Pinagmamasdan ni Sheila sila Elise at Gia na nakatulog sa sofa. Gayundin si Nexor na nung una ay nilalabanan ang antok na nararamdaman pero sa huli ay nakatulog din ito.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng awa para sa mga turistang ang nais lang naman ay makapasyal at makita ang magagandang lugar dito sa Baguio pero ang nangyari nga ay dito sila sa white house napadpad.
At ngayon ay nakakaranas pa sila ng hindi maipaliwanag na pangyayari.
Ganun pa man, hindi maiwasang makaramdam siya ng tuwa dahil nagkaroon siya ng kasama dito.
At hindi niya gugustuhing muling mag-isa dito. Sisiguraduhin din niyang magkakasama sila hanggang makalabas dito.
TANG! TANG! TANG!
Natigil sa pagmumuni muni si Sheila nang may marinig na ingay mula sa labas ng bahay.
Agad siyang tumakbo sa may bintana.
Gulat, pagtataka at tuwa ang naramdaman niya.
May dalawang matandang babae ang nasa tapat ng bahay.
Pilit binabaklas ang kadenang nakatali sa gate.
Sa sobrang tuwa ay tinawag niya ito.
"Inay!!"
Hindi niya mapigilan ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata.
Ahh.. ilang araw, o ilang linggo na bang hindi niya nakita at nakapiling ang ina?
Kaya ganun na lang ang sayang lumukob sa kanya ng masilayan ang ina mula sa bintana.
"Inay!" Muling sigaw niya.
* * * * * * * *
Tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw.
Pero bakit may nararamdamang kakaibang lamig si Aling Martha?
Kanina lang ang sakit sa balat ng init tapos ngayon bigla siyang nilamig.
Napatingin si Aling Martha sa kasamang si Aling Sonia.
Isa itong albularyo at maraming nalalaman tungkol sa mga ispirito at mga maligno.
"Marahil naramdaman mo yun." Sa bahay ito nakatingin.
Tumango naman si Aling Martha.
"Parang may yumakap sa aking hangin." Aniya.
"Isa lang ang ibig sabihin nun, may mga kaluluwang nakapaligid sa bahay na ito." Nakapikit si Aling Sonia. Pinapakiramdaman ang hanging pumapalibot sa lugar na ito.
Napatingin si Aling Martha sa may bintana sa unang palapag ng bahay.
Wala namang kakaiba maliban sa puting kurtinang gumagalaw galaw at tila isinasayaw ng hangin.
"Ganun ba talaga kahangin sa loob Sonia?" Ani Aling Martha.
Hindi ito kumibo. Sa halip pinag-aralan ang buong bahay.
"Isang taon na mula nang maganap ang insidenteng iyon, bakit ang bigat sa pakiramdam?" Wika ni Aling Martha.
"May mga pangyayaring mananatili na lang dahil sa mga taong hindi matanggap ang nangyari. Parang mga ibong na trap sa isang kulungan at hindi na makawala." Makahulugang sabi ni Sonia.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Aling Martha.
"May mga nakakulong sa nakaraan at ang mahirap ay kung hindi nila ito matanggap kaya hindi na sila makaalis. Gaya mo, hindi mo matanggap ang nangyari kaya puro takot ang nasa puso."
"Hindi madali ang lumimot Sonia. Mahirap, masakit." Naluluhang saad ni Aling Martha.
"Pero mas nahihirapan siya."
Hindi nakaimik si Aling Martha
"Miss na miss na kita anak." Ang tanging naibulong niya sa hangin.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
CasualeSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...