Chapter 59

1.8K 43 16
                                    

GIA'S POV

In three.. two..

One..

Nakatulog ako.

Naramdaman ko ang paghiwalay ng aking ispirito sa aking katawang lupa.

Para akong biglang lumutang sa ere.

Dumilim ang aking paligid.

At presto..

Nakikita ko ang aking mga kaibigan.

At si Sheila na galit na galit.

Nakaramdam ako ng kaba.

Kung inakala kong magiging madali ang aking misyon, parang nagkamali ako.

Heto na, nakita na ako ni Sheila.

Ang talim ng kanyang tingin sa akin.

At sa kandilang hawak ko.

May alam ba siya tungkol sa kandila?

"Gia, bumalik ka?" Narinig ko ang masayang boses ni Alaine.

Hayun siya.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

Baka ito na ang huling pagkakataong mayayakap ko ang maarte kong kaibigan.

"What are you doing here?" Wika naman ni Shane, ang pinakasosyal kong kaibigan.

Nagkibit-balikat ako.

Parang hindi ko pa rin mapaniwalaang nakikita at nakakasalamuha ko ulit sila.

"Kailangan mong magmadali Gia." May narinig akong bulong.

Oo nga pala, kailangan ko nang kumilos.

Napatingin ako kina mommy.

Nagdadasal sila.

Nakita ko ang aking katawang lupa.

Naka-upo na parang buddha.

Tulog na tulog.

Parang imposible pero nangyayari.

"Gia," tawag ni Hiro.

Malungkot siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

Hindi mapigilan ang aking luha.

"Is that a sign?" Tanong niya?

"Sign ng ano?" Clueless ako.

"That I'm dead?. I've heared voices from my parents. Letting me go." Ang lungkot niya.

Napatango ako.

"Paanong nangyari?" parang ayaw niyang maniwala.

"Yung sasakyan natin, yung nakita nating sumemplang? Totoong nangyari yun. Sinubukan ng mga doctor na i-save ka, pero hindi kinaya ng katawan mo." Hindi ko alam kung paano ipaliwanag.

Napatingin ako kay Alaine.

Bakas ang lungkot sa kanyang magandang mukha.

"I know what is running in your mind, I accept it. Its my fate." Nakangiti pero may bakas ng lungkot sa mata ni Alaine.

"Matutulungan mo ba kaming makalabas?" Tanong ni Nexor.

Tumango ako at tumingin kay Sheila na bakas ang galit.

"Malas mo at bumalik ka pa. Kung sabagay, ganun naman ang magkakaibigan eh, walang iwanan. Parang si Sandra lang." Aniya at tumingin sa dalagang walang kibo.

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon