Chapter 41

1.7K 37 6
                                    

Umihip ang hangin.

Biglang lumamig.

Bumigat ang pakiramdam ni Gia.

Tila meron nga silang ibang kasama.

"Seryoso ka Sheila?" May halong takot na sabi ni Elise.

Ayaw niyang tumingin sa kinaroroonan ni Nexor.

Baka nga may katabi ito.

Habang tila namanhid ang leeg ng lalaki.

Hindi niya mailingon ang ulo. Gusto niyang makita kung sino si Sandra.

"Please Sheila, halika na." Isang tinig na hindi nila alam kung kanino galing.

Malamig, malamyos at nagmamakaawang boses ng babae.

Biglang nangatog ang tuhod ni Nexor.

Parang ang lapit lang sa kinaroroonan niya ang tinig na iyon.

Samantala, tinakpan ni Sheila ng dalawang kamay ang kanyang tainga.

"Tigilan mo na ako. Hindi ako sasama sayo." mahina lang ang boses ni Sheila.

Saka siya tumakbo patungong ikalawang palapag ng bahay.

Naiwang tulala ang tatlo.

Walang gustong magsalita.

Hanggang sa unti-unting nawala ang lamig sa kinaroroonan nila.

Nawala ang bigat na nararamdaman ni Gia.

"Narinig niyo ba yung kausap ni Sheila?" Tanong ni Nexor.

Sabay tumango sila Gia at Elise.

"Si Sandra ba yun?" Tanong ulit nito.

Nagtinginan ang dalawa.

"Maybe.." sagot ni Elise.

"But I didn't saw her." Nangunot noo si Nexor.

"Because she's a ghost." Sagot pa rin ni Elise.

"W-what? A ghost? I dont understand. Kanina ko pa kayo hindi maintindihan. And who is Sandra?" nalilitong tanong ni Nexor.

Mabilis na nag-kwento si Elise.

Ang tungkol sa pamilya Zaragosa.

Kung sino si Sandra.

Natulala si Nexor sa nalaman.

Hindi makapaniwala.

At nagsisisi kung bakit hinanap pa yung Sandra.

"Patay na pala, hinanap ko pa!" Aniya.

Hanggang sa may marinig si Gia.

"Gia, gising anak." Mahina pero dinig na dinig niya.

Lumikot ang kanyang mata.

Napansin ito ni Elise.

"Hey Gia, dont tell me may nakikita ka?" Biglang kinabahan si Elise.

"Sshhh.." ani Gia.

Tinalasan ang pandinig.

"Anak, lumaban ka. Hinihintay ka namin." May bumubulong talaga sa kanya.

Pero hindi takot ang kanyang nararamdaman.

Kundi pagkasabik.

"Mommy" bulong din niya.

At napaiyak siya ng maalala ang mommy niya.

Niyakap siya ni Elise.

"Na-miss mo na mom mo?," tanong nito.

Hindi sumagot si Gia.

"Makikita at makakasama din natin ang parents natin. Kailangan lang natin magtiwala sa Diyos." Nakangiting sabi ni Nexor.

Ngumiti si Gia.

"Miss ka na namin anak." Mga munting tinig.

Bumitiw siya sa pagkakayakap ni Elise.

Kasabay ng pagliwanag ng pinto.

Nagtinginan ang tatlo.

Nakaramdam ng takot.

Ano na naman ba ito?

Tumingin si Gia sa mga kaibigang natutulog.

Mahimbing pa rin ang tulog nila. Tila walang alam na may kakaibang nangyayari sa paligid.

"Please Gia, gumising ka na." Boses ng mommy niya na halatang umiiyak.

Humakbang ang mga paa ni Gia.

Patungo sa liwanag na nagmumula sa pinto ng bahay.

"Saan ka pupunta?" Pigil ni Elise.

Hindi sila pinansin ni Gia.

"Gia! Gia!.." ang tumatawag sa kanya, nagmumula sa liwanag.

Konting hakbang na lang malapit na siya.

Walang magawa sila Nexor at Elise

Kundi panuorin si Gia.

Isa..

Dalawang hakbang..

Nasa harap na siya ng pintuan.

Nasisilaw sa liwanag.

Itinaas ang kanyang kamay.

Akmang hahawak sa liwanag.

"Gia nooo!!" Sigaw ni Elise.

Pero huli na.

Nahawakan na niya ito.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon