Chapter 34

1.7K 40 3
                                    

Sa pagpapatuloy ng pagbalik-tanaw ni Sheila..

*flashback*

Alas-dose ng hating-gabi, wala na ang mga bisita.

"Anak, mauna na kami sa kwarto. Happy birthday Sandra. Sana naging happy ka. Mahal na mahal ka namin." Anang papa ni Sandra.

"I'm more than happy papa, mama. Im so blessed to have you as my parents. Thank you for the party." At niyakap ni Sandra ang mga magulang.

"Okey then, I know its been a tiring day for all of us so let's all sleep na. Make sure the door is locked. Happy birthday again Sandra. I love you." Wika ng mama niya at hinagkan siya sa pisngi.

Nang makaakyat na sa kwarto ang magulang ni Sandra ay nilapitan siya ni Sheila.

"Sandra, parang hindi ko nakitang nagpaalam sayo yung Aldred." Ani Sheila.

"Oo nga eh. Baka umalis ng walang paalam." pagkibit balikat ni Sandra.

"Mag-ingat ka sa kanya." Babala ni Sheila.

"Bakit naman?"

"Narinig ko kasi silang nag-uusap ng mga kaibigan niya. Kung hindi ka raw makuha sa santong dasalan, sa santong paspasan daw." Ani Sheila.

Kahit paano ay kinabahan din si Sandra.

Nang biglang namatay ang mga ilaw.

"Brown out?" Tanong ni Sandra.

"Hindi ah, tignan mo ang poste, may ilaw. Pati ang ibang bahay." Sagot ni Sheila.

Magsasalita sana si Sandra pero biglang may tumakip sa kanyang bibig.

At may malamig na bagay ang itinutok sa kanyang sentido.

Sa tulong ng liwanag ng buwan, nakita ni Sandra na gaya niya, may nakabusal din sa bibig ni Sheila.

At may nakatutok.

Baril.

Masyadong malakas ang mga lalaking nakahawak sa kanila kaya kahit mag-pumiglas sila, hindi sila makawala.

Nakakita ng pagkakataon si Sheila, pilit inaabot ang isang flower base at nang makuha ito, agad itong ipinukpok sa lalaking may hawak sa kanya.

Agad siyang tumakbo ng bitawan siya ng lalaki.

Pero dahil madilim, nasagi niya ang ilang figurines na naka-display.

Nahulog ito sa sahig at lumikha ng malakas na ingay.

Akala ni Sheila ay makakatakas siya dahil hindi siya hinabol ng may hawak sa kanya.

Pero may isa pa palang kasama ang mga lalaki.

Malapit na siya sa pinto ng biglang may sumalubong sa kanya.

Tinutukan siya ng baril.

"Where do you think you're going?" Anang lalaki.

"Who are you? why are you doing this?" Sigaw ni Sandra.

Walang kumibo. Sa halip, may inilabas na sigarilyo ang lalaking pinukpok ni Sheila ng base.

Matapos sindihan ito at hithitin, ibinuga ng lalaki ang usok kay Sandra.

Naubo ang dalaga.

Mabaho ang amoy.

At alam niya, hindi ito isang ordinaryong sigarilyo, isa itong marijuana.

"Pakipot ka kasi babe eh, ayan tuloy, nasaktan ka pa." Wika ng lalaking may hawak kay Sandra.

"Aldred!" Bulalas ng dalaga ng makilala ang boses ng lalaki.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon