Chapter 58

1.6K 48 10
                                    


Biglang nanlisik ang mga mata ni Sheila.

Tinabig ang mga naka-display na figurines at flower vase.

"Hindi maaariii!!!!" Galit na galit niyang sigaw.

Nakatingin sa ginagawang orasyon nila Gia.

Maraming nakasinding kandila ang nakapalibot dito.

Gusto niyang lumapit at pagpapatayin sana ang mga kandila pero mabisa ang dasal na nagsisilbing proteksiyon nila Gia.

Nagulat sila Elise sa inaakto ni Sheila.

Kasabay ng pagkamangha sa kanilang nakikita at nasasaksihan ngayon.

Bukas na ang pinto ng bahay.

Hindi rin nila maintindihan ang ginagawang ritwal nila Gia.

Sinubukang lumapit ni Nexor sa pintuan pero pagtapak pa lang palabas ay nakaramdam siya ng malalakas na boltahe dahilan para mapaatras siya.

"Lumayas kayo ditooo!!!" Halos maputol ang lited ni Sheila sa leeg sa pagsigaw.

"S-Sheila, bakit ka ba nagagalit?" Kabadong tanong ni Shane.

Bigla siyang hinarap ni Sheila.

Nakakatakot ang bagsik sa mukha.

Napaatras si Shane.

Yumakap kay Ned.

"Hindi mo ba nakikita? Gumagawa sila ng paraan para makaalis tayo dito!" Singhal niya.

"Yun naman pala eh, di ba dapat matuwa ka pa?" Sabi ni Nexor.

"Ayoko! Hindi pwede!" Asik ni Sheila.

"I dont get you." Nasabi ni Elise.

"Walang pwedeng makalabas dito. Dito lang tayo!"

"Bakit nga kasi? Hindi ba dapat maging masaya ka? Aakyat ka na sa langit." Wika naman ni Hiro.

"Anong langit ang sinasabi mo? Para lang sa patay yun at hindi ako patay!" Lalong nagalit si Sheila.

Sinubukang lapitan ang mga nagdarasal na sila Aling Martha.

"Pati ba naman ikaw Inay, pinapaalis mo na ako? Ayaw mo na ba akong makasama?" Kausap niya si Aling Martha na taimtim sa pagdarasal at hindi siya nakikita at naririnig.

"Ahhhh!!!" Parang nababaliw na tinakpan niya ang kanyang tainga.

"A-anong problema Sheila?" Natarantang tanong ni Alaine.

"Masakit sa tainga ang kanilang sinasabi." Sabi nito.

Napatingin sila sa mga nagdarasal.

"B-but they're just praying.." nagtataka si Shane sa reaction ni Sheila.

Anong masakit sa dasal?

"Sheila, hayaan na natin sila. Tinutulungan lang nila tayong makaalis dito. Please, kailangan mong tanggapin para matahimik na tayo." Mula sa kung saan ay sumulpot si Sandra.

Nagmamakaawa.

"Akala ko ba kaibigan mo ako? Bakit hindi mo matanggap na dito lang ako masaya? Ayoko sa ibang lugar. Hindi ko iiwan si Inay. Kaya hindi nila pwedeng mabuksan ang daan." Sinulyapan niya ang mga nagdarasal.

"Hindi ako papayag!!!" Galit na naman si Sheila.

Ibinato sa mga nagdarasal ang nahawakang plorera.

Pero sadyang nasa loob sila ng isang sheild na makapangyarihan at pinagtibay ng dasal.

Hindi sila tinamaan.

"Kung ayaw mong makalabas, edi 'wag. Pero please hayaan mo kaming makaalis dito. Hanggang ngayon, hindi namin alam ang aming kapalaran. Baka sakaling sa aming paglabas masagot ang aming mga katanungan." pakiusap ni Elise. Pigil ang luha.

"Hindi, kaya nga nandito kayo para samahan ako. Walang lalabas, walang aalis. Sama-sama tayo dito." Parang nababaliw na ito.

"No Sheila, we will all leave this place. This is not the right place for us. You've been here for a long time. Its time to go Sheila.." mahinahong pakiusap ni Alaine.

Hindi sumagot si Sheila.

Nakatingin sa isang pigurang unti-unting nagkaka-anyo..

Kinabahan si Sheila.

Nangangamba.

"Hindi ka magtatagumpay." Usal niya.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon