Chapter 33

1.7K 36 0
                                    


Lalong naging interesado si Gia.

Nanumbalik naman ang alaala ni Sheila isang taon na ang nakararaan.

*FLASHBACK*

Alas siyete ng gabi.

Sa tahanan ng mga Zaragosa, maraming mga ilaw. Maliwanag ang bawat sulok nito na parang may piyesta.

Nagdiriwang sila ng ika- labing pitong kaarawan ni Sandra.

Maraming mga kaibigan niya ang dumalo.

Mga kapitbahay, kaklase at mga kasosyo sa negosyo ng pamilya.

Isang engrandeng selebrasyon.

"Mapapasa-akin ka din." Narinig ni Sheila na sabi ng isang lalaki.

Kasalukuyan siyang nagse-serve ng mga inumin sa katabing mesa.

Napatingin siya sa lalaki.

Ang masugid na manliligaw ni Sandra.

Halos araw-araw na pumupunta sa bahay para ligawan si Sandra.

Hindi naman ito maipagtabuyan ng dalaga dahil anak ito ng kaibigan ng mga magulang.

Gayunpaman, kahit welcome itong dumalaw sa kanila, kinausap siya ng kanyang papa na huwag siyang makipag-ugnayan dito.

Isa kasi itong adik.

Sugapa pa sa alak.

Sakit sa ulo ng magulang.

"Panis ka naman tol eh. Hindi umuubra ang charm mo kay Sandra." Natatawang kantiyaw ng isa sa mga lalaki.

"Diyan ka nagkakamali. You know me, what Aldred wants, Aldred gets." Nakangisi nitong sabi sabay tungga ng beer.

"Eh antagal mo nang nanliligaw ah, ni hindi ka pa nakaka-first base." Kantiyaw ng isa pang lalaki.

Gustong kabahan ni Sheila sa usapan ng tatlong lalaki.

"Chill mga tol. Di ba nga may kasabihan, kung hindi mo makuha sa santong dasalan, kunin mo sa santong paspasan." At saka ito humalakhak.

Nakipagtawanan na din ang dalawa pang lalaki.

Lalong kinilabutan si Sheila.

Nang mapatingin sa kanya ang isa sa mga lalaki.

Kinindatan siya nito.

Nakaramdam siya ng panlalamig.

Natapos sa pagbalik tanaw si Sheila nang makitang palapit si Elise.

"Seryoso yata ang usapan niyo." Nakangiting sabi nito pagkalapit.

Hindi kumibo si Sheila.

"Ikinu-kwento niya kung paano pinatay ang may-ari nitong bahay." Si Gia ang sumagot.

Napalunok na lang si Elise.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon