Nanlumo sila ng makitang umalis na ang dalawang matanda.Panay naman ang iyak ni Sheila.
"Tama na Sheila, baka babalik din sila. And by that time baka matulungan na tayong makalabas dito." Hinahagod ni Gia ang likod ni Sheila.
"Pero bakit ganun, parang hindi nila tayo nakikita? Oh naririnig man lang?" Himutok ni Sheila.
"Nung una, gusto ko ring magtaka. Pero ngayon, hindi na." Ngumiti si Gia.
"Bakit?" Panabay na tanong nila Elise at Nexor.
"Kasi naman masyadong mahiwaga ang bahay na ito. Ano pa ba ang imposible?" seryosong sabi ni Gia.
"Oh my gosh, naiihi ako. Pasama naman oh." Biglang sabi ni Elise.
Nagtinginan lang ang tatlo.
"Ano, samahan niyo ako." Wika ulit ni Elise.
Wala pa ring sumasagot. Sa halip inabutan siya ni Nexor ng lighter.
"Pang-ilaw mo." Sabi nito at tinungo ang sofa saka humilata dun.
"Gia, Sheila, sasamahan niyo ba ako?"
"Si Sheila na lang. Masakit na mga paa ko eh." Sabi ni Gia at sumunod kay Nexor.
Si Sheila, hindi tumitinag. Muling tumingin sa labas ng bintana.
"Okey, sabi ko nga eh, walang sasama sa akin. Ako lang talaga." Kausap ni Elise ang sarili.
* * * * * * * *
Elises' POV
Wahh ang dilim, buti na lang at may lighter.
Ano ba naman kasing ihi ito. Wala na nga akong iniinom naiihi pa rin ako.
Pataas na ako ng hagdan papuntang 2nd floor since alam ko na ang c.r doon nang may marinig ako.
"Pssst"
Nagulat ako sa sutsot na yun.
"Psst.. hehehe" sutsut sabay hagikgik.
"Kayo ha, kung iniisip niyong matatakot niyo ako, back off!" sigaw ko.
Baka kaya hindi nila ako sinamahan eh para takutin.
Pwes, natatakot ako. Namatay pa naman ang lighter at ayaw sumindi.
"Hehehe" patuloy sa paghagikgik ang bata.
Teka, bata. Oo bata.
Hagikgik nga ng isang bata iyon."Ate laro tayo." Sabi pa nito.
'Holy craft, sino ka?" Tanong ko. Ayaw pa rin sumindi ng lighter.
"My name is Jasper. Hehehe." Nakakatakot na talaga.
Sapo ko ang aking dibdib, sobrang takot ang nararamdaman ko.
Paanong nagkaroon ng bata dito?
Posible bang kasama ito ng dalawang matanda kanina? At ito lang ang nakapasok?
Kahit nanginginig ay sinubukan kong isindi ang lighter.
Isa.. tik!
Sumindi!
Namatay.
Isa pang subok..
Tik...
Sumindi ulit..
Namatay ulit.
Subok ulit.
Tik...
Sumindi pero..
Namat... hindi namatay.
Pinapatay.
Tama, hinihipan ang apoy para hindi sumindi.
Sinubukan kong takpan ng isang palad ko para hindi mahipan.
Sumindi.
Umikot ako para bumalik na lang kina Gia pero pagpihit ko..
"Hello ate, saan ka pupunta? Lets play." Mukha ng isang batang lalaki ang bumulaga sa akin.
Sa sobrang takot, kahit madilim natalon ko ang 3 steps ng hagdan.
Nagkakapatid patid din akong nakabalik kina Gia.
"Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Nexor.
Habol ang aking hininga.
'M-m-may bata sa hagdan." Sabi ko. Nanginginig sa takot.
"Sinong bata? Bakit may bata?" Usisa ni Gia.
"Ewan, akala ko nga kayo yun at tinatakot ako dahil panay ang sitsit, tapos nung nagsalita, bata pala." Kwento ko.
"Anong sabi?" Tanong ulit ni Nexor.
"Maglaro daw kami." Natatakot ko pa ring sagot.
"Anong ginawa mo?" si Gia
"Nung una sinisindihan ko yung lighter para makita siya pero namamatay, iyon pala hinihipan niya."
"Sino yun?" Curious si Nexor.
"Jasper daw name niya. Ang nakakapagtaka pa, alam ko nasa harap ko siya tapos nung nasindihan ko yung lighter, tumalikod ako bigla para bumalik dito kaya lang bigla siyang nasa harap ko na. Napatalon tuloy ako. At heto pa, nasa harap ko lang siya pero pag talon ko, I didn't even touched him. I didn't feel him." Pahayag ko.
"Eh kasi nga patay na siya." Biglang sabat ni Sheila.
"Patay na siya?" Hindi ko mapigilang manlaki ang aking mga mata.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...