Nexor's POV
Lalo yatang na curious ang mga kaibigan ko sa sinabi ko.
Nakaramdam pa naman ako ng panlalamig.
"kwento na bilis." excited pang sabi ni Elise.
Ewan ko ba sa babaeng ito, ang hilig talaga sa mga kakaibang bagay. Hindi man lang nakaramdam ng takot..
Sa ganda at lambot ng facial expression ng mukha niya, walang mag-aakala na sobra siyang matapang. Baka nga kapag hindi ko siya kaibigan iisipin kong napaka- vulnerable niya.
"Naku Nexor, nanloloko ka ata eh.. parang nag-iisip ka pa ng ikukuwento mo eh." nakahalukipkip pang sabi ni Alaine.
"Nung nasa Johnhay na sila, since photo journalist yung isang cousin ko, nagpicture picture sila sa mga maraming puno dun. Then suddenly nakarinig sila ng matitinis na mga tawanan. Palinga linga sila at hinahanap kung saan nanggagaling yung tawanan na yun. Pero walang ibang tao dun. Hindi na nila pinansin yun sa pag-a-akalang baka may speaker around that area. So pumunta sila sa upper part ng area na yun.. Bigla ulit silang nakarinig ng hagikgikan. At pagtingin nila sa pinanggalingan nila may tatlong batang naghahabulan." tumigil ako sa pagkwento.
Tinignan ko sila sa may rear view mirror. Nakakatawang pagmasdan ang mga itsura nilang seryosong nakikinig sa akin.
"Andun na eh, nambitin pa." reaksiyon ni Elise.
"Oo nga.. dali na Nexor, ituloy mo na." wika naman ni Ned.
"Nung nakita nila yung mga bata, nagka idea agad yung pinsan ko na kunan sila ng picture dahil ang saya nilang pagmasdan habang naghahabulan habang nagtatawanan. Kaya lang bigla silang nagtakbuhan sa mga maraming puno at may nakapaikot pang bulb wire sa part na yun at may warning sign pa. Bumaba sila para paalisin dun yung mga bata pero nagulat sila dahil wala naman mga bata dun. Imposible ring nakalusot sila sa mga bulb wire. Naghintay pa raw sila ng ilang minuto baka daw maglabasan sila pero wala na daw talaga." muli kong tinapos ang kwento.
" yun na yun?, baka talagang may ibang daan na yung mga bata lang nakakaalam." tirada agad ni Hiro.
"Possible." sangayon ni Shane.
"Pwede bang tapusin ko?" sabi ko.
"Sira ka pala eh, ikaw kaya ang tumigil diyan." ani Elise.
"Suspense nga eh anu ba kayo!" wika ni Ned.
"Kinilabutan sila kaya agad agad silang umakyat para bumalik sa hotel, sakto namang may nasalubong silang guard. Hindi nakatiis yung pinsan kong babae kaya sinabi raw niya sa guard na may mga batang posibleng pumasok sa nabakuran ng bulb wire. Napatingin daw ang guard sa kanila, at ang sabi...
Naku, mukhang nagpakita sila sa inyo ah, ang mga batang iyon ay mga anak ng staff dito, at yung nabakuran na sinasabi niyo ay dating quarters para sa mga staff dito. Minsan may mga namamasyal ditong nagkatuwaang nagsunog ng mga basura malapit sa maliliit at patubong punong-kahoy, mabilis kumalat ang apoy at umabot nga sa quarters, napag-alamang naglalaro ng tagu-taguan ang mga bata at siguro nai-lock yung pinto kaya hindi sila nakalabas. Kasama silang natupok ng apoy. Huling nakita ang mga bata na masayang nagtatawan bago nasunog ang quarters. At magmula nun, madalas ng magpakita ang mga bata sa mga namamasyal dito." pagtatapos ko.
"grabe naman pala ang nangyari. I feel for them." halatang nalungkot si Shane sa ikwenento ko.
"Do you know the place Nexor, I wanna go there." seryosong sabi ni Elise.
"I know the place, but if you just wanna go there to have some fun then think again." seryoso ding sabi ko.
"Of course not. I just want to visit the place, and pray for the kid, thats the only way I know I can offer them." mukhang umiral ang pagiging good samaritan ni Elise ah.
"Join ako diyan." sali ni Alaine.
"So Johnhay ang first nating pupuntahan." ani Ned.
Tinanguan ko siya sa may rear view mirror.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...