Chapter 26

2K 51 7
                                    

Habang papalapit ang mga nakalutang na ilaw ay lumilinaw naman na may mga taong nakahawak sa mga ito.

"Holy craft! Natakot ako dun ha." Napatayo si Elise.

"Natakot? Coming from Elise?, whoa I thought you're a brave girl." Taas kilay na sabi ni Alaine.

"Well, not at all time and not in this house. After what I've been through earlier." Napahalukipkip pang sabi ni Elise.

"May nangyari na naman ba?" Interesadong tanong ni Hiro.

"Habang nandito tayo sa loob ng bahay na ito, maraming pwedeng mangyari." Seryoso naman si Nexor.

"Anong nangyari?" Tanong ni Ned.

"Ewan ko ba, tuwing naiihi na lang ako lagi akong minumulto." Umpisa ni Elise.

"Minulto ka?" Parang ayaw maniwala ni Shane.

"True girl! So yun nga, naiihi ako pero ayaw nila akong samahan so I went all by myself. Since yung c.r sa 2nd floor ang alam ko, I decided na doon ako pumunta. Then nasa 3rd steps pa lang ako may narinig akong sumisitsit. Akala ko nga niloloko ako nila Gia pero nung nagsalita na-confirm kong bata yun..." tumigil si Elise.

Minasdan isa-isa ang mga kaibigan na nakapalibot sa kanya.

Seryosong nakikinig ang mga ito.

Maliban kay Gia na napansin niyang gumagala ang paningin sa loob ng bahay.

"Bata?" Urirat ni Ned.

"Yap. Panay ang sitsit sabay hahagikgik siya. Pinaglalaruan niya ako. Then suddenly, nagsalita siya." Muli siyang tumigil.

Nakita kasi niyang natigilan si Gia.

May isang bagay itong tinitignan.

"Anong sabi?" May kasamang tapik sa balikat na untag sa kanya ni Hiro.

"Ate, laro tayo. Sabi niya. Yung boses, malambing pero parang nakakatakot. Not only that, he told me his name. Jasper daw. Eh that time yung lighter na ilaw ko biglang namatay. Ilang beses kong sinindihan pero namamatay, yun pala hinihipan nung bata. Sa sobrang takot ko, natalon ko yung tatlong baytang ng hagdan."

"Paano mo nasabing multo yun?" Tanong ni Shane.

"Eh pa'no pagpihit ko para bumalik dito bigla siyang bumulaga sa harap ko tapos pagtalon ko sa harapan niya hindi ko siya nabangga. In other words, tumagos ako sa kanya. And Sheila said he's dead." Pagtatapos ni Elise.

"How did she know?" Nilingon ni Ned si Sheila na bumalik sa may bintana.

"Jasper kasi ang pangalan ng namatay na anak ng may-ari nitong bahay. So baka nag-assume siya na yun din ang nagpakita kay El." Si Nexor ang sumagot.

Hindi na kasi kumibo si Elise, nakatingin ito kay Gia na tulala.

Biglang tumayo si Gia habang titig na titig sa isang panig ng bahay.

Nilingon ni Elise ang tinitignan nito pero wala siyang makita. Madilim kasi.

"Teka nga, saan galing ang mga lamparang yan." Tukoy ni Nexor sa mga ilawan.

"May napasok kaming bodega, doon namin nakuha." Sagot ni Hiro.

"Pahiram ng isa." Aligagang sabi ni Gia.

"Bakit?" Tanong ni Ned.

"May titignan lang ako dun."

"Samahan na kita." Presenta ni Ned at iniupo si Shane sa sofa.

Dahil kanina pa curious si Elise sa ikinikilos ni Gia kaya sumunod siya sa mga ito.

Nagpaiwan naman ang iba.

Sa may malapit sa pinto sila pumunta.

Kinuha ni Gia ang lampara at bahagyang itinaas para mailawan ang kanina pa kumuha ng kanyang atensiyon.

Namangha si Elise..

Napanganga naman si Ned.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon