Chapter 37

1.9K 36 4
                                    

*flashback*

Lumuluha ng tahimik ang tatlong kasambahay na iginapos ng mga lalaki sa storage room.

Kasama si Aling Martha.

Kaninang nagsasarado sila ng mga bintana at pinto, bigla na lang silang tinutukan ng baril.

Nakilala agad nila ang isa, si Aldred.

Agad silang iginapos at ikinulong sa isang storage room.

Hanggang makarinig sila ng sigaw mula kay Sandra.

Sumunod ang ma-awtoridad na boses ni David.

Ang pagsigaw ni Jasper.

Ang pag-tili ni Serena.

Kahit hindi nila nakikita ang mga amo na nasa labas, alam nilang nasa panganib ang mga ito.

Wala silang magawa kundi umiyak.

At magdasal.

Habang nag-iisip ng paraan si Aling Martha para makawala mula sa pagkakagapos.

Lalo't nasa labas din ang anak na si Sheila.

"Thelma, lalapit ako sayo, kalagan mo ako." Aniya.

"Paano eh nakatali din ako." Sagot nung Thelma.

"Gamitin mo yung ngipin mo. Kailangan kong makahingi ng tulong." Desididong ani Aling Martha.

Mabuti na lang at hindi masyado ang pagkakabuhol sa kanya dahil sa pagmamadali kanina ng grupo ni Aldred kaya hindi sila nahirapan.

Pagka-kalag sa kanyang tali ay agad niyang tinanggal ang tali sa kanyang paa.

"Dito na lang kayo, hihingi ako ng tulong sa labas." Paalam ni Aling Martha.

"Bilisan mo, baka kami naman ang balikan dito." Takot na sabi ni Thelma.

"Sige." Ani Aling Martha at lumabas na ng storage room.

Pakapa-kapa siyang naglalakad patungong pinto.

"Bakit naman ganun, malinaw naman ang usapan natin ah, wala kang idadamay." Napaigtad si Aling Martha nang biglang marinig ang isang lalaki.

Dahil sa mga nakakalat na flashlight sa sahig kaya nakikita niya ang mga ito.

Nakita din niya ng bitawan nito si Sheila.

Agad namang nilapitan ni Sheila si Sandra na nakayakap sa duguang katawan ng ina.

Dahil madilim sa kinaroroonan ni Aling Martha ay hindi siya nakikita ng mga ito.

"Bakit ba, naduduwag ka na?" Singhal ni Aldred.

"Pero Aldred si Sandra lang naman ang puntirya mo ah. Bakit nakialam ka pa JD? At pumatay ka pa?" Muling sigaw nung lalaki.

"Pakialam mo ba? Trip ko eh. Gusto mo isunod kita?" At nilapitan nung JD ang lalaki.

Agad itong sinuntok ng isang lalaki.

Nagpalitan ng suntok ang dalawa habang tuwang tuwa namang nanunuod lang si Aldred.

Sinamantala ni Aling Martha ang pagkakagulo ng mga ito.

Dahan dahan siyang pumunta sa pinto, hindi pa ito nai-lock dahil nga sa biglang pagpasok nila Aldred.

Walang ingay niyang nabuksan ito ng hindi napapansin ng tatlong lalaki na nagsusuntukan pa rin.

Pero napansin ni Sheila ang kanyang paglabas.

Hindi rin nito naisaradong mabuti ang pinto.

Nabuhayan ng loob si Sheila.

"Sandra, tumayo ka. Pag sabi kong takbo. Takbo okay?" Anas niya dito.

"Pero Sheila... "

"Nakita kong lumabas si Inay, baka hihingi ng tulong. Bukas ang pinto kaya madali tayong makakalabas." Pabulong pa rin nito.

Sinulyapan ni Sandra sila Aldred.

Nagpapambuno ang dalawa habang hirap naman sa pag-awat si Aldred.

"Tara na Sandra, takbo." Paanas pa ring utos ni Sheila para di marinig nila Aldred.

Mabilis nga silang tumakbo patungong pinto.

Nakita na lang sila ni Aldred saktong paglapat pasara ng pinto.

"Hoy tumayo na kayo diyan, tumatakas na ang mga babae." Sigaw nito sa dalawa na mabilis din naman naghiwalay at tumayo.

Deri- deretso at hawak kamay pa ang dalawang babae sa pagtakbo palabas ng bahay, bukas ang gate kaya deretso sila sa kalsada. Huli na nang mapansin nilang may paparating na sasakyan.

Agad naman itong naka-preno pero nahagip na sila.

Parehong tumama ang kanilang ulo sa bumper bago sila mapahiga sa kalsada.

"Tulong, maawa kayo." Pakiusap ni Sandra at nakatingin sa lalaking nasa tabi ng driver's seat.

Nanlalaki ang mga mata ng lalaki at halatang takot.

"Tulong!" Sabay din nilang sabi pero biglang humarurot ang sasakyan at tinakbuhan sila.

Hindi pa nakakalayo si Aling Martha kaya nakita pa niya ang nangyari at napasigaw siya.

Akmang babalik siya para tulungan ang mga ito pero siya namang paglabas nila Aldred na may hawak pang mga baril.

Nagtago siya sa isang puno.

Nakita niyang hinila nila Aldred sila Sheila at Sandra.

Halatang nanghihina ang dalawang babae sanhi ng pagkakasagasa pero pilit nagpupumiglas.

Walang nagawa ang mga ito ng buhatin sila papasok sa bahay.

"Tutal tapos ka na JD, diyan ka muna at magbantay sa labas. Look out!" Utos ni Aldred.

Naiwan si JD na nagsasarado ng gate at napapakamot sa ulo.

"Ayan, takas-takas pa  kasi kayo eh, nasagasaan tuloy kayo." Parang nanlolokong sabi ni Aldred.

Inihiga sa sofa si Sandra na nanghihina.

Bigla naman sinipa ni Sheila ang lalaki sa harapan nang mailapag siya nito.

Halos magpaikot-ikot ito sa sakit.

Tumakbo si Sheila pataas sa ikalawang palapag.

"G*g*, habulin mo yun baka tuluyan nang makatakas." Sigaw ni Aldred.

Agad sumunod ang lalaki pero hindi niya alam kung saan nagtungo si Sheila.

"Hoy bilisan niyo diyan baka bumalik yung sasakyang nakabangga mayari pa tayo." Nakasilip sa pintong sabi ni JD.

Nakapikit na lang si Sandra. Nakalaylay ang mga kamay sa upuan.

Panay din ang agos ng dugo sa ulo.

Natakot si Aldred.

Agad pinulsuhan ang dalaga.

Pero wala na.

Patay na si Sandra.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon