"Doppelganger."
Sabay sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.
Ang babae sa bintana.
"Grabe ka naman Sheila. Nanggugulat ka diyan." Ani Alaine.
"Tama. Its a doppelganger." Sangayon si Gia sa sinabi ni Sheila.
"Well, kung ini-insist ni Alaine na hindi siya yung sumama sa akin sa may comfort room then it must be a doppelganger." kinikilabutang sabi ni Elise.
"I swear El. Nandito lang ako nakatulog kung hindi ko lang talaga naulinigan ang usapan niyo, hindi ako magigising." Sabi ni Alaine.
"Oh my god. Ano bang nangyayari." Parang nanghihinang sabi ni Elise.
"Unbelievable. Parang sa mga napapanuod lang sa pelikula. Pero gosh naman. We are really experiencing it." Wika naman ni Gia.
"Maswerte pa nga kayo at nabuhay kayo." saad ni Sheila.
Napalingon sa kanya sila Gia, Elise at Alaine.
"Hey, watch your words! Ano bang pinagsasabi mo diyan!" Singhal ni Alaine.
"Nabuhay? Why? Maswerte? Ano yun Sheila? Saan galing yun? Parang sinasabi mong muntik na kaming mamatay at sinuwerteng mabuhay? Ganun ba yun Sheila?" Sunod sunod na tanong ni Gia.
"Pasensiya na, nagsasabi lang ako ng totoo. Sa katunayan pa nga, himala ring wala man lang ni isa sa inyo ang nagtamo ng mga galos." muling sabi ni Sheila sa kanila bagamat nakadungaw pa rin ito sa bintana.
"Ano ba Sheila! Tigilan mo nga kami sa kapraningan mo!" Napasigaw na si Elise.
Dahilan para magising ang mga tulog nilang kasama.
"Ano bang pinag-uusapan niyo? Kung hindi kayo inaantok, aba naman magpatulog kayo." Angal ni Nexor.
"El, are you shouting? Screaming? Your voice is so loud." Nakasimangot ding sabi ni Shane.
"Eh paano, that girl is cursing us." Duro ni Elise kay Sheila.
Samantalang nakadungaw lang si Sheila sa labas ng bintana.
"Cursing us? How? Why?" Urirat ni Ned.
"Sabi ba namang maswerte raw at nabuhay tayo na kesyo himalang ni isa sa atin walang galos." Sumbong ni Elise at tumingin kay Gia.
Matamang pinagmamasdan naman ni Gia si Sheila.
Iba ang nararamdaman niya.
Tila may alam ito na hindi nila alam.
"Baka naman may topak yan? Sabi sa inyo eh, weird ang babaeng yan." Anas ni Hiro.
"Bakit ba madilim pa rin? Oh di kaya'y dapat magliliwanag na ah!" Puna ni Ned.
Liwanag pa rin kasi ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.
"Oo nga eh, ang hirap na talagang ipaliwanag ang mga nangyayari sa atin ngayon." Dagdag din ni Nexor.
"Alam niyo ba na may doppelganger ako?" biglang saad ni Alaine.
"Huh, what do you mean?" tanong ni Shane.
"Doppelganger as in may ka-double ka? May kumopya sayo?" Ayaw maniwala ni Hiro.
Tumango si Alaine.
"Pero hindi niya nagaya ang kadaldalan mo." Pairap na sabi ni Gia.
"Teka nga, ano bang nangyari nung tulog kami?" Curious si Ned.
"Kanina kasi nung tulog na kayong lahat nakaramdam ako ng panunubig. Nakita ko si Alaine na nakatayo diyan sa may bintana, so nagpasama ako sa kanya. I keep on talking to her but shes not replying. When finally narating namin ang restroom I told her to stay and wait for me outside, she just nodded. Kaya lang, paglabas ko ng c.r she's nowhere to be find, at yun nga nakita ko siyang natutulog na pala." mahabang kwento ni Elise.
"Nakakatakot naman. So hindi pala si Alaine ang sumama sayo sa c.r?" Tanong ni Ned.
"Hindi ako yun. I swear." tanggi ni Alaine.
"Naniniwala akong hindi siya yun kasi nauna pa siyang nakatulog sa akin eh. Ginawa pa akong unan." sangayon ni Hiro.
"Well, I'm so glad na hindi sa akin nangyari. If ever, I'm scared to death. " muling yumakap si Shane sa nobyo.
"Lucky you. " ani Gia na muling tumingin kay Sheila na tulala pa ring nakamasid sa labas ng bintana.
Tumayo siya at lumapit dito.
Tumingin siya sa labas ng bintana.
Napatakip siya sa kanyang bibig.
"Oh no!" Bulalas niya.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
DiversosSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...