Chapter 43

1.6K 38 2
                                    

Napaiyak si Elise.

Sinubukan niyang habulin si Gia pero huli na.

Hinigop ito ng liwanag na bigla na lang sumulpot sa pinto.

"Nasaan na kaya siya?" Umiiyak niyang tanong kay Nexor.

Si Nexor na hindi na din napigilan ang mga luhang naglalandas sa kanyang pisngi.

Sobrang pag-aalala para kay Gia.

Wala silang idea kung anong nangyari sa kaibigan at kung nasaan na ito.

"El, Nexor, bakit kayo umiiyak?" Tanong ni Ned.

Nagising silang umiiyak ang dalawa..

"Wala na si Gia." Sagot ni Nexor.

"Anong wala?" Tanong ni Alaine.

"She's gone and we dont know where she is right now. Wala man lang kaming nagawa." Malungkot na sabi ni Elise.

Naguluhan si Ned.

"Paanong nawala?" Sabi nito.

"Kanina, nag-uusap lang kami tapos biglang lumiwanag yung pinto. Then parang wala sa sarili si Gia. Lumapit siya sa liwanag. At pag hawak niya, hinigop siya nito." Pahayag ni Nexor.

"Oh my god. Anong hiwaga na naman yun? Saan na siya mapupunta?" Nag-aalalang sabi ni Shane.

"Walang dapat malungkot. Dapat matuwa kayo, nakalabas na ang kaibigan niyo." Mula sa kung saan ay sumulpot si Sheila.

"What do you mean?" Tinapunan ng tingin ni Ned ang babae.

Hindi kumibo si Sheila.

"Hey, kinakausap ka. Ano bang nalalaman mo?" Tumaas ang boses ni Alaine.

"Sapat na ang sinabi ko." Matapang ding sagot ni Sheila.

"Saan mo nakuha ang idea mong nakalabas siya?" Kulit ni Hiro.

Pero tinalikuran na sila ni Sheila.

Na ikinagalit ni Ned.

"Masyado mo kaming pinapaikot. Marami kang nalalaman. Bakit hindi mo sabihin ang mga nangyayari sa amin? Ano bang inililihim mo?" Nawalan na ng pagtitimpi si Ned.

Marahas siyang hinarap ni Sheila?

"Lihim Ned? Gusto mong alamin ang inililihim ko? Bakit ikaw? Bakit hindi mo subukang ilabas ang sinasabi mong lihim? Baka sakaling makuha niyo ang hinihingi mong kasagutan." Makahulugang wika ni Sheila.

Deretsong nakatingin kay Ned.

Tumatagos.
 
Nanghahamon.

Napalunok si Ned.

Pinagpawisan ng malapot.

Anong nalalaman ni Sheila?

Sino ba talaga ang babaeng ito?

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon