Chapter 57

1.9K 50 9
                                    

*Hypnosis, o hipnotismo sa tagalog.

Isa itong artipisyal na pagtulog kung saan nagiging sunod-sunuran ang nasa ilalim ng hipnotismo sa hipnotisya.*

Nasa harap na sila ng white house.

Si Aling Martha, Sonia, Thea, Tanya at Gia.

May kasama din silang isang pari.

"Ready ka na Gia?" Tanong ni Tanya.

Tumango si Gia.

Pero ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Habang nakatingin sa bahay ay naliliyo na siya.

Ngunit kailangan niyang lakasan ang kanyang loob.

At lakasan ang pananalig sa panginoon.

Umihip ang malakas na hangin sa kanilang kinatatayuan.

Awtomatikong nagdasal ang pari.

Na sinabayan ni Aling Sonia.

At sinundan na din nila.

Kumalma ang malakas na hangin.

Ngunit malamig pa rin.

Matapos magdasal, binasbasan ng pari ang gate. Partikular ang kadenang nakapulupot dito.

Nakuha ni Aling Martha ang susi sa mailbox na kinakalawang na rin.

Pagbukas ng gate, bumigat ang pakiramdam ni Tanya.

"Hindi maganda sa pakiramdam. Mabigat. Nasisiguro kong may kaluluwang ayaw mabuksan ito." Halos paanas na sabi ni Tanya.

Mahigpit namang naghawak-kamay sila Thea at Gia.

Sinubukan nilang buksan ang pinto, sarado.

"Heto ang susi." Inabot ni Aling Martha ang isang bungkos ng susi kay Tanya.

Pagpasok nila sa bahay ay nakiramdam sila.

Tahimik.

May kakaibang aura.

Nakakatakot.

Maliwanag pa sa labas pero sinabi ni Tanya na kailangan nilang sindihan ang mga kandila paikot kay Gia.

"Gia, whatever happen, focus lang ha. Kailangan mo silang makausap at makumbinsing sumama sayo. You only have a short span of time. Hawakan mo ang kandilang ito. Ito ang magsisilbing ilaw mo. Pero, kailangang nakabalik ka na sa katawan mo at nakalabas na sila sa bahay na ito bago mamatay ang hawak mong kandila. Dahil kung hindi, maliligaw ka at tuluyan ng hindi makakabalik. Kunin mo rin ang agua benditang ito, makakatulong sayo. Now, remember.. huwag kang magpapa-apekto sa mga tingin mo ay magiging sagabal sa plano. Concentrate Gia." Mahabang paliwanag ni Tanya.

"Anak, babalik ka ha.. pakinggan mo lang ang puso mo. Ito ang magtuturo ng tamang daan sayo. I love you Gia. Tiwala sa Diyos ok?" At mahigpit siyang niyakap ng Mommy niya.

"Gia, kapag nakita mo si Sheila, sabihin mo mahal na mahal ko siya. Huwag siyang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko." Habilin naman ni Aling Martha.

Nginitian niya ang matanda.

At buon- buo ang loob sa gagawin.

Bahala na ang Diyos.

Sana magtagumpay siya.

Mapalaya ang mga nakulong na ispirito.

Sinindihan nila ang mga kandila at ipinaikot sa nakaupong si Gia.

Sa labas ng mga kandila sila pumuwesto at magkakahawak kamay nakapalibot kay Gia.

Nag-lead ng prayer ang pari bago umpisahan ang gagawing paghipnotismo kay Gia.

Pagkatapos ay lumapit at hinawakan ni Tanya si Gia sa noo.

"Sa akin ka lang makikinig at hindi sa kung sinuman. Sa amin ka babalik hindi sa kung saan man. Pananalig sa Diyos ang pinakamabisa at pinakamatibay na sandata sayo'y mananaig.
Ang iyong paglalakbay, sana'y maging matagumpay. In three.. two.. one.. sleep Gia."

Nakatulog si Gia.

Agad sinindihan ni Tanya ang hawak na kandila ni Gia bago lumabas sa bilog.

Habang naglalakbay ang ispirito ni Gia ay nagdarasal naman sila.

Unti-unting umiihip ang hangin.

May nagbabagsakang mga gamit.

May humihiyaw,

May tumatangis.

Pero wala silang nakikita.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon