Chapter 22

1.8K 43 5
                                    

Matapos ngang makaramdam ng kakaiba sila Aling Martha at Aling Sonia ay nagpasya silang umalis na dun.

Sa bahay ni Aling Martha sila tumuloy.

Agad namang binigyan ni Aling Martha ng isang basong tubig si Aling Sonia nang mapansing tila hapong hapo ito.

"Ayos ka lang ba Sonia?"

"Oo ate Martha, parang ang bigat kasi ng pakiramdam kanina kahit nasa labas lang tayo."

"Napuna ko ngang parang di ka mapakali, bakit?" Tanong ni Martha.

"May kakaiba eh.. yung bahay at yung tapat na kalsada parang iisa." Ani aling Sonia.

"Anong iisa?, hindi ko maintindihan." Naguguluhan si Aling Martha.

"Yung nangyari last year, parang may koneksiyon yung kalsada sa puting bahay."

"Paanong may koneksiyon?"

"Yan ang dapat nating alamin. Ano bang nangyari matapos mahuli ng mga salarin?" Usisa ni Aling Sonia.

"Hindi ko na alam, basta matapos ngang makulong ng mga hayop na iyon, ipinasara na ang bahay at ibinilin na lang sa akin."

"Ate, yung mga kamag- anak ng may-ari ng bahay,nasaan na?"

"Bumalik na sila sa America." Malungkot na sabi ni Aling Martha.

"Hindi ba nila pina-bendisyunan ang mga pinangyarihan ng krimen?" Biglang naalala ni Aling Sonia.

Umiling si Aling Martha.

"Pero hindi sapat na nahuli lang at nakulong ang mga kriminal, dapat napa-bendisyunan kahit papaano ang bahay." Ani Aling Sonia.

"Mga laking America kasi ang mga kamag-anak ng may-ari ng bahay kaya wala siguro silang paniniwala sa ganun."

Napabuntong- hininga na lang si Aling Sonia.

Biglang may naisip.

"Bakit hindi na lang tayo ang magpa-bendisyon?"

"Paano?" Tanong ni Aling Martha.

"Di ba caretaker ka naman?, may authority ka para pasukin ang bahay." May ngiti sa labi ni Aling Sonia.

"Hindi rin Sonia. Napag bilinan lang akong bantayan ang bahay pero hindi ang pasukin. Pinatitiyak lang sa akin na walang outsider na makapasok. Kahit ako pa." Malungkot niyang sabi.

"Caretaker na hindi pwedeng pasukin ang binabantayan?"

"Ganun na nga Sonia. Aba kung pwede akong pumasok sa white house na yun, matagal ko na sanang ginawa para hanapin si Sheila." Wika ng matanda.

"Tama na yan. Mag-iisip ako ng ibang paraan para matulungan ka at sa ikatatahimik ng anak mo."

Ngumiti ang matanda.

"Salamat Sonia."

Pag-alis ni Aling Sonia,naiwang nag-iisip si Aling Martha.

Nasaan na nga ba si Sheila?

Ano na ang nangyari sa kanya?

Kanina, parang narinig niya itong tinatawag siya.

Kasabay ng hangin na parang yumakap sa kanya.

Ahh, malakas ang paniniwala niyang nasa loob lang ito ng puting bahay.

Sana naman..

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon