Chapter 62

1.5K 40 0
                                    


Napamulat si Thea.

Naabala ang kanyang pagdarasal nang marinig ang pagkataranta ni Tanya.

"Gia gumising ka na!!" Bulong nito sa tainga ni Gia.

Nakapikit pa rin ito.

"Gising Gia gising!!" Niyugyog niya ito sa balikat.

Mahimbing pa rin itong natutulog.

"Tanya, ang kandila mamatay na, di ba dapat makabalik na siya sa katawan niya?" Nag-aalala na si Thea para sa anak.

Pinilit pa rin itong gisingin ni Tanya pero walang nangyari.

Kitang-kita nila Tanya ng isa-isang naglabasan ang mga puting usok sa labas ng bahay.

"Nagtagumpay si Gia." masayang sabi ni Tanya.

"What happened to my daughter? Bakit hindi pa rin siya nagigising?" Nabahala na si Thea.

Naiiyak dahil hindi pa rin ito bumabalik.

"Tanya, ang kandila." Bulalas ng pari.

Napatingin sila sa hawak na kandila ni Gia.

Patay na ito.

Nilapitan ni Thea ang katawan ng anak.

Niyugyog at sinampal sa kagustuhang magising ito.

Pero walang epekto.

Hinawakan ni Tanya sa noo si Gia.

"Gia, ang tita Tanya ito. Makinig ka sa akin.. pilitin mong makatawid sa lagusan. Sundan mo ang aking tinig. Pakinggan mo. Bumalik ka na. Gumising ka. Hihintayin ka namin." Nagconcentrate si Tanya.

Nabahala na din.

"Mahihirapan siyang hanapin ang kanyang katawang lupa. Madilim ang kanyang kinaroroonan." Malungkot na sabi ni Tanya.

"So what are we gonna do? Hindi pwedeng hayaan na lang natin siya?" Nanlalambot na sabi ni Thea.

"Let us pray. So God will guide her to her right way." Sabi ng pari.

Kanya-kanyang dasal.

Biglang lumamig ang paligid.

Nanindig ang kanilang balahibo.

* * * * * * * *

Nagulat na lang si Sheila nang itulak siya ni Gia sa lagusan.

At heto siya ngayon, nakatayo sa labas ng bahay.

Hinihintay ang pagsunod ni Gia pero wala na ito.

"Halika na Sheila." Tawag ni Sandra sa kanya.

Nilingon niya ang kaibigan.

Kasama nito si Jasper na may ngiti sa mga labi.

Maaliwalas ang mukha.

Kakakitaan ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.

Masaya at nakalabas na.

"Saan tayo pupunta?" May lungkot pa rin sa mukha ni Sheila.

"Sa amang Diyos." Nakangiting tugon ni Sandra.

"May gusto pa kasi akong gawin." Sabi ni Sheila.

Napakunot noo si Sandra.

"Ang katawan ko. Hindi pa nila nakikita. Gusto ko rin ng maayos na libing." Nakangiting sabi ni Sheila.

Pero may lungkot sa mga mata.

Niyakap siya ni Sandra.

"Iiwanan ka na namin?" Tanong ni Sandra.

Tumango si Sheila.

"Where are we going ate?" Inosenteng tanong ni Jasper.

"We're going to mom and dad."

"Yeheyyy!!"

Excited na sigaw ni Jasper.

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon