"Who is real and who is faked? The one i'm with, or the one who was with you." Naguguluhang sabi ni Shane."I have a strong feeling that the one who was with us is the doppelganger." Sagot ni Gia.
"Are you sure?" Paniniyak naman ni Ned.
"Eh kasi nga bigla na lang siyang sumulpot at biglang nag-disappear?" Ani Gia.
"Well, may point ka diyan." Pagsangayon ni Ned.
"So what are we gonna do? Ned, I wanna go home na." Bumalatay ang takot sa mukha ni Shane.
Wala naman magawa ang nobyo niya kundi hagurin siya sa likod at ikulong sa kanyang mga bisig.
Samantala, napatingin naman si Gia kay Elise na nakaupo sa tabi ng natutulog na si Alaine.
Tila ba may malalim na iniisip.
Elises' POV
Bakit ba iniisip ni Sheila na kami ang nakasakay sa natumbang van sa tapat nitong bahay?
Bakit ganun ang sinasabi niya sa amin?
Na maswerte kami at nabuhay pa?
Hah. . Aminado naman ako eh.
Bago kami umakyat dito sa Baguio, nahiling kong magkaroon sana kami ng masaya at kakaibang experience.
Masaya.. hindi ganitong nakakatakot.
And look what is happening now. .
I cant expain it!
Yes, I want some adventures but not as if we're doing a horror movie.
This goes with the saying that. .
Be careful of what you wish for.
Did I wished for something terrible like this?
Of course I didn't.
Geez!
I need to think.
We have to get out of this horror house.
"Elise!"
Literal na napatalon ako sa gulat.
"Gia naman eh." Sapo ang aking dibdib.
"Si Hiro, may doppelganger." Bigay alam niya.
"Paanong nangyari?"
"Kausap kasi namin siya ni Ned, tapos biglang nawala. Eh ang sabi ni Shane magkasama kayo sa taas kanina?"
"Yeah, nung kasama ba namin siya thats the time na kausap niyo?" Paniniyak ko.
"Oo, sigurado ako."
Napaisip ako.
"Not only that Elise, halika may ipapakita ako." Paanas niyang sabi at tumingin kay Alaine.
Baka ayaw niyang magising ito.
Tumungo kami sa may bintana.
"Anong meron dito?" Nagtataka lang ako kung anong ipapakita ni Gia.
"Pagmasdan mong mabuti ang nakasemplang na van, sa may bintana."
At presto, hayun nga, may nakita akong katawan ng taong nakalaylay ang kalahati ng katawan sa bintana.
Hindi ko napigilan ang magmura.
"Who is that?" Tanong ko sa kanya.
"Take a look at her. Tignan mong mabuti." Aniya
"Her? A girl? How sure are. . ." gusto kong tumili pero parang nalunok ko ang aking dila.
Tama ba ang aking nakikita?
Siya ba talaga yan?
"She's Alaine right?" Wika ni Gia.
So iisa ang nasa isip namin kung sino ang bangkay.
"But how, kasama naman natin siya ah, ayun lang siya oh" itinuro ko si Alaine na natutulog sa sofa.
"Ewan ko Elise. Pero kanina kasi nung makilala ko ang bangkay, siya namang paglapit ni Alaine. Yung itsura niya, basag ang ulo at halos nakaluwa na ang mata." Nahihintakutang sabi pa niya.
"Baka namamalikmata ka lang?"
"El, I screamed at her. She slapped me pero yung hitsura niya hindi pa rin nagbago. Until Ned came to us saka pa lang naging normal ang paningin ko sa kanya. And Elise kung namamalikmata ako it will only last for seconds pero hindi eh. . " paliwanag niya.
Oo nga, so can anyone explain it.
Its getting worst.
Then muli akong tumingin sa sasakyang nakasemplang.
I cant imagine, paanong nagkaroon ng patay diyan? Wala naman yan kanina eh.
Posible bang nasa loob kanina ang katawang yan at gumapang palabas sa pagbabakasakaling makakalabas siya?
Kaya nakalawit ang kalahati ng katawan?
But unfortunately, bumigay at na dead pa rin?
Oh my geez!
Of all people, why Alaine?
What is the meaning of this?
A premonition?
Bad omen?
Until something caught my eyes.
Or should I say someone?
Another dead body?
"Gia, sa bumper may tao." Sabi ko.
"Where?"
"Sa may bumper. Tignan mong mabuti."
Marahil nakita na niya base sa naging reaction niya.
Napatakip siya sa kanyang bibig.
Nanlalaki ang mga mata.
"Gia, what do you think? Do we share the same thoughts?" tanong ko.
"Thoughts?"
"Who own that dead body." Sabi ko.
Sabay kaming muling tumingin sa may bumper ng van.
Yuping yupi ito.
Nagkalat din sa kalsada ang maliliit na bubog mula sa salamin ng sasakyan.
At tulad ng patay sa may bintana, nakalaylay din ang katawan sa harap.
Kitang kita din ang malaking wakwak sa tiyan na tumusok sa basag na salamin sa harapan ng van.
Sadyang karimarimarim ang itsura nito.
"Madali lang siyang makilala Elise. With his skinned hair."
At nanlalambot na tumalikod si Gia.
Napasandal sa pader.
"But how could that be?" Naitanong ko.
Katanungang hindi ko alam ang kasagutan.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...