"Bilisan mo Shiela, malapit na tayo sa bahay." anlalaki ng hakbang ni Aling Martha.
"Patakbo na nga po tayong naglalakad pero bakit parang hindi naman po tayo nakakarating sa bahay 'nay?" may takot sa boses ni Shiela.
Galing sila sa bahay ng kumare ni aling Martha, nagpalaba ito at hindi sila pinaalis hanggat di sila kumain ng para sa hapunan kaya naman inabot sila ng gabi sa daan.
Wala pa naman dumadaang sasakyan.
"Kaya nga eh, napansin ko ---------" nang biglang may dalawang babaeng naka-pajama ng puti ang patakbong lumabas sa bahay.
Biglang nanlaki at napatigil sa paglalakad ang mag-ina.
"Inay, nasa tapat tayo ng White House." nanginginig na bulong ni Shiela.
Pero bago pa makasagot ang matanda ay nakarinig sila ng paparating na sasakyan.
At biglang tumakbo ang dalawang babae patawid sa kabilang kalsada. Nahagip ng paparating na sasakyan ang dalawa.
Kitang kita ng mag-ina nang parehong pumailalim sa sasakyan ang dalawang babaeng nasagasaan.
Kahit natatakot ay nilapitan nila ang nakahintong sasakyan.
Nagtinginan muna silang mag-ina bago umupo at sinilip ang ilalim nito.
Wala..
Muli silang nagtinginan..
At muling sumilip sa ilalim.
Wala..
At muling nagtinginan..
Sabay na napatayo at nagyakapan.
"hindi maaari, nakita nating pareho di ba? nasagasaan yung dalawang babae." halos lumuwa na ang mata ni aling Martha sa takot.
Nang silipin kasi nila ang mga babaeng nasagasaan ay wala ang mga ito.
"Tanungin natin ang driver inay," suhestiyon ni Shiela.
Tinungo nila ang driver's seat.
Wala ang driver.
Hindi pa sila nakuntento, binuksan nila ang pinto ng sasakyan, baka kasi nagtatago ang driver sa takot na may nasagasaan siya.
Wala talaga.
"Imposible wala namang lumabas ng sasakyan di ba?" Nahihintakutang sabi ni Aling Martha.
"Halika na, lisanin na natin ang lugar na ito." Sabi pa niya.
"Awooooo!!!!" mula sa kung saan ay may umalulong na aso.
Dahil sa gulat ay tumakbo ang mag-ina.. Hindi nila napansin na magkaibang direksiyon ang tinahak nila.
Nagkahiwalay sila.
"Inay!" Sigaw ni Sheila.
Walang sumagot.
"Nasaan ka inay?" muli niyang tawag sa ina.
Ngunit tanging ang madilim na paligid ang kanyang nakikita.
Wala si Aling Martha.
Sa tulong ng malamlam na liwanag ng buwan, ang siyang tanging nagliliwanag sa kanyang kinaroroonan.
Teka, pamilyar sa kanya ang paligid.
Nagtataka siya dahil alam niyang hindi ito ang lugar na tinungo niya.
"Inay!" umiiyak na siya.
Hindi niya alam kung saan na napadpad ang ina.
Ang alam lang niya, nag-iisa siya sa loob ng bahay.
Hindi ng isang ordinaryong bahay..
Nasa loob siya ng white house.
****************************
BINABASA MO ANG
White House #Wattys2016
RandomSa hindi maipaliwanag na sitwasyon, sa paikot-ikot at pabalik-balik na daan, kayo'y masisiraan. Isang malaki,maganda at maliwanag na bahay inyong matatagpuan. Kakatok ka ba? Papasok ka pa? Paano kung 'di ka na makalabas? Hanggang saan ang kaya mong...