Chapter 42

1.6K 40 6
                                    

Gia's POV

May bumubulong sa akin.

Tinatawag ang aking pangalan.

Sa halip na takot, pagkasabik ang lumukob sa akin.

Ang mommy ko, sa kanya ang boses na yun.

Siguro nag-aalala na sila sa akin.

Hindi ko kasi sila matawagan.

Nang biglang nagliwanag ang pinto.

Maliwanag na tila humihigop sa akin.

May kung anong pwersa ang nagsasabi sa aking lumapit.

Ayoko man ay tila may sariling isip ang aking mga paa.

Lumapit ako sa dito.

Parang bigla akong nagising nang sumigaw si Elise.

"Gia, nooo!!"

Huli na, nahawakan ko ang liwanag na nagmumula sa pinto at nakaramdam na lang ako ng pagka-hilo.

Para akong hinigop at ako'y nagpaikot-ikot.

Para akong nahulog sa isang mataas na bangin na wala yatang katapusan.

Para akong naglalakbay at di alam ang patutunguhan.

Napapikit ako.

Pagod na pagod.

"Gia, anak!"

"Gia!"

"Gia.."

Ayan na naman..

Ang dami kong naririnig na mga boses.

Parang nagkakagulo.

Maingay!

Anong nangyayari?

Si Elise, si Nexor, hindi ko sila marinig.

May mga humahawak sa akin.

Ako'y pinupulsuhan.

May kung anu-anong idinidikit sa aking katawan.

Anong ginagawa nila sa akin?

"Anak, hold on." May bumulong sa akin.

Ang daddy ko.

"Come back Gia.." anas din ng isa. At sigurado akong ang mommy ko yun.

May humawak sa kamay ko.

Gusto kong alamin ang nangyayari.

Isa.. dalawa..

Parang ang bigat ng aking mga talukap.

Pinilit ko pa ring dumilat.

At muli akong nasilaw sa liwanag.

"Gia, you're back." Natutuwang sabi ni mommy.

Gusto ko siyang makita pero masakit ang aking mga mata.

Sinubukan ko ulit dumilat.

Maliwanag pa rin.

"T-tub-ig.." ang aking nasabi.

Parang ang layo ng aking nilakbay.

Sobrang pagod at pagkauhaw ang aking nararamdaman.

Muli silang nataranta.

May yumakap sa akin.

"Thank you lord for bringing her back to us..."

Ha? Nagdadasal si mommy?

Ano bang nangyayari?

Kasama ko ba sila mom at dad?

Nasaan na ba ako?

Nasaan na sila Elise?

Bakit sobrang liwanag?

Nakalabas na ba ako sa white house?

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon