Chapter 25

1.9K 47 10
                                    

NED'S POV

Isa.. dalawa..

Tatlong segundo..

Agad akong dumilat pero wala akong makita.

Madilim!

Namatay pala ang hawak kong lampara.

Kinuha ko ang aking lighter sa bulsa at sinindihan ang lampara.

"BULAGAAA!"

"AHHH!" napasigaw ako sa gulat at takot.

"Hahaha" tawang tawa sila Alaine at Hiro.

At nangingiti naman si Shane.

"Oh shit!" Naiinis ako.

"Kalma lang Ned." Natatawa pa rin si Hiro.

"Kalma? How can I, when I almost lost my breath?" Hindi ko mapigilang mapasigaw.

"Ned, sorry. Nagbibiro lang kami." Paumanhin ni Alaine.

"Tara na, puntahan natin sila Nexor." At hinila ko na si Shane at nauna na kaming lumabas ng kwartong ito.

Gusto kong magalit sa kanila pero baka isipin nilang ang babaw ko.

Ayokong ikwento ang tungkol babaeng tumatangis.

Baka hindi nila paniwalaan oh matakot sila.

Nararamdaman ko pa rin ang presence ng babaeng umiiyak.

Parang pinapanuod kami.

Isa pa, gusto kong magpasalamat at dumating sila.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling wala sila.

Baka kahit wala akong sakit sa puso ay atakehin ako sa sobrang takot.

Kahit sabihing kalalaki kong tao, hindi ko napigilan ang matakot.

"Nanlalamig ka ah. Sabi ko kasi sa kanilang huwag kang gulatin eh." ang higpit ng hawak ni Shane sa palad ko.

Hindi ako umimik.

Pinisil ko ang palad niya.

* * * * * * * *

Narinig ni Sheila ang kwento ni Elise.

Lalo na nung binanggit nito ang pangalang Jasper.

"Patay na yung Jasper?" Di makapaniwalang sabi ni Elise.

"Oo." Maikling sagot ni Sheila.

"Kilala mo ba yung Jasper? baka naman kapangalan lang." Kontra agad ni Nexor.

"Sigurado akong ang tinutukoy niya ay ang bunsong anak na lalaki ng may-ari nitong bahay." walang kakurap kurap na sabi ni Sheila.

"How sure are you?" Tanong ni Elise.

"Makulit yun eh. Mahilig maglaro. Imposible namang may ibang nakapasok dito." Ani Sheila.

"Yay, so multo yung bata na yun?" Nahihintakutang sabi ni Elise.

"Malamang. Baka nagpaparamdam. Ganun naman kapag pinatay ang isang tao, hindi matahimik." Makahulugang sabi ni Sheila.

"Pinatay yung bata? Bakit?" Na-curious si Gia.

Bago pa makasagot si Sheila, nakarinig sila ng mga yabag sa ikalawang palapag.

"Naku, baka yung bata na yun, naglalaro." Natatakot na sabi ni Elise at hinila palapit si Gia.

Sumiksik siya dito sa sobrang takot.

Dug.. dug.. dug..

Papalakas ang yabag at tila papalapit.

Lalong nagsiksikan sila Nexor, Elise, at Gia sa sofa samantalang nakatayo lang si Sheila at walang bakas ng takot.

Dug.. dug.. dug..

Sabay sabay silang napalingon sa itaas ng hagdanan.

May mga ilaw na tila
nakalutang..

Lumakas ang kabog sa kanilang dibdib..

* * * * * * * *

White House #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon