GIA'S POV
Parang may hindi tama.
May hindi sinasabi si Ned.
Bakit siya tatawaging duwag ng isang multo?
Na hindi niya raw tinulungan ang mga ito?
Ano yun?
Kilala ba ni Ned ang babaeng yun?
Paano?
Ang gulo. Ang gulo gulo na.
"Hey Gia, are you with us?" Untag ni Elise.
Nakatayo sila at nakamasid muli sa oil painting.
Ako na lang pala ang nakaupo.
"Ay wala ito. Naglakbay na rin ang diwa." Nakangisi pa si Nexor.
Tumayo ako.
"Ano bang sinasabi niyo?" Tanong ko.
"I'm asking you if this girl in the painting was the same girl Ned is telling us?" Ulit ni Elise.
Natawa ako ng pagak.
"Then why not ask him? Hindi naman ako ang pinagmultuhan." Sabi ko.
Napangiwi si Elise.
"As I've said a while ago, wala siyang mukha so I'm not sure. Pero..." napatigil si Ned.
Minasdan ulit ang painting.
"Yung haba ng buhok.. at yung tindig.. parang siya nga." Mahinang sabi ni Ned.
"Baka pinagmumultuhan tayo dahil trespassing tayo." Nawika ni Nexor.
"Parang hindi rin. Kung titignan mo, kumatok tayo at kusang bumukas ang pinto kaya parang welcome na rin tayo." Naisip pa yun ni Elise?
Gusto kong matawa.
At tumingin kay Ned.
Parang ang lalim ng iniisip.
"Ned, ano bang iniisip mo?" Tanong ko.
Tumingin lang siya at napabuntong hininga.
"Gusto ko ng makaalis dito." Ang nasabi niya sabay alis.
"Tara na nga dun sa sofa, its been a long day. Parang gusto kong matulog." Sabi din ni Elise.
"Long day ka diyan. Ang sabihin mo, its been a long long night." Pagtatama ni Nexor sabay sunod kay Ned.
Napangiti na lang si Elise.
At inakay ako patungong sofa.
Kanya kanyang pwesto para makatulog.
Makalipas ang ilang minuto, nakukuha ko na ang tulog ko.
Ay hindi. May pakiwari akong tulog ang aking katawang lupa pero parang gising ang aking diwa.
"Gia anak."
May narinig akong tinig.
Tinig ng isang babae.
Mahina lang.
"Gia anak, gumising ka"
Huh, kilala ko ang boses na iyon.
"Gia, hinihintay ka namin."
Ang mommy at daddy ko iyon.
Pero asan sila?
"Anak.."
"Mom, dad!" Nasabi ko sabay balikwas.
Hah, panaginip!
Panaginip lang ba iyon?
Parang totoong narinig ko sila.
Iginala ko ang aking paningin sa pagbabaka-sakaling nasa paligid lang sila.
Pero bigo ako.
Puro kadiliman ang nasa paligid.
Minasdan ko ang aking mga kasama.
Tulog na tulog sila.
"Huhuhu.."
May narinig akong umiiyak.
"Huhuhu."
Iyak ng isang babae!
Mahina lang.
Pambihira naman oh! Kanina sa panaginip ko nakarinig ako ng mga boses.
Ngayong gising ako, nakakarinig naman ako ng pag-iyak!
Teka lang, ito rin ba yung babaeng umiiyak na nakita ni Ned?
Napatingin ako sa may bintana. Dun nanggagaling ang pag-iyak.
May babae nga.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...