Elise's POV
First time kong kilabutan.
Kanina habang nagku- kwento si Nexor, excitement lang ang naramdaman ko.
Pero nang mapansin nilang pabalik balik kami sa dinaraanan namin nagtaka din ako.
Napuna ko din kasi yun pero ipinagwalang bahala ko lang sa pag-aakalang ako lang ang nakapansin.
At parang sinadya pang mag-stop ni Nexor sa tapat ng isang malaking puting bahay.
And when we asked him why, parang kahit siya ay nagtaka kung bakit kami nakahinto dun.
At ang nakapag-panindig ng aking balahibo ay ang nakita kong babaeng nakadungaw sa bintana.
I want to ask them if they saw that girl but I choosed to keep quiet.
Baka kasi lalo lang silang matakot.
"Sh*t!" narinig kong sambit ni Nexor kasabay ng biglang pagpreno.
Bigla kasing may dalawang babaeng tumawid.
"My god Nexor, makakapatay pa yata tayo." bulalas ni Hiro.
"Patay agad, baka naman konting galos lang." ani Alaine.
"Will you please shut up. Why dont you go outside and see what happened to the girls." sigaw naman ni Gia na nag-iisa sa pinaka-back seat ng van.
"Samahan niyo ako Ned." wika ni Nexor.
At nagbabaan na ang mga lalaki para tignan ang nasagasaang babae.
"Ned wala dito." narinig kong sabi ni Hiro. Nasa harapan siya ng van.
"Wala din dito." sabi ni Nexor at lumapit din kay Ned.
"Tara na baka hindi naman nabangga yung mga babae." sabi ko. Pero alanganin ako dahil malakas ang tunog na nilikha ng pagkaka- bunggo sa kanila.
"Impossible! I saw it with my own two eyes!" turo ni Nexor sa mga mata. Muli pa nga siyang sumilip sa ilalim ng sasakyan.
"Oh heto, tignan niyong mabuti ang paligid, baka magka-kaso pa tayo ng hit and run." sabay abot ni Gia ng flashlight kay Hiro na nasa tapat ng bintana ng van.
Inilawan ni Hiro ang paligid pero wala talaga silang makita.
"We better go, maghahanap pa tayo ng hotel" aya ko sa kanila.
"Oo nga pala, wala man lang nakaisip na magpa-reserve sa hotel." segunda ni Shane.
Pero nang i-start na ni Nexor ang makina pumalya ito.
Muling gumapang ang kaba sa dibdib ko kasabay ng panlalamig.
Pero ayokong paapekto.
Malamig lang talaga dito sa Baguio.
"Oh anu na Nexor, nakakatakot dito." Angal ni Alaine.
Ilang beses na kasing pinapa-start ang makina pero ayaw talaga.
"Guys, tignan niyo yung white house, sa second floor. May girl sa window." nahihintakutang sabi ni Gia.
Sabay sabay kaming napatingin sa sinasabi ni Gia.
Tama siya, may babae nga sa may bintana.
Siya rin ang babaeng nakita ko.
Hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan niya.
Parang pinapanuod kami..
At.....
Namalikmata ba ako?
Kumaway ba siya?
"Nakita niyo yun? Kumaway siya!" hindi ko alam kung narinig ba nila ang sinabi ko dahil walang sumagot at tulala pa ring nakatingin sa malaking bahay.
"Sh*t naman oh! Ngayon pa ba naman masisira ito!" napasigaw na si Nexor at napahampas sa manibela.
* * * * * * * *
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...