Chapter 51

1.9K 45 3
                                    

GIA'S POV

Si Alaine patay na?

Biglang tumigil ang utak ko.

Ayaw gumana.

Isa lang ang naiisip, wala na si Alaine.

Patay na.

Nagbagsakan ang luha sa aking mata.

Nabawasan na kami.

Nangyari ang ikinatatakot ko.

"Be strong anak." Hinahagod ni mommy ang aking likod.

"What happened mom? Bakit siya namatay?" Parang ayaw tanggapin ng utak kong patay na siya.

"Napuruhan si Alaine sa naganap na aksidente. Baka daw humampas ang ulo niya sa matigas na bagay kaya medyo nabasag. Alam mo bang sinubukan pa niyang makalabas sa nakabaligtad na van.." ayon pa kay mommy.

Napatingin ako sa kanya.

"She tried to crawl out of the car. Sabi nila, when the rescue team arrived, nakalabas na ang kalahating katawan niya sa bintana.." ani mommy.

Malungkot.

Bigla akong napaisip. At napatingin kay tita Tanya.

"I know what you are thinking.. yung sinabi ng mom mo at yung kwento mo about sa nakita mong patay na katawan ng mga friend mo, pareho right? So it means totoo yung nakita mo. Nakita mismo ng spirit soul mo. And it was actually what happened." Paliwanag ni tita Tanya.

Naguluhan si mommy.

"I dont get it.." sabi niya.

"Yah.. mahirap i-explain. But what i mean is nakita ng mga spirit soul niyo yung totoong nangyari. Yung sumemplang na sasakyan, yung mga katawan dito, but since ispirito lang kayo, mas pinaniwalaan niyong parte lang ito ng imahinasyon niyo.." paliwanag pa ni tita.

Bigla akong napaisip.

Naguguluhan pa rin.

"Mommy, how about the others? Alam niyo ba ang nangyari sa kanila?" Kinakabahan ako.

"Nung nasa emergency kayo, at isa-isang nagdatingan ang mga parents, pinulong kami ng investigator at sinabi sa amin ang mga possibilities sa naganap na accident. Pati ang mga itsura sa nakabaligtad na van.." sagot ni mommy.

"So may idea kayo kung anu-ano ang injury ng bawat isa sa amin?" Gusto kong makatiyak.

Tumango si mommy.

"Based in your story, may dalawang dead body ka pang nakita di ba? Subukan nga natin, sabihin mo sa amin ang nakita mo." Nakangiting sabi ni tita Tanya.

Nabasa ba niya ang nasa isip ko?

Iyon din kasi ang gusto kong gawin..

"Mom, si Hiro. Nakalabas ang katawan sa may bumper. Natusok ng salamin? At..." tumigil ako.. parang biglang nandiri sa naalala kong itsura ni Hiro.

"Wakwak ang tiyan? And Shane, naipit ang ulo sa bintana, halos maputol ang leeg?" Gusto kong maiyak. Sana hindi tama ang nakita ko. If ever, sadyang kaawa-awa naman sila.

Pero mukhang ayoko ng facial expression ni mommy. Halos nanlalaki ang mata.

"Y-yes.. mismo." Mahinang sabi niya.

Awtomatikong bumuhos ang luha kong pinipigilan.

Kawawa naman sila.

"So Gia is telling us the truth. Their soul was trapped. We have to do something.." naging eager si titang matulungan kami.

But how?

"Kumusta na po sila? Nasaan na sila?" Tanong ko.

"Nasa ICU pa rin sila ng ospital na pinanggalingan mo. Hindi sila pwedeng i-transfer sa manila. Hindi pwedeng ibyahe." Wika ni mommy.

"Sila Elise,Nexor at Ned mommy?"

"Just like you, na-comatose din sila. Hindi pa nagigising. Patuloy pa ring lumalaban. Sana lang makasurvive sila." Ani mommy.

"But how if I know na yung soul nila ay nakakulong? Hindi sila magigising not unless makabalik ang kanilang kaluluwa." Parang masisiraan na rin ako.

Pero ayokong mawalan ng pag-asa.

"As a paranormal, you know how to deal with this kind of problem di ba tita?" I want to be optimistic.

May magagawa pa kami.

Napahinga ng malalim si tita.

"Yah, but there's no assurance na magtagumpay tayo. Delikado." Alanganin si Tita.

"Lets try tita please. Ayokong mawala sila without even trying to save them." Pursigido kong sagot.

"Then you have to prepare yourself, physically, emotionally, mentally ang most of all spiritually." Sabi ni Tita.

Bigla akong kinabahan.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon