

Sinubukan kong isaboy sa liwanag ang agua bendita.

Unti-unting naglaho ang liwanag.

Natakot ako.

Kinabahan.

Muling dumilim.

Anong nagawa ko?

Maya-maya pa ay nagkakaroon ng hugis sa dating kinaroroonan ng liwanag.

Naging isang lagusan ito.

Natuwa ako.

Nasabik.

At walang pagda-dalawang isip na tumawid.

Natawid ko ang lagusan.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon