Chapter 21

1.9K 40 3
                                    

"Inay, nandito ako!" Sigaw ni Sheila.

Pero parang hindi siya naririnig nito. Nakatingin lang ito sa bahay, pati ang kasamang matanda.

Hindi niya kilala ang kasama ng Inay niya.

Sobrang nami-miss na niya ito.

Napaisip siya bigla, ilang araw na nga ba siyang nandito sa bahay?

Oh ilang linggo? Ahh.. basta ang natitiyak niya matagal na siyang nakakulong dito.

"Inay ko, tulungan niyo ako, nandito po ako sa loob." Sigaw niyang muli at lalo pang nilakasan ang pagsigaw.

"Inaaaayy!"

Nagising ang mga natutulog at agad siyang nilapitan.

Muntik pang madapa si Gia nang mabangga sa upuan. Hindi kasi niya ito nakita dahil madilim.
Mabuti na lang at napakapit siya kina Elise at Nexor.

"Ayos ka lang?" Tanong dito ni Nexor.

Tumango si Gia.

"Sheila, bakit ka sumisigaw?" Tanong agad ni Elise.

Lumuluha at nakangiting tumingin sa kanila ang dalaga.

"Si Inay."

"What about your mom?" Nakakunot-noong tanong ni Nexor.

"Ayun siya oh, sa labas ng gate." Natutuwang sabi ni Sheila habang nakaturo sa baba.

Nakaramdam din sila ng tuwa nang makitang may dalawang matanda sa labas.

"Baka matulungan nila tayong makalabas dito." Sabi ulit ni Sheila.

Kumaway sila sa mga ito.

Pero bakit ganun, parang hindi sila nakikita?

"Tulooongg!" Malakas na sigaw ni Gia sabay kaway.

Ang dalawang matanda, nagtinginan lang. Animo pinag-aaralan ang buong bahay.

Nakita din nila ang pag sign of the cross ng isa.

Para lang silang hangin, hindi nakikita at hindi naririnig.

Pero bakit?

* * * * * * * *

Neds' POV

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at may nakita kaming mga lampara. Masakit na kasi ang aking mata sa dilim.

"Shane, dito ka lang kina Alaine ha. Punta lang ako dun sa pinakasulok, baka may makita akong lagusan doon." Paalam ko. Kahit saan pang kasulok- sulukan papasukin ko, makahanap lang ng daan palabas.

Ang higpit ng kapit niya sa kamay ko.

"I'm coming with you." aniya.

"Huwag na Shane, malamang maagiw at maalikabok doon. Baka maraming daga at ipis." Sabi ko, at buhat nga dun awtomatikong bumitiw siya.

"Samahan na kita Ned." Presenta ni Hiro.

"No, pakisamahan na lang sila dito." tanggi ko.

"Siyanga naman Hiro." sangayon ni Alaine.

Iniwan ko silang naghahalungkat sa mga drawer dun.

Tinungo ko ang pinakasulok ng bodega.

At tama ako, maraming nagtakbuhang mga daga.

Parang mga nabulabog sa kanilang lungga.

Mabaho at maraming mga agiw kaya nagdesisyon akong bumalik na lang kina Shane.

Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang may narinig ako.

"Huhuhu." May umiiyak ba? Mahina kasi kaya di ko tiyak.

Muli akong humakbang.

Isa. . .

"Huhuhu"

Iyak nga.

Isa pang hakbang..

"Huwag po, please."

Ano daw?

Nangilabot ako.

"Alaine, huwag niyo akong biruhin!"

Baka pinagti-trip-an ako ah.

Pero walang sumagot.

Isa.. dalawang hakbang.

"Maawa kayo, huhuhu." Boses ng isang babae. Malamig at tila galing sa ilalim ng lupa.

Nanindig ang balahibo ko.

Ang kaninang iyak ay naging hagulhol na.

Na naging panaghoy.

Nilakasan ko ang aking loob.

Gamit ng lampara ay inilawan ko ang pinanggagalingan ng panaghoy.

At nakita ko.

Napalunok ako.

Nakatalikod siya.

Patuloy siya sa pag-iyak.

"M-m-miss?"

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon