"Guys, what are your plans this sembreak?" tanong ni Nexor.
Nasa isang park sila na paborito nilang tambayan tuwing magkakasama sila at nagpapalipas ng oras.
"Gusto kong mag-adventure. Gusto kong gawin yung di ko pa nagagawa at puntahan yung di ko pa napupuntahan." parang batang napapalakpak pa si Elise.
"Saan naman tayo pupunta? Nag out of the country na tayo last vacation eh." ani Alaine.
"We also tried a lot of outdoor activities, such as rappelling, bungee jumping, wall climbing, zigzag zipline.. ano pa ba?" wika naman ni Shane.
"Oh yeah.. its really awesome! everytime i remember what fun we had, those faces.. lalo na yung sa bungee jumping.. Shane almost passed out.." natatawang paalala ni Hiro.
"Eh what about sa rappelling Hiro?, you screamed like there's no tomorrow! Duh!" ani Gia.
"Asus, kung maka-kantyaw tong Hiro na to.. Pati pala siya. Naalala ko din naglalaway ka pa after mong mag-rappel." at nag-belat pa si Shane kay Hiro, sabay akbay kay Gia.
"So san tayo?" pag-iiba ni Ned sa biruan nila.
"gusto ko sanang dumayo sa mga province na may mga piyesta. Ganda kaya maki-piyesta no." sabi ni Alaine.
"Saan naman yun?" tanong ni Elise.
"Wala rin akong alam na may pa-piyesta." nakapangalumbabang sabi ni Alaine.
"Ako may alam" at pilyong ngumiti si Nexor.
"Saan?" Halos sabay-sabay nilang tanong sa binata.
"Eh piyesta ba kamo?, since patapos na ang buwan, edi piyesta ng patay!" Ang lakas ng halakhak ni Nexor.
Binatukan tuloy siya ni Elise.
"Masaya ka na niyan?, ilang tawa ba gusto mo para sa walang kwenta mong joke?" naiiritang ani Gia.
"Hmp, ewan ko sayo Nexor!" pairap na sabi ni Shane.
"Ang init! Nakakairita" reklamo naman ni Alaine.
"Oo nga eh, parang masusunog ang skin ko." Segunda ni Shane.
"Edi wag kayong lumabas ng air conditioned ninyong bahay!" Ani Gia.
"Bitter lang Gia?, samantalang lagi ka ring nakakulong sa air conditioned room mo." banat naman ni Elise. At nakipag-apir kay Shane.
"May idea na ako, may alam akong lugar na di niyo kailangang mag- aircon." Sabi ni Nexor.
"Lumayo ka sa akin Nexor, baka mabatukan ulit kita." at umakma pang mambabatok si Ned.
" Ayan ka na naman sa paandar mo, siguraduhin mong hindi yan kalokohan!" at nilapitan ni Hiro si Nexor.
Kung pinalayo ito ni Ned, siya naman ang lalapit para makabatok sakaling nanggu- good time lang ito.
"Im serious!" ani Nexor.
"Saan nga kasi?" excited na tanong ni Shane.
"Sa Baguio."
"Sa Baguio?" Sabay na ulit nila Gia at Elise.
Pero magkaibang reaction.
Kung na-excite si Elise, nag-atubili naman si Gia.
"Kasasabi lang di ba?" Pilosopong ani Nexor.
Binatukan siya ni Gia.
"Naman! Puro batok ang inaabot ko sa inyo ah!" angal niya.
"Umayos ka kasi. Anyway, i love Baguio, go ako diyan." Masayang wika ni Alaine.
"Me too.. If ever, it will be my first time to go to Baguio." natutuwa ring saad ni Elise.
"So its a deal. Sa Baguio tayo!" sangayon na din ni Ned.
"I have to bring my winter clothes." natatawa naman si Shane.
"Baguio lang tayo, hindi sa Alaska" panonopla ni Gia.
"Whatever Gia, whatever." komento na lang ni Shane.
* * * * * * * *
----->My Darling Bestfriend still on going.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...