Nakaramdam na sila ng antok kaya naman nagpasya muna silang matulog at hintayin ang umaga.Nang biglang makaramdam ng panunubig si Elise.
Tatanungin sana niya si Sheila kung saan ang cr pero hindi niya ito makita.
Tulog na din ang kanyang mga kasama. Sa totoo lang natatakot siya sa bahay na kanilang kinaroroonan lalo pa't tanging ang malamlam na liwanag ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kabahayan.
Nang mapansing niyang may nakatayo sa gilid ng bintana.
Agad siyang tumayo at lumapit dito nang makilalang si Alaine pala ito.
"Hey, what are doing there? Are you not afraid?" usisa ni Elise.
Alam kasi niyang matatakutin din ito sunod kay Shane.
Sila ni Gia ang masasabing hindi agad matatakot lalo na sa usaping multo.
Hindi sumagot si Alaine. Nakadungaw lang sa bintana.
"Tara sa banyo, samahan mo ako. May kadiliman eh." Aya ni Elise kay Alaine.
Nawiwirduhan si Elise sa ikinikilos nito. Sobrang tahimik at tinanguan lang siya nito. Kaya naman nagpatiuna na siya sa paghahanap kung saan naroon ang comfort room.
Gamit ang cellphone ni Nexor bilang pang-ilaw nila.
"Ano bang nangyayari sayo Alaine, tahimik mo ah!"
"Ang laki ng bahay, saan kaya dito ang c.r?"
"Maghanap ka naman." Angal ni Elise.
Pero wala talaga siyang makuhang sagot mula dito.
Nang sa wakas ay nakita niya ang hinahanap na c.r.
"Wait for me here ah, huwag kang aalis diyan." bilin niya sa tahimik pa ring si Alaine bago pumasok ng banyo.
Paglabas niya ng banyo ay hindi niya makita si Alaine. Nagpalinga- linga pa siya at baka tinataguan lang siya nito.
"Alaine!" tawag niya.
"Alaine, huwag mo akong takutin." naiinis niyang sigaw.
Pero tahimik ang paligid kaya naman napatakbo na siya pabalik sa kinaroroonan ng mga kasama.
At doon, nakita niyang nakapikit si Alaine at nakaunan pa nga sa balikat ni Hiro.
"Grabe naman ito, tinulugan pala ako matapos iwan dun." may panggigigil pa si Elise.
Dahil nakaramdam na rin si Elise ng antok kaya tumabi siya kay Gia na nakayukyok ang ulo sa sofa.
Pero bago pa siya tuluyang makatulog may napansin siyang nakamasid sa kanila.
"Sino ka?" tanong niya dito.
Sa halip na sumagot ito ay naglakad ito sa may bintana kung saan niya nakitang nakatayo kanina si Alaine.
"Sino bang kausap mo?" nahimigan niyang sabi ni Gia.
Nagising yata ito sa boses niya.
"Siya." sabay turo sa babaeng nasa bintana.
Pero laking gulat niya dahil wala namang tao sa may bintana.
"Sino? Nananaginip ka yata ng gising eh." wika ni Gia at hindi pa nakuntento ay tumayo at lumapit pa sa may bintana na itinuro ni Elise.
"Hindi ah, hindi pa nga ako nakakatulog eh, actually I just came from the comfort room. Nagpasama pa ako kay Alaine but that girl left me alone there and here, I saw her already sleeping." Muling nakaramdam ng inis si Elise.
"Hey, did I hear my name?" tinig mula kay Alaine na naniningkit pa ang mga mata at halatang bagong gising.
"Yes, I'm talking about you." pairap na sagot ni Elise.
"Oh bakit ganyan ang tingin mo sa akin?, anong kasalanan ko?" nagtatakang tanong ni Alaine.
"Nagpasama daw siyang mag-c.r sayo pero iniwan mo lang siya dun." Lumapit si Gia kay Elise.
"What?, are you sure its me? Nakatulog kaya ako dito at lalong hindi kita sinamahan sa c.r noh." Giit ni Alaine.
Napatingin si Elise sa kanya.
"I swear ikaw yun, nakatayo ka pa nga sa may bintana nung nilapitan kita para magpasama. And I was wondering about your silence." Itinaas pa ni Elise ang kanang kamay patunay na nagsasabi siya ng totoo.
"Baka minulto ka El, we know naman kung gaano kaingay si Alaine. So being silent is not her." Depensa naman ni Gia kay Elise.
"Doppelganger!"
Sabay sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig.
Ang babae sa may bintana.
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...