"Girls, I know how you feel, and I'm getting crazy with all of this." Himutok ni Shane pagkalapit pa lang kina Gia at Elise."You're right. Baka baliw na tayo pagkalabas natin dito." Sangayon ni Elise.
"Where are the others?" Tanong ni Gia.
Nagkibit-balikat lang si Shane na ipinagtaka ni Gia.
"Baka naghahanap ng ibang exit." Parang walang anumang sagot pa nito.
"Shane, have you seen the car?" Urirat ni Elise.
Tumango naman ito.
"What about the..." hindi na natapos ni Elise ang sasabihin dahil agad na sumabat si Gia.
"Nevermind Shane. Tara sa may sofa, masyadong malamig dito." Aniya.
Sumunod si Elise pero hindi si Shane.
"Ayaw mong makita niya?" Tanong agad ni Elise pagkaupo nila.
"You know naman her di ba?, baka mag-freak pa yan." Nilingon pa nito si Shane pero di na niya nakita kung saan nila ito iniwan.
"Yah, siya ang pinakamatatakutin sa grupo, or should I say sa buong universe." Napapailing na komento ni Elise.
"So nasaan na siya? Himala yatang nagpaiwan siya dun eh ang dilim kaya. Baka mapansin pa niya yung mga katawan sa sasakyan." Puna ni Gia at pilit inaaninag si Shane sa dilim.
Pero walang tao.
Maliban kay Sheila na nasa may hagdanan at nakatalungko.
Tulog kaya?
"Maybe she went looking for Ned." Saad ni Elise.
"Oh Nexor, where have you been?, nakita mo si Shane?" Tanong ni Gia sa papalapit na binata.
"I've been looking for exits. I didnt see her. Pero kanina she was with Ned and Hiro." Sagot ni Nexor.
"Ganun ba, parang may mali ah." wika ni Gia.
"What?" sabay na tanong nila Elise at Nexor.
"Si Shane, biglang sumulpot at biglang nawala." ani Gia.
"Baka nga sumunod kay Ned. Alam mo naman yun, laging nakabuntot sa nobyo." nakangusong sabi ni Elise.
"Siyanga pala Nexor, nakita mo na ba yung Van?" pag-iiba ni Gia.
"Yap, sirang sira. Yari ako kay erpats pag-uwi." problemadong sabi ni Nexor.
"Nope, hindi yun. Halika may ipapakita kami." yakag ni Elise dito.
Napasunod na lang si Nexor sa dalawa.
"Tumingin ka sa may bintana. Sa sirang Van." utos ni Gia.
Sumunod si Nexor.
Kahit lalaki ay hindi niya napigilan ang sariling mapasigaw.
"Sino ang mga iyan?" napapamulagat nitong reaksiyon.
"Kilalanin mong mabuti." ani Elise.
Medyo matagal bago niya makilala ang nagma-may-ari ng mga katawan sa sasakyan.
"Si Alaine ba yan?" paniniguro ni Nexor.
Walang sumagot.
"What the hell?, anong ginagawa niya diyan? paanong napunta siya diyan?" sunod sunod nitong tanong.
Ngunit tahimik pa rin ang dalawang babae.
"Sa
may bumper Nex.. " turo ni Elise.Awtomatikong napatingin doon si Nexor.
Naihilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha.
At umiling-iling.
"Nexor, di ba siya si ... "
"Elise, buhay pa siya, at buhay pa rin si Alaine." putol nito sa sinasabi ng dalaga.
"Oo naman, pero sa kanila ang mga katawang iyan." giit ni Gia.
"Anong ibig sabihin niyan?, bakit may katawang patay si Alaine diyan?" di makapaniwalang sabi ni Nexor.
"At ni ... Hiro.." dugtong ni Elise.
* * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...