Muling magkausap sila Aling Martha at Aling Sonia.Nasa isang tindahan sila na abot tanaw ang bahay na puti.
"May alam ka na bang paraan kung paano natin mahahanap si Sheila, Sonia?"
"Isa lang naman ang alam ko eh, ang makapasok sa loob para mapa-bendisyunan na rin yan." sagot ni Aling Sonia.
"Hindi pa ba napa-bendisyunan yan?, kaya pala kung anu-ano ang nagaganap sa loob at labas ng bahay." Sabat ng tinderang kung tawagin nila ay Oyang.
"Anong nagaganap?" Interesanteng tanong ni Sonia.
"Alam niyo ba kagabi, nung mapadaan daw yung asawa ko nakarinig daw siya ng hagikgik ng isang bata. Pagkatapos, parang may bumubulong daw sa kanyang tumingin sa ikalawang palapag ng bahay." Pambibiting kwento ni Oyang.
"Tumingin ba siya? Anong nakita niya?" Usisa ni Aling Martha.
"Ayun nga, may mumunting mga ilaw daw na lumulutang. Parang sa gasera o lampara. Pwede ring kandila." Ani Oyang.
"Naku,nalintikan na. Malamang nakainom na naman yang si Arturo mo kaya kung anu-ano ang nakikita." saad ni Aling Sonia.
"Tama ka naman diyan Sonia, galing siya sa kumpare niya at nakipag-inuman. Pero pagdating niya dito pawisan siya at nanginginig. Malamig naman ang mga palad niya. Panay ang tanong ko pero parang nakain niya ang kanyang dila. Kaninang paggising na lang niya nai-kwento." Nanlalaki pa ang mga mata ni Oyang.
"Kunsabagay, marami ngang mga usap-usapan na kung anu-ano ang nakikita at nararamdaman nila diyan sa bahay." Sang-ayon ni Aling Martha.
"Sinabi mo pa Ate Martha. Meron pa nga yung biglang may umiiyak na babae. At tuwing magsasarado ako ng tindahan ko, ang lamig lamig. At sa totoo lang, palagi akong may nakikitang babaeng nakadungaw sa bintana." Ayaw pa ring paawat ni Oyang sa pagkwento.
"Malaki ang paniniwala ko na kaya may mga nagpaparamdam sa bahay na yan ay dahil hindi na-bendisyunan." Ani Sonia na nakatingin sa bahay.
"At posibleng ang mga kaluluwa ng mga pinatay diyan ang dahilan ng aksidente kahapon ng madaling araw." Sabi ni Oyang.
"May naaksidente?" Tanong ni Aling Martha.
"Pambihira ka Ate Martha, nasa tabi lang ng puting bahay ang bahay mo pero wala kang nalalaman?" di makapaniwalang ani Oyang.
"Alam mo na, tumatanda na ako at ilang araw na rin kasi akong puyat kaya siguro nang mangyari ang sinasabi mong aksidente eh kasarapan ng tulog ko. Teka nga, anong aksidente ba yun?" Urirat ni Aling Martha.
"Kasarapan din ng tulog namin ng makarinig kami ng pagka-lakas lakas na tunog. Paglabas namin ni Arturo nakita na lang naming may nakasemplang na sasakyan sa mismong tapat ng bahay na yan." turo ni Oyang sa white house.
At sa kanyang pagturo, umihip ang hangin na nagdulot ng lamig gayung matindi ang sikat ng araw.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...