Chapter 18

2.4K 49 8
                                    


Nabahala na ang tatlo.

Walang sinuman ang kayang makapagpaliwanag sa kanila kung bakit at kung paanong nangyaring may mga katawan ang kanilang mga kaibigan sa naaksidenteng sasakyan.

Nakakasama at nakakasalamuha pa naman nila ang mga ito ah.

"Ano bang masamang nilalang ang may gawa nito at tila pinaglalaruan tayo." mahinang wika ni Nexor.

Walang kumibo.

Nagtinginan sila Gia at Elise.

"Guys puntahan natin sila. May gusto lang akong alamin." napatayo bigla si Gia.

"Ano iyon?" curious na tanong ni Elise.

"I wanna make sure na hindi doppelganger ni Shane yung kasama natin."

"What made you think ba kasi na doppelganger yun?" ani Elise.

Muling napaupo si Gia. Huminga ng malalim.

"First when we asked her kung saan yung mga kasama natin, di ba she just shook her head sabay sabing baka nag-iikot lang. Hello, hindi ganun si Shane, knowing na hindi niya kasama si Ned tapos di niya alam kung nasaan ito eh mawala lang sa paningin niya ang nobyo natataranta na siya." sabi ni Gia.

"Plus the fact na hindi siya sumunod sa atin dito at nagpaiwan lang siya dun eh ang dilim kaya. Tapos hindi rin natin namalayan kung saan na siya nagtungo." dagdag ni Elise.

"Teka nga, so what kung doppelganger ni Shane yun?, parang dapat nga masanay na tayo kasi if ever nga na tama ang mga theory niyo aba tatlo na sa atin ang ginaya. Baka nga by now isa sa atin ang nagbabalatkayo lang." saka pinagmasdan ni Nexor ang dalawa.

"Hoy, orig 'to ha." biglang sabi ni Elise sabay turo sa sarili.

"Hep, hep no time for joking." saway ni Gia.

"Wala namang nagbibiro ah. May point naman si Nexor eh, ano nga ba naman ang magagawa natin kung copycat lang ni Shane iyon?" ani Elise.

"Cant you get it Elise, Nexor?"

"What?" sabay na tanong ng dalawa.

"A doppelganger is no good. It is usually a bad omen. A warning that something bad might happen or already happened."

"Of course we know that Gia, besides we are experiencing a bad one. A lot. Everything else here is bad." saad ni Elise.

"You're pointing out something Gia, get straight to it." sabi naman ni Nexor.

"Ok, first si Alaine, may doppelganger, then the next thing we saw is her dead body. Second is Hiro, may doppelganger din tapos ayan biglang lumitaw ang patay na katawan. Though they were still alive, still that scenes is a warning and we have to take it seriously." nais ipaunawang mabuti ni Gia ang pinupunto sa mga kaibigan.

"Tama ka. I get it." biglang tumayo si Elise at pumunta sa may bintana. Sumunod sila Gia at Nexor.

Matamang pinagmasdan nila ang nakasemplang na sasakyan.

Kitang kita nila na naging tatlo ang bangkay sa sasakyan.

Ang katawan ni Hiro sa may bumper.

Ang katawan ni Alaine sa may likod ng drivers seat, sa may bintana na nakasabit ang kalahati.

At ngayon, sa likurang bahagi ng upuan ni Alaine.

Sa may bintana din, isang patay na hindi maipagkakailang pagmamay-ari ni Shane base na rin sa suot na damit.

Nakaipit ang ulo sa may salamin ng bintana.

Halos maputol na at humiwalay sa leeg.

Nakakadiri at nakakaawa ang itsura.

Halos masuka sila sa nakikita.

"Nakakapagtaka ba?" tinig ni Sheila mula sa kanilang likuran.

"Sheila, ano bang nalalaman mo? alam kong ikaw lang ang makakasagot kung ano ang mga nangyayari." baling ni Gia dito.

Napailing lang ito.

"I'm sorry, kahit ako naguguluhan at natatakot sa katotohanang maaaring bumulaga sa atin." lumuluhang sagot ni Sheila.

Napaluha na din si Elise.

Naiintindihan niya si Sheila..

Maging siya man ay natatakot na rin na baka makita niya ang sariling walang buhay kasama ng katawan nila Shane.

Nang biglang may tumunog na ikinagulat nila.

Pagkalakas lakas na parang binabatingting na kampana.

Nakakatakot ang tunog.

Pare-pareho silang napadako sa pinagmulan ng tunog.

Mula sa isang malaking orasan na antigo at nakasabit sa may pinaka-puno ng hagdan.

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Gia.

Mula kasi nang makapasok sila sa bahay na ito ay ngayon lang nila ito napansin.

Isa pang nakakapagtaka ay ang oras na nakasaad dito.

Alas dose!

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon