TANYA'S POV
Hindi maganda ang pag-response ng katawan ni Gia.
Ramdam ko ang pakikipagtalo niya.
At ayon sa galaw at buka ng kanyang bibig si Sheila ang nagiging hadlang sa mabilisan niyang pagsagawa ng plano.
"Gia, ang kandila." Bulong ko sa kanya.
Nangangalahati na ang kandila pero wala pa ring indikasyong nagtagumpay siya.
Gumuhit ang matalas na kidlat.
Kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin at pagkulog ng langit.
Mabuti na lang at matibay ang aming pananalig sa Diyos at malakas ang aming sandata, ang dasal.
"Gia, focus on your goal. Huwag kang magpaapekto sa mga sagabal. Wag kang magpapa-distract." Bulong ko.
Panay na ang ungol ni Gia.
"Tanya, baka mapano ang anak ko." Nag-aalalang sabi ni Thea.
"Trust her Thea. Just continue praying for her and her friends." Sabi ko.
"Seems like puno ng anger ang namamahay dito." observation ni Father.
Bigla kasing sumungit ang panahon.
At bumigat ang pakiramdam sa loob ng bahay.
"Oo nga po. At iyon ang nagpapahirap kay Gia para makabalik." Wika ko kay father.
"She need guidance then.." ani father at nagpatuloy sa pagdarasal.
"Tanya, nakita na ba ni Gia si Sheila?" Maya-mayay tanong ni Aling Martha.
Tumango ako.
Ngumiti siya at nagpasalamat sa Diyos.
"Maisasama ba niyang makalabas?" Usisa nitong muli.
Umiling ako.
"Base po sa reaction ng katawan ni Gia, si Sheila ang humahadlang sa kanya. Hindi ko po masabi pero I can say na punong puno ng galit si Sheila."
"Galit saan?" Tanong ni aling Martha.
Nagkibit-balikat ako.
"Sabihin mo kay Gia, gusto kong kausapin si Sheila." Pakiusap ng matanda.
Hindi na nito napigilan ang pagluha.
"Gia, sabihin mo kay Sheila may sasabihin ang Inay niya.," sabi ko.
Nang mapansin kong maliit na lang ang kandila.
"Bilis na Gia. Konting oras na lang." Natataranta kong sabi.
Walang anumang reaction mula sa katawan ni Gia.
Huminto ang malakas na hangin.
Humupa ang malakas na ulan.
Kumalma ang langit.
Sinulyapan ko si Aling Martha.
"Nakikita at naririnig po kayo ng anak niyo. Hindi niyo siya makakausap pero maririnig niya ang sasabihin niyo. Tila kumalma na siya. Sabihin niyo na po ang gusto niyo. Paubos na po ang oras." at tinanguan ko ang matanda.
* * * * * * * *
Gustuhin man nilang iwan na lang si Sheila ay hindi nila magawa.
Nakaharang si Sheila sa lagusan patungo sa mundo ng mga buhay.
Para na siyang nasasapian ng demonyo sa bagsik ng mukha at panlilisik ng mata.
"Stop it Sheila. Lets go." Saway ni Sandra sa kaibigan.
"Hindi Sandra. Dito lang tayo.!!" singhal ni Sheila.
"Im sorry Sheila. Kailangan na naming makaalis dito. Matagal na panahon na rin kitang sinamahan dito. Its about time na sumunod na kami sa parents namin." Malungkot na sabi ni Sandra.
"Iiwanan mo rin ako? Akala ko ba kaibigan mo ako?" Galit nitong sabi.
"Of course. But if still you cant accept the fact na patay ka na, wala na akong magagawa." Napayuko si Sandra.
"Ayoko pa Sandra. Hindi ko pa natutupad ang pangarap ko. At lalong hindi ko kayang mag-isa si Inay." Lumambot bigla ang expression ng mukha ni Sheila.
Humagulhol.
"Hindi ko kayang iwan si Inay. Hindi ko kaya." Tumatangis niyang sabi habang nakasulyap sa kanyang Inang lumuluha.
"Pakinggan mo si Aling Martha Sheila. May gusto siyang sabihin sayo." Wika ni Gia.
Tumigil naman sa pag-iyak si Sheila.
Huminahon ang kapaligiran.
Wala na ang ulan..
Kidlat..
Kulog..
At malakas na hangin.
Pumayapa ang langit.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...